My Confession

1.6K 94 4
                                    

Vienne's PoV

"Ready kana ba mamaya?" Napabaling ang tingin ko kay Dean na nakangiti. Alam niya kasi ang lahat ng plano ko at sa kaniya ko lang sinabi dahil for sure aasarin lang ako ni Dexter kapag nalaman niya ang plano ko mamaya.

"Kinakabahan pero excited narin."

"Kaya mo 'yan! Nandito lang kami sumusuporta sa'yo." Napangiti na lamang ako sa nasabi niya at nagpasalamat sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa restaurant dahil pinag-uusapan namin ang ginawa naming plano.

"Vienne, hindi ba't si Yukki 'yon?" Napatingin naman ako sa taong itinuro ni Dean. Pagtingin ko ay nakita namin sa kabilang kalye si Yukki kakalabas lang ng bookstore.

"Oo nga no, sige hatid ko muna siya Dean ha." Sabi ko sabay tayo.

"Sige, ingat kayo." Nagpasalamat ako dito at lumabas. Agad ko rin namang pinuntahan si Yukki at kinuha ang bitbit nitong mga libro, kita ko ring nagulat ito sa ginawa ko.

"Ikaw pala Vienne." Ngumiti naman ako dito.

"Hatid na kita Yukki."

"Salamat." At sabay inilagay ang mga libro sa likod ng sasakyan.

Medyo tahimik lang din ang biyahe namin, dahil kinakabahan akong kausapin ito.

Matapos ko siyang ihatid sa Condo ay nagpaalam na kaagad ako dito, niyaya pa nga ako nitong kumain ngunit sabi ko dito ay may aasikasuhin pa ako.

Yukki's PoV

Malungkot kong sinundan ang kotse ni Vienne na papaalis. Akala ko ba may sasabihin siya sa akin 'pag natapos na ang lahat? Bakit parang wala naman. Hindi man lang din siya tumigil muna dito upang kumain. Tapos kanina rin sa sasakyan parang kabado ito at hindi makausap, halatang may itinatago sa akin. Nakakainis.

Umakyat nalang ako at nagbihis. Dapat masaya ako pero naiinis ako sa araw na ito. Naisipan ko nalang bisitahin sila mama dahil matagal narin kaming hindi nagkikita nito at gusto ko ring bisitahin si Yura, paniguradong malaki na ang tiyan nito.

Pumunta na ako sa sasakyan ko at nagumpisa ng mag maneho papunta sa bahay nila Mama.

Ilang minutong biyahe at nakarating narin ako sa bahay nila, pinarada ko ang sasakyan ko at tinanong kung nasaan ba si Mama.

"Nasa Garden po siya, Sir. Yukki." Nagpasalamat ako dito at punta na sa Garden. Ng nasa Garden na ako ay hindi ko mapigilang maluha, parang taon narin kaming hindi nagkikita nito at gano'n parin ang itsura niya.

"Ma!" Tawag ko dito at tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap. Na-miss ko rin ang yakap nito.

"Miss na miss ako ng anak ko ah." Kahit marami kang kalokohang ginawa sa akin ma ay mahal na mahal parin kita.

"May problema ba?" Napahigpit naman ang yakap ko kay mama dahil sa tanong niyang iyon.

"Huwag kang mag-alala anak, mahal ka no'n." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni mama. Humiwalay ako sa yakap at hinarap siya.

"Ano po? Sino tinutukoy niyo ma?" Hinawakan naman ni mama ang magkabilang kamay ko at ngumiti.

"Sino paba, Edi si--" naputol ang sasabihin ni Mama ng dumating may biglang nagsalita.

"Ma!" Napatingin kami banda rito at kita namin si Yura, pinuntahan namin ito at inalalayan. Grabe, ang laki narin ng tiyan nito at tumaba rin si Yura pero maganda parin itong tignan.

"Kuya!" Yumakap ito sa akin at niyakap ko rin ito pabalik. Namiss ko rin 'tong babaeng ito.

"Anong ginagawa mo rito?"

PretendWhere stories live. Discover now