Finding Yukki

1.3K 78 0
                                    

Shadow's PoV

Marahas na binuksan ni Vienne ang pintuan ng kaniyang opisina matapos ang mga pangyayari na kina sanhi ng pagkadakip kay Yukki pagkatapos maligtas ni Senon.

Tinanggal nito ang Blazer na suot at naupo sa kaniyang swivel chair at pinatawag ang mga imbestigador para hanapin si Yukki.

"Gawin niyo ang lahat upang ma-track sila! Wala kayong dapat palagpasin!" Mainit na ulo nitong sinabi at hinawakan ang sentido nito.

Hindi na alam ni Vienne ang gagawin sa sitwasyon. Natataranta siya na hindi niya maintindihan. Bakit ba ito nangyayari? Iyan ang tanong na tumatakbo sa kaniyang isipan. Gulong-gulo ito kung ano ba ang dapat gawin, pero alam naman niyang top priority ang pagligtas dito at wala ng iba.

••••••

Ilang araw na ang nakakalipas at wala paring balita kung saan ba naidala si Yukki. Stress na stress na si Vienne kung ano ba ang gagawin. Lahat na nang pwedeng mag-imbestiga ay hinire na niya. Si Senon naman ay nasa hospital ngayon at hindi makausap dahil sa traumang natamasa nito. Kahit hindi magkwento si Senon ay alam ni Vienne ang natamasa nito. Alam niyang ito ay na-rape dahil sa semen na natagpuan sa anal nito at sobrang dami nito kaya dahil narin dito na-trauma si Senon.

Habang nag-iimbestiga narin si Vienne ay inaayos narin nito ang mga proseso ng annulment nila ni Yura. Hindi rin nito sinabi sa pamilya nila na nawawala ulit  si Yukki dahil ayaw lang nitong palakihin pa ang problema.

Malalim na nag-iisip si Vienne ng may biglang kumatok sa pintuan ng kaniyang opisina kung kaya't pinapasok narin niya ito.

"Mr. Jimsckon, may naghahanap po sa inyo."

"Papasukin niyo." Matamlay na sinagot ni Vienne dito. Hindi narin nito tinanong kung sino sapagkat ay wala narin itong gana.

Nakarinig na lamang siya nang yabag ng paa. Hinintay na lamang niyang magsalita ito.

"Grabe, mukhang ang dami mong problema ah." Nagulat siya sa boses na kaniyang narinig kung kaya't napatingin ito sa nagsalita at nanlaki ang mata.

"Dexter, anong ginagawa mo rito?" Naupo naman si Dexter at tinitigan si Vienne.

"Rinig ko kasing may problema kang kinahaharap kung kaya't nandito kami para tulungan ka." Sabi nito sa kaniya.

"So, andito rin pala si Dean." Tumango naman si Dexter.

"Ano ba 'yang problema mo at ganiyan na kalaki ang eyebags mo?" Segundong napatingin si Vienne kay Dexter bago bumuntong hininga at yumuko.

"It's okay, this is none of your concern." Nagulat si Vienne ng makarinig siya ng pagpalo sa lamesa na gawa ni Dexter.

"I'm. Your. Friend. How. Could. This. Be. Not. Of. My. Concern? Mr. Jimsckon?" Diin na inisa-isang sinabi ni Dexter iyon kaya natakot ng kaonti si Vienne dito. Wala na itong nagawa kundi ang ikuwento ang buong probelma.

Matapos maikuwento ang buong pangyayari ay nagulat ulit ito ng hampasin ulit ni Dexter ang lamesa.

"WHAT THE FUCK, VIENNE! ANO PANG GINAGAWA ANTIN, ILIGTAS NA NATIN SI YUKKI!" Napahinga ng malalim si Vienne at hinawakan muli ang sentido nito.

"Calm down, Dexter. Kailangan muna nating malaman kung nasaan sila at huwag magpabigla bigla sa desisyon at baka lumala lang." Aniya. Napa-cross arm naman si Dexter.

"Ano na ang plano mo ngayon?" Tanong nito.

"Inaayos ko rin kasi ang proseso ng annulment namin ni Yura kaya nahihirapan din ako, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko." Stress na stress na sabi ni Vienne dito.

"Walang problema." Napatingin naman bigla si Vienne dito at nagtaka.

