Gone

1.4K 74 3
                                    

Shadow's PoV

Tila hindi alam ni Yukki kung ano ba ang magiging reaksyon sa sinabing iyon ni Vienne. Kung seryoso ba ito o nagbibiro lamang.

"Uhm, should I take that seriously or as a joke?" Tanong nito na bumasag sa katahimikang bumabalot sa kanilang tatlo.

"Of course you should take it seriously! He freaking confessed Yukki!" Exaggerated na pagkakasabi ni Dexter dito kaya naman nakaramdam siya ng sama ng tingin galing kay Vienne at ramdam niya rin na gusto siyang patayin nito.

"But, he is my sister's husband." Natameme naman bigla si dexter sa nasabi ni Yukki. "What?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Remember what I told you when we were in the park?" Tumango naman si Dexter dito. "Si Vienne at ang kapatid ko ang tinutukoy ko roon." Parang nabingi si Dexter sa nasabi ni Yukki at napasigaw.

"What the hell! Vienne! May Asawa kana pala nilalandi mo pa si Yukki!" Napataas naman ang kilay ni Vienne sa sinabi sa kaniya ni Dexter at parang gusto nitong sapakin.

"Bro, Yukki must've already told you the whole story, you must know my circumstances." Sa nakita ni Vienne na reaksyon ni Dexter ay gusto na talaga nitong sapakin. Hindi rin sa inis, kung hindi sa pagiging slow nito at exaggerated.

"Pero maga-annulment naman kayo so pwede pa kayong magkatuluyan." Konting-konti nalang ang pasensya ni Vienne dito at kita ni Yukki ang pagkainis nito kaya napatawa ito ng palihim.

"Before spatting nonsense. Nasabi mo naba sa boyfriend mo ang nangyari?" Rinig ni Vienne ang pabuntong hininga nito bago nagsalita at sumalampak sa couch.

"I can't tell him, baka madawit siya sa problema." Nag-twitch naman ang mata ni Vienne sa narinig 'Is he an idiot or what?' tanong ni Vienne sa kaniyang isipan at napa-face palm na lamang.

"You know what, Dexter. Matagal ng nadawit sa problema mo 'yang si Dean and since relationship niyo ang involve ay malamang involve din si Dean dito." Sabi ni Vienne kay Dexter na nakatungo.

"Vienne's right, Dexter, better tell him what happen dahil the both of you must face the problem and solve it together, and for sure na nag-aalala na 'yang si Deean sa 'yo." Inisip ni Dexter na tama ang sinabi ng dalawa kaya naman kinuha nito ang cellphone at dinial ang number ni Dean.

/Hello mahal? Nasaan ka? Nag-aalala na ako sa'yo, sabihin mo naman kung nasaan ka oh!/ Iyan agad ang bumungad nang tumawag si Dexter kay Dean at rinig din ni Dexter ang mumunting iyak nito sa kabilang linya. Ramdam nito ang pag-aalala sa kaniya.

"Mahal, tumakas ako mula sa bahay at sa ngayon ay nandito ako sa Condo unit ng kaibigan ko at ayos naman ako dito kaya huwag ka nang mag-alala."

/Sabihin mo 'yung address mahal at pupuntahan kita diyan!/ Nag-alinlangan naman si Dexter kung sasabihin niya ba ang address pero nang makita na ngumiti si Yukki ay nagdesisyon na ito.

"Ite-text ko sa'yo mahal, I love you."

/I Love you too./ At ibinaba na nito ang tawag at tinext ang address ng Condo Unit. Sa dami nang problema na kinaharap ni Dexter at Dean ay ito na ata ang pinakamalala dahil ikinulong si Dexter at ang hindi rin makita ang kaniyang mahal.

"Ang sweet, sana all." Napatingin naman siya sa nagsalita at kita niya si Vienne na naka-cross arm pa. Ibinulsa ni Dexter ang kaniyang phone at hinarap si Vienne.

"Huwag kang mag-alala, Vienne, magiging ganiyan din kayo ni Yukki." Nag bilang naman ng tatlo si Dexter bago tumakbo palayo kay Vienne.

"Ikaw, kanina pa ako nagtitimpi sa'yo!" Sabi ni Vienne dito habang hinahabol si Dexter na tawa ng tawa.

PretendWhere stories live. Discover now