t w e l v e

1.3K 41 20
                                    

xx: Long long long comments please! Jebal!
P.s: Play niyo yung music habang binabasa niyo ito para mas maganda :)

Dedicated sa'yo. Salamat sa pagbasa. Jusko. Sana supportahan mo hanggang huli ah?

~~

T w e l v e

I can help you

Tinitigan ko lang ang papel na hawak ko na may autograph niya. Hindi na naman nag f'function ng maayos ang utak ko. Hndi ko maproseso ang ngyare.

Hindi niya nga siguro talaga ako maalala. Duh. Asa naman akong maalala ako nun! Ilang minuto lang kaming nagkasama. Malamang hindi niya talaga ako makikilala!

Pero bakit parang naging hollow ang pakiramdam ko? Nakakapanghinayang lang siguro dahil akala ko yun na yung oras na magiging mag kaibigan na kami. Akala ko yun na yung oras na finally hindi na niya ako makikita bilang isang ordinaryong fan na lang, kundi makita niya ako bilang kaibigan niya.

Hindi pa pala yun ang oras na pinakahihintay ko. Mukhang malayo pa ako sa gusto kong marating. Naramdaman ko ang biglang pag vibrate ng phone ko kaya bumalik ako sa sarili ko, saka ko lang namalayan na hindi pa pala ako nakakababa sa elevator. Stupid.

Agad kong kinuha ang phone mula sa bag ko para makita kung sino ang nag text. Yung unknown number pa rin na mula sa unknown person. Jeezz. Sino ba ito?

Binasa ko ang text message:

Unknown:

Nasa room 312 ang room nina Chanyeol kasama sina Baekhyun, Kyungsoo, Suho saka si Tao.

Napanganga ako sa text na iyon, bakit niya iyon sinasabi sa akin? Isa pa bakit niya ako binibigyan ng ganitong impormasyon?

Hindi kaya si..... OMG.... Si.. SI JONGDAE ITO? I mean, baka kasi niloloko lang ako nito. Alam niyo yun? Baka si Jongdae ito at jino-jongdae lang ako!

O baka naman isa ito sa mga spy ni mama? I knew it! Sabi kasi ni mama na i-hihire daw niya ako ng spy para makatulong sa pag h'hunting ko sa exo. Pero, hindi naman ako pumayag doon eh! Mas gusto kong ako na lang ang mag spy kesa naman sa ibang tao ko pa i-asa. Baka kasi pag pantasyahan pa nung spy ang exo.

Napatitig ako sa phone ko at napaisip, simo kaya ito. Naisipan kong mag reply sa unknown message na ito.

To Unknown:

Sino ka ba?

Pagka send nung message na iyon ay agad ko ng pinuntahan ang room 312 para masigurado kung yun nga ang room nila. Baka mamaya niloloko lang ako nung nag text na iyon. Uso na kaya ang mga nanloloko sa text noh!

Pagkarating ko sa harap ng pintuan ng room 312 ay nilingon ko muna ang paligid para masiguradong walang makakakita sa akin. Mahirap na at baka makipag habulan ako sa mga guards. Mahirap mag ninja moves.

Tinapat ko ang tenga ko sa may pintuan. Pinakinggan ko ang mga boses sa loob.

"Kyungsoo, mag luto ka nga. Gutom na ako"

"Psst. Baek. Nakita mo ba brief ko?" Pfft. Alam kong boses ito ni Chanyeol. Bakit nawawalan ng brief itong si Chanyeol? Hmm. Sa susunod nga isang box ng brief ang ibibigay ko sa kanya.

Loving Park ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon