Mula sa likuran ay narinig ni Claire ang boses ni Vince. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang katatapos lang maligo ng lalake. Mamasa-masa pa ang buhok nito at nakasuot lang ng puting sando at itim na shorts.

"Where are you going?" ulit na tanong nito ng makalapit sa kaniyang tabi.

"Aalis." simpleng tugon niya habang pinupunasan ng towel si Lucho.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Vince na kinuha na din ang isang towel at sinimulang punasan si Dreico.

"Kami lang." pagtatama niya.

"Hindi ako kasama?"

"Hindi ka kasama."

"Bakit hindi ako kasama?" magkasalubong ang kilay ni Vince habang nakatitig sa kaniya.

"Kasi hindi ka naman invited?" pamimilosopo na sagot ni Claire ng lingunin ito kalakip ng isang mapang-asar na ngiti.

"Well, then I am inviting myself." kaswal na sabi nito at saka binalot ng twalya si Dreico at kinarga palayo.

"Hoy, saan mo dadalin yan?" habol na sigaw niya.

"Arbor muna, Misis. Magbibihis lang ako. Hintayin mo na lang ako diyan at ikukuha ko na lang ng damit si Lucho. Baka kasi di niyo ako isama kaya akin na muna tong isa. Ako na din magbibihis sa kaniya." tila batang sabi nito habang naglalakad palayo. Napakasigurista talaga ng mokong at tinangay pa si Dreico para lang matiyak na makakasama ito.

Pag-alis ni Vince ay siya namang dating ni Amanda. Hawak nito ang laptop.

"Bakit parang baliw yung isang yun?" anito na ang tinutukoy ay ang nakasalubong na si Vince. "Nasisiraan ba ng bait yun?"

"Matagal na." naiiling na lang na sagot ni Claire. But she couldn't help but smile too.

"Magkakapatid ka nga sila. Puro mga may tililing sa utak." she said casually ng maupo sa table at buksan ang laptop.

"Sinabi mo pa." sang-ayon niya sa sinabi ng dalaga.

"Except me. Matino ako." sabat ni Stefan na noo'y nakababad pa rin sa pool.

"Feelingero." sabat ni Aly habang nilalaro sina Casper at Austin.

"Hindi kita kausap, wag kang makisali!" gigil na binasa na naman ni Stefan ng tubig mula sa pool si Aly.

"Hindi ka rin nila kausap, wag kang makisali!" binato ni Aly ng tsinelas si Stefan at saktong tumama naman iyon sa ulo ng lalake.

Inis na lumangoy palapit si Stefan papalapit kay Aly, pero ng tangkain nitong umahon ay itinulok agad ito ng dalaga para muling mahulog sa pool. Bagay na lalong ikinainis lalo ni Stefan.

"O diba, mahina ka. Di mo ko kaya!" mayabang na sabi ni Aly kasabay ng malakas na pagtawa.

Ang hindi alam ni Aly ay ang surpresang pagdating ni Jace. Maging sila Claire at Amanda ay angulat ng makita ang tumatakbong lalaki. At bago pa man sila makapag-react na lahat ay naitulak na nito sa swimming pool ang walang kalaban-laban na babae.

"Home run!" masayang sigaw ni Jace habang malakas na tumatawa.

Pero naputol ang panandaliang pagsasaya nito ng biglang itulak rin ito ni Chris.

"What the---" pero hindi natapos ni Jace ang kaniyang pagmumura dahil binato agad ito ni Chris ng hawak na mansanas.

"Sabi ko bawal magmura sa harap ng mga bata diba." paalala ni Chris. "Maligo ka na din muna at ang ingay mo." tatawa-tawang sabi nito ng maupo sa tabi ng asawang si Amanda.

Dahil sa ginawa nito ay nagkatawanan silang lahat. Maliban kina Aly at Stefan na naglulunuran sa swimming pool. Mukhang wala talagang magpapadaig sa dalawang ito pagdating sa palakasan.

Sa loob-loob ni Claire ay masaya siya habang pinanonood ang mga ito. Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang mga kinikilala at tinitingala niyang mga Amo dati, ngayon ay matatawag na niyang pamilya. What a once in a life time fairy tale story ika nga ng iba.

Makalipas ang ilang minuto ay muli ng nagbalik si Vince, nakasuot ito ng blue t-shirt at may tatak na Captain America sa gitna. Si Dreico naman ay nakasuot ng kulay red ay may tatak na Ironman sa gitna.

"Bagay ba, Misis?" malaki ang ngiti sa labi na baling sa kaniya ni Vince.

"Saan mo naman nakuha yan, Mister?" hindi maikubli ni Claire ang amusement niya. This is the first time na nakita niyang nakasuot ito ng superhero shirt. For some reason, he looks lively and exudes such young vibe. And to be honestly, bagay na bagay naman talaga sa tindig at mukha ni Vince ang suot nito dahil nabibigyan nito ng hustisya ang pagiging Captain America.

"Binigay ni Mommy. Nakita raw nila ito noong nasa U.S. sila." pag-amin nito. Iniabot rin ni Vince sa kaniya ang kaparehong t-shirt, "Magpalit ka na din para pareho tayong lahat."

Habang nagdadalawang-isip si Claire kung susuotin ang damit na iyon o hindi, ay inasikaso naman na ni Vince si Lucho at isinusuot rito ang kulay grey na t-shirt na may simbolo naman ni Thor.

"Ang cute mo diyan bro, para kang sira." pang-aasar ni Jace ng umahon ito sa swimming pool.

"Inggit ka lang." sabi ni Vince. Mukhang masyado itong masaya kaya wala kahit anong asar ni Jace ay hindi ito napipikon. "Tara na nga, Misis." aya nito at saka naunang lumabas.

"Sige na, isuot mo na yan. Para naman happy family kayo tignan." pambubuyo ni Amanda na halatang kinilig sa hindi inaasahang aksyon na iyon ni Vince.

"Oo nga naman." sang-ayon ni Chris, "Pagbigyan mo naman kami na makitang mukhang tanga yun minsan." tatawa-tawang pang-aasar din nito sa kapatid, bagay na ikinatawa rin nina Jace at Stefan. Mukhang desido ang mga ito na pagkaisahan si Vince.

"Naririnig ko kayo!" malakas na sigaw ni Vince mula sa loob ng bahay. "Tara na, Misis! Baka mahawa ka pa sa kapangitan ng mga tao diyan! Isusumbong natin yan kay Mommy mamaya." ganting-asar nito sa mga kapatid.

Sa huli'y wala ng nagawa si Claire kundi ang sundin na lang ang kagustuhan ng asawa. Pumunta siya sa kalapit na shower room ng pool at doon nagpalit ng damit na ibinigay ni Vince. Color navy blue iyon na may tatak ng superhero na si Captain Marvel.

After all, wala naman din mawawala sa kaniya kung pagbibigyan niya ang puso niya kahit saglit lang. At maging memorya din ito kung tutuusin para kina Lucho at Dreico, ang makapamasyal sila na magkakasama at nakasuot ng family couple shirt.

Nakakailang hakbang pa lamang si Claire papalayo nang marinig niyang tawagin ni Chris ang kaniyang pangalan.

"Claire..."

"Hmm?" 

"Thank you." he said with that sincere smile written all over his face.

"Para saan?" nagtataka niyang tanong rito.

"Just, thank you." sabi lang nito ng hindi ipinapaliwanag ang dahilan. "Sige na, baka inaantay ka na nila."

"Okay... welcome." ani Claire kahit hindi alam ang dahilan ng pasasalamat nito.

-------------------------------------------------

Author's Note:

Please don't forget to FOLLOW / VOTE / COMMENT para ganahan naman ako ituloy to. hahaha!

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now