"Kanina ko pa nga hinahanap, hindi ko makita." Nag-aalangang sagot nito.

"Pansin ko nga." Pamimilosopo pa ni Claire. Paano mo makikita kung busy ka kakalandi sa mga babae na yan! Sumbat ng isang bahagi ng kaniyang isipan. "Sana pala ako na lang ang kumuha baka nakita ko pa agad.."

"Vince..." Tawag ng babaeng may kulay light brown ang buhok at nakasuot ng maiksing maong na shirt at pink na blouse.

"Oh, yeah... Uhm, I want you to meet my wife, Claire." Pakilala ni Vince sa kaniya. "Claire, this is Chenee Caspillo my---"

"Vince's first girlfriend." Tuloy ni Chenee sa pagpapakilala ni Vince. Binigyan pa nito ng diin ang huling sinabi na ito ang first girlfriend ni Vince. "Nice to meet you." Abot nito ng kamay at saka siya nginitian na halatang napipilitan lang at nagpapakitang tao. Basang-basa naman sa reaksyon nito na hindi nito nagustuhan ang biglaan niyang pagsulpot roon. Baka nga siguro kung wala siya ay baka pumulupot na ito kay Vince.

Impakta! Plastikada! Sigaw ng isipan ni Claire. Babae siya at alam niya na pinaplastik lang siya ng babaeng nasa harapan niya ngayon. From that fake smile and fake handshake, alam niyang hindi siya gusto ng babae. Napansin rin niya ang disgusto sa mukha ng dalawang babaeng kasama nito.

It's a tie! Hindi rin kita gusto. Pero siyempre ay pinili niyang maging civil sa harap ng babae. "Nice to meet you too, Chenee." Aniya ng makipagkamay at ngitian rin ito.

"These are my friends, Joana and Fatima." Pakilala ni Chenee sa dalawang kasama nito.

"Hi." Nakangiti niyang bati.

Pero imbes na sumagot ay inismiran lang siya ni Fatima. Lantaran talaga ang pagtataray nito sa kanya. Habang si Joana naman ay binigyan lang siya ng tipid na ngiti na mukhang napilitan pa.

"Wow, ang cute naman ng kambal!" Pa-sweet at maarteng sabi ni Chenee ng mapansin sina Lucho at Dreico.

Kinuha naman ni Vince si Dreico at kinarga. Agad iyong nilapitan ni Chenee at hinawakan ang kamay. "What's your name baby boy?"

"Dreico." Sagot ni Vince.

"What a cute name." Papuri ni Chenee. "Manang-mana sa kagwapuhan mo, Vince." Sabay kapit at haplos sa braso ni Vince.

"You really think so?" Nakangiting sagot ni Vince.

"Of course. For sure he'll grow up as handsome as you are." Maharot na sabi nito ng biglang haplusin ang pinsgi ni Vince.

Mukhang nailang naman si Vince sa ginawa nito kaya bigla itong napahakbang ng isa patalikod.

Tila isang malakas na apoy ang biglang nagsindi sa loob ni Claire ng mapansin niya ang lantarang panghaharot ng impaktang babae na ito sa kaniyang asawa. Hindi na nahiya! Alam na nga na may asawa tapos nilalandi pa! Kakalbuhin ko na tong babaeng haliparot na to!

Nang subukan ni Chenee na kurutin sana ang pisngi ni Dreico ay agad na tinapik ni Dreico iyon palayo at hinataw sa mukha ang babae. Bagay na ikinatuwa ni Claire dahil mukhang maging ang kaniyang kambal ay hindi gusto ang presensya ng impaktang babae.

"Ang cute sana ng anak mo kaya lang antipatiko pala." Nakatawang sabi ni Chenee. Halatang nainis ito sa ginawa ni Dreico base sa ekspresyon ng mukha pero mukhang nagpipigil lang ito na saktan ang bata dahil kay Vince.

"Mana siguro sa Nanay." Gatong ni Fatima kalakip ng mapang-insultong tingin.

"Sayang cute pa naman sana, wala lang modo." Dagdag pa ni Joana habang binibigyan ng tila nandidiring tingin ang kambal.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now