"Nasaan po pala si Dreico?" Tanong niya ng hindi makita sa paligid ang isa sa kambal.

"Ito, nasa pool pinapaliguan ni Erika." Imporma ng kaniyang Ina ng iharap nito ang camera sa may swimming pool para ipakita si Dreico na nakasakay sa salbabida habang nilalaro ito ni Erika. Medyo may kalayuan ng kaunti ang pool kaya hindi siya maririnig ng mga ito.

"O, kayo ni Vince, anong plano niyo pagkatapos?" Usisa muli ng kaniyang Nanay.

"Bukod sa mga business meeting niya, parang wala naman na po. Pupuntahan na lang namin yung mga iba pang kailangan ko dito tapos pag-uusapan na lang namin kung anong ibang mga kailangan gawin."

Humigit-kumulang kinse minutos din sila nag-usap at nagchikahan ng kaniyang Nanay at ni Daniel. Buti na lang at good timing ang tawag ng mga ito dahil kung hindi ay baka naroroon pa rin siya sa loob ng malamig na conference room at nakikinig sa pag-uusap ni Vince at ng mga tauhan nito.

"O sya, sige na, kakain na muna kami ng tanghalian. Tawagan mo na lang ako bukas ha."

"Opo, Nay."

"Yung mga binilin ko sayo na mga gagawin mo, wag mo kakalimutan ha. Importante iyon lalo na ang mga records ng Tatay mo sa Hospital ha."

"Opo, hindi ko nakakalimutan. Dala ko pa nga yung listahan oh." Npapangiti niyang sabi ng ipakita pa rito ang listahan ginawa nito ng mga dapat niyang puntahan, gawin, at bisitahin sa kanilang lugar.

"O sige na, sige na. Tatawag na lang ako ulit. Kamustahin mo na lang ang asawa mo sabi ko. Mag-ingat kayong dalawa diyan." Huling bilin ng kaniyang Nanay bago natapos ang kanilang usapan.

Hindi na nakapagba-bye pa si Claire dahil bago pa man siya makapagsalita ay naibaba na ng kaniyang nanay ang tawag. Nang silipin naman niya ang kaniyang suot na relo ay saka lang niya napansin na mag-aala-una na pala ng tanghali at hindi pa sila nakakapagtanghalian ni Vince, kaya pala medyo nakakaramdam na rin siya ng gutom.

At nang sinubukan niyang silipin ang nagaganap na meeting ay napansin niyang mukhang matagal-tagal pa ata matatapos iyon dahil patuloy pa rin ang business presentation na nagaganap doon. Naisip naman niya na kung babalik siya sa loob ay maiistorbo lang niya ang nagaganap na pag-uusap kaya naman minabuti niyang bumalik na lang ulit sa lobby at doon hintayin ang binata hanggang sa makatapos ito.

Kaya pa naman niya tiisin ang kaniyang gutom kaya hihintayin na lang niya ito na makatapos. Naisip niyang kakain na lang siya ng biscuit at juice para maibsan kahit papaano ang kaniyang gutom.

Nang lapitan ni Claire ang isa sa mga receptionist sa opisina na kanilang kinaroroonan ay tinanong niya ito, "Excuse me, meron po ba kayong canteen dito or at least food vending machine?"

"Dito po sa may kanan Ma'am." Turo nito sa kanang bahaging espasyo. "Diretso lang po kayo diyan tapos sa may kaliwa nun may makikita po kayong canteen." Magalang na sagot ng dalagang receptionist.

"How about yung comfort room niyo?" Pahabol niyang tanong dahil medyo naiihi na rin naman siya.

"Diyan lang din po. Bago po kayo makarating sa canteen makikita niyo na din yung comfort room."

"Thank you."

Pagkatapos makuha ang instruction ay tinungo na niya ang comfort room. Mabuti na lang at walang masyadong tao pagpasok niya kaya hindi na niya kailangang pumili pa. Karaniwan kasi na kapag ganoong oras ay breaktime ng mga empleyado kaya inaasahan na niya na baka maraming babae ang makakasabay niyang gagamit ng comfort room.

Makatapos makaihi ay saka siya diretsong tumungo sa canteen. Pero dahil nakayuko siya at hinahanap ang kaniyang wallet ay di niya inaasahan na mababangga niya ang isa sa mga empleyado na makakasalubong niya.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now