"What do you mean?"

"Habang inaayos mo 'yang annulment niyo ni Yura or whatsoever. Kami muna ni Dean ang bahala sa pag-hahanap kay Yukki."

"Can you do that?" Tinaasan naman ni Dexter ng kilay ito.

"Hmp! Don't underestimate a former Agent." Kita ni Vienne na proud pa nitong sinabi kaya napangiti siya dito.

"Okay, I will let you take care of that. I'm counting on you."

Matapos ang araw na iyon. Kagaya ng napagkasunduan nila. Inasikaso ni Vienne ang proseso ng annulment nila ni Yura habang sila Dexter at Dean naman ay nag-iimbestiga sa nangyari.
Kada pagkatapos rin ng trial sa annulment ay tinatawagan agad nito sila Dexter upang malaman ang mga nangyari.

"May balita naba kayo?" Tanong nito kay Dexter sa kabilang linya.

/Meron na akong nasagap, Vienne./ Nanlaki naman ang mata ni Vienne sa narinig.

"Tell me!"

/Ayon dito sa nahuli naming isang tauhan ay sa ibang bansa daw napunta sila Yukki pero hindi niya alam kung saang bansa ito napunta dahil isang janitor lang ito sa building./ Huminga ng malalim si Vienne at least alam na nito na wala sila dito sa Pilipinas at ang problema na lamang ay saang bansa ang mga ito.

"Thank you, Dexter. You really helped me a lot."

/That's what friends are for. Don't forget, tinulungan niyo rin kami noon ni Yukki kaya wala 'to./ Napangiti si Vienne at nagpaalam na. Inayos nito ang kaniyang necktie at nagumpisa ng naglakad.

'I will surely find you, Yukki.'

••••••

6 months na ang nakalipas at na-approved narin ang annulment ni Vienne at Yura. Ginawa talaga ni Vienne ang lahat ma-nullify lang ang kasala nila. Ngayon ay nasa harap niya si Yura at katabi nito si Mark. Malaki narin ang tiyan ni Yura kaya napagdesisyunan narin nila ni Mark na ikasal para sa kalagayan ng bata.

"I hope you guys will live happily. Raise your child healthy and happy." Ngumiti si Vienne sa mga ito kita ring napangutu ang dalawa sa kaniya.

"I hope you will also find your true love, or... maybe you already found it." Tanging ngiti nalang ang ibinigay na sagot ni Vienne dito at nagpaalam ng umalis.

Kinuha nito ang kaniyang cellphone at tinawagan si Dexter na sa ngayon ay sa Luxembourg. Nakakuha kasi sila ng impormasyon na sa bansang iyon dinala si Yukki.

"Did you have any update?" Tanong ni Vienne habang papalapit sa kotse nito.

/Sa ngayon iniikot namin itong Luxembourg, sa liit nitong bansa ay for sure namang may mahahanap kami dito./

"Okay, thank you, Dexter. Sana mahanap na natin si Yukki."

/Mahahanap rin natin siya. Huwag ka mag-alala./ Malungkot na ngumiti si Vienne dito bago binaba ang tawag.

Sa kabila naman, ay naglalakad-lakad sila Dexter at Dean nang may nakita silang pamilyar na mukha. Tinignan ng mabuti ito ni Dexter at hindi siya nagkakamali sa kaniyang nakita.

"Dean! Si Yukki 'yon ah!" Sabay turo sa isang pigura na tumitingin sa mga bulaklak na binebenta. Nakita nilang papaalis na ito kaya naman hinabol nila ito.

"Yukki!" Pero hindi man lang sila narinig nito at nagpatuloy lang sa paglalakad. Tumakbo nang tumakbo sila Dexter pero nawala ito sa paningin nila kaya sinubukan nilang hanapin pa sa ibang parte pero hindi na nila ito nakita.

Hinihingal na kinuha ni Dexter ang kaniyang phone at may dinial ma number.

/Ano 'yon Dexter?"/

Hinabol muna ni Dexter ang hininga bago nagsalita muli at sa sinabi niyang iyon ay alam niyang napabitaw si Vienne sa kaniyang phone. Dahil ang sinambit ni Dexter ay...

"Nandito si Yukki sa Luxembourg."

PretendWhere stories live. Discover now