Bonding

2.9K 127 5
                                    

Vienne's PoV

Nandito kami ngayon sa labas at nag-swiswimming.

"Vienne naman! Bakit kailangan kong mag bathrobe? Maliligo nga ako eh!" Nagpapadyak na reklamo ni Yura, napatawa naman ako sa pagiging childish niya.

"Kasi...gusto ko ako lang nakakakita niyan!" Sabi ko sabay turo sa katawan niya. Nakita ko naman siyang namula kaya napatawa ulit ako.

"Pero gusto kong maligo~!" At nagpapadyak-padyak ulit siya.

"Edi palit ka ng masusuot." Sabi ko sabay tawa at ayun nagpapadyak na pumasok, siguro magpapalit iyon.

Nagpatuloy ako sa paglangoy ng bigla akong hatakin pailalim ni Senon.

"HAHAHAHA." Bwisit talaga 'tong lalaking 'to!  Gumanti naman ako sa kaniya at tinawanan din siya, kasi naman ang sama ng tingin sa akin.

"Asan si Yukki?" Nagtataka kong tanong kasi wala siya dito.

"Nasa room, nag-tatype." Wow hanggang dito ba naman ay trabaho parin inaatupag niya? Bakit hindi siya magsaya?

Maya-maya lang ay lumabas na si Yura, kahit naka t-shirt at short lang siya ay napapatulala ako sa kaniya.

"Oy, laway mo tulo na." Bulong ni Senon kaya naman napapahid ako sa bibig ko kung may laway pero wala at nakarinig ako ng malakas na tawa mula kay Senon.

"Uto-uto." Nilapitan ko ito at agad kong nilubog siya sa tubig.

Agad namang dumiretso sa tubig si Yura at tuwang tuwang sumisid.

Ilang minuto din kaming nasa tubig ng lumabas si Yukki. Nakalongsleeve parin siya pero iba na kulay at nakatokong. Umupo sa buhanginan at pinanuod kami.

Nakita kong lumapit sa kaniya si Senon at nag-usap ata sila. Maya-maya lang ay hinihila ni Senon si Yukki at si Yukki naman ay nagpupumiglas.

Nagulat ako ng biglang binuhat ni Senon si Yukki at dinala sa mababaw na tubig at inihagis ito.

"Hayop ka Senooon!!" Gigil na gigil na sabi ni Yukki na basang basa na. Napa 'tsk' naman ako sa nakita ko. Bigla naman silang naghabulan.

"Uy Vienne." Rinig kong tawag sa akin ni Yura. Sa kaniya ko nalang ibabaling attensyon ko, nabwibwisit ako sa dalawa eh.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong, may bigla naman siyang pinakitang kabibe sa akin.

"Wow! Ang ganda naman niyan!" Sabi ko at bigla napangiti si Yura kaya napangiti narin ako.

"Oo nga eh! Ano kayang klaseng kabibe ito?" Lumapit naman si Yukki at kinuha ang kabibe at parang inobserbahan niya pa ito.

"Hmm..." tinignan lang namin siya ni Yura at hinintay siyang magsalita.

"Palagay mo Yukki, ano 'yan?" Tanong ni Yura.

"This is Cypraea Tigris or commonly known as Tiger Cowrie dahil sa kulay nito." Namangha naman ako sa sinabi niya, he is knowledgeable.

"Ang ganitong species ng shell ay endangered na sa Singapore at may iba na naniniwala na nakakatulong ito na makafacilitate ng childbirth, Some women in Japan hold this kind of shell during Childbirth." Dalawa na kami ni Yura ang namangha. That's quite fascinating.

Hawak hawak parin ni Yukki ang shell at inoobserbaha niya ito.

"Do you know that this is animal?" Animal? 'yang shell na 'yan? Nakita kong umiling si Yura.

"Well, now you know." At binalik na niya ang shell kay Yura.

"Isn't he incredible, Yura?" Tumango naman si Yura ng nakangiti.

PretendWhere stories live. Discover now