Hindi nagdalawang isip si Vince na kamayan ang lalake. Pero imbes na simpleng pakikipagkamay lang sinadya pa niyang higpitan ang kapit at ipitin ang kamay ni Patrick. "Yeah, same."

Mukhang nakaramdam naman si Patrick sa gusto niyang iparating, pero ang sira ulong lalake ay imbes na matakot mukhang balak pang lalo siyang yamutin dahil muli itong naupo at iniabot pa kay Claire ang hawak na softdrinks.

"Here, uminom ka muna." Alok ni Patrick kay Claire.

Nang akmang kukuhanin na iyon ng dalaga ay mabilis niyang inagaw ang bote at ininom iyon. "Sorry, akin na lang bro ha. Uhaw na kasi ako." Aniya habang mataman itong tinititigan.

"Ito na lang sayo, Claire." Abot nito sa hotdog  sandwich.

"Thanks." Agaw na naman niya kalakip ang isang mapang-asar na ngiti. Kumuha pa siya ng upuan sa kabilang table at tinabihan si Claire. "Did you miss me?" Pananadya niyang paglalambing para ipakita kay Patrick na hindi na available pa ang kaniyang Misis.

"Nalipasan ka na ata ng gutom." Naiiling na sabi ni Claire na halatang nawiwirdohan sa kaniyang inaarte. Habang si Patrick naman ay nakatitig lang sa kaniya as if he's telling him na mukha siyang tanga. But he doesn't care about what he thinks.

"Ano nga palang ginagawa mo rito sa Palawan?" Nagtatakang tanong ni Vince rito. Ang huling balita kasi na nalaman niya tungkol rito ay dini-date nito ang isang Broadway Actress. "Last thing I heard ay may idini-date ka raw na sikat na broadway actress." Bigay diin niya para ipaalam rin kay Claire na taken na si Patrick kung sakaling hindi iyon sinabi ng lalaki.

"I didn't know na updated ka pala sa whereabouts ko, Vince." He said with that questionable look on his face.

"I just heard it from the news." Giit niya para hindi magmukhang stalker ang dating niya. "I'm sure you also heard about my marriage with Claire, right?" Pagbabago niya ng topic.

"I did." Patrick said casually at saka muling ibinaling kay Claire ang tingin, "I'm sure you look so wonderful wearing that white gown." He said with a sweet and charming voice.

"Of course, maganda talaga ang asawa ko." Sabat ni Vince bago pa man makapagsalita si Claire. Binigyan diin pa niya ang huling salita para iparating kay Patrick ng malinaw. "Anyway, bakit ka nga pala narito ulit?" Muli na naman niyang paglilihis ng topic para hindi magkausap ang dalawa.

"Just some stuff." Kibit-balikat nitong sabi imbes na sagutin ng diretso ang kaniyang tanong. "Mabuti na lang at nagkasalubong kami nitong si Claire. It's been a really long time mula ng magkahiwalay kami at masaya ako ngayon dahil nakapag-usap na rin kami"

Mas lalo lang tuloy nainis si Vince dahil sa presensya ng mahangin at preskong lalake. Lantaran pa nitong ipinapamukha sa kaniya na wala itong pakialam sa kaniyang presensya. The nerve of this stupid Motherfvcker! Usal niya sa sariling isipan.

"I see. Anyway, as much as we would like to spend more time with you, may importanteng lakad pa kasi kami ng asawa ko." Sabi niya na binigyang diin pa ang huling salita para ipamukha sa lalaki na pagmamay-ari na niya si Claire at wala na itong pag-asa pa. "Let's go, Misis." Paanyaya niya kay Claire at saka ito hinawakan sa kamay.

"Sige, Patrick mauuna na kami ha." Ani Claire at saka binigyan ng isang matamis na ngiti ang lalaki. "Salamat sa masayang kwentuhan. Nag-enjoy din ako sa mga napag-usapan natin. Till we meet again."

"Wag mo sana kakalimutan yung sinabi ko ha." Anitong nakangiti kasabay ng pagkindat. "I had a good time with you. Maraming salamat, Claire. Sana magkita pa ulit tayo."

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now