Korea

1.9K 92 16
                                    

Yukki's PoV

Nandito kami ngayon ni Vienne sa private plane, siya ay tulog na tulog samantalang ako ay hindi mapakali sa kinauupuan ko.

Nakakainis naman, limang araw pa akong magpre-pretend bilang si Yura at hindi pwede ito, kailangang sumunod na si Yura sa amin. Hindi ko kayang mag-pretend ng lima pang araw.

Kaya naman paglapag palang namin sa airport ay tinext ko na agad si Yura na sumunod sa amin dito sa Korea at itextext ko nalang ang address kung saan kami muna mamamalagi ni Vienne.

"We're heeeree~" sabay ikot ni Vienne at ngumiti sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi bigyan siya ng fake smile. Sorry Vienne, hindi ko rin nais na lokohin ka.

Maya-maya lang ay may dumating na Kotse at lumabas sa drivers sit ang isang lalaki na nasa mid 40s na.

"Here is your car Sir." Nginitian naman ni Vienne ang lalaki sabay kuha ng susi sa kamay nito.

"Thanks George!" At binuksan ang driver's seat, napatingin naman sa akin si Vienne.

"Come in Yura." Kaya naman tumabi na ako sa kanya at tumahimik nalang. Hindi ko parin mapigilang hindi kabahan.

"Is There something wrong?" Napatingin ako bigla kay Vienne na sumilip sa akin.

"N-nothing." At ngumiti ng pilit, nagulat ako bigla ng hawakan niya ang kamay ko at in-interwined sa kaniya.

"Para ka kasing kabado eh." Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya.

"No, I'm not...maybe I'm just..excited?"

Pagkatapos ng paguusap na 'yon ay nakarating na kami sa isang sobrang taas ng building.

Pumasok kami sa loob at pumunta sa harap ng receptionist.

"Annyeonghaseyo, mueos-eul dowa deulikkayo? (Hello, how may I help you?)"

Vienne's PoV

Napanganga naman ako sa sinabi ng Receptionist. Hindi kasi ako marunong mag-korean eh hehe.

"Uhmm.." Nakangiti lang na nag-aantay ang receptionist kaya naman napakamot ako sa batok.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagsiko sa tagiliran ko at paglingon ko ay si Yura lang pala.

"Ano ba itatanong mo?"

"Yung reservation kasi natin." At tumango siya. Humarap siya sa receptionist at ngumiti.

"Annyeonghaseyo, uli yeyag-eul algo iss-eulkkayo? (Hello, may I know our reservation?)" Napanganga naman ako bigla kay Yura. Marunong siyang mag Korean? Why did she not tell me about this?

"Ileum Imdae (The name please)" bigla naman siyang tumingin sa akin. Damn, she's cutee.

"Ano name?"

"V-Vienne F-ford J-jimsckon." Humarap siya sa receptionist

"Vienne Ford Jimsckon." Nag-type naman bigla ang receptionist at maya-maya lang humarap na sa amin ng nakngiti.

"11 cheung, 6215 joh-eun, halu doeseyo!(11th floor, room 6215, Have a nice day!)" Sabay bow nito sa amin.

"Gomawo, Halu doeseyo (Thank you, Have a nice day too)" at nag-bow rin si Yura kaya ginaya ko na lamang siya.

Nang matapos na ang usapan nila ay naglakad na kami papasok sa elevator.

"11th floor, Room 6215." Bigla niyang sabi sabay pindot ng 11th button. Tahimik lang kami dito sa loob ng elevator.

Nang makarating na kami sa 11th floor ay hinanap agad namin ang room namin.

Naghiwalay kami ni Yura para hanapin ang room namin.

PretendWhere stories live. Discover now