Back to the Philippines

1.8K 86 10
                                    

Vienne's PoV

Heto kami ngayon nakaupo at tahimik, hindi alam ang gagawin. Napatingin ako sa katabi ko ng magbuntong hininga ito.

"Sorry." 'Yan ang lumabas sa bibig niya, umiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang magiging reaction ko. Kung matutuwa ba ako, maiinis o magagalit dahil sa ginawa nila.

"I shouldn't agreed on this." Pagpapatuloy niya at nakinig nalang ako, hindi ko kasi alam ang sasabihin.

"I told her that she should tell you the truth but she didn't listen."

"I'm sorry again." Napabuntong hininga ako at hinarap siya pero bigla nalang akong umiwas dahil tanda ko na hindi pa pala siya bihis at pansin ko rin ang tattoo sa kaliwang braso niya hindi ko alam na may tattoo pala siya.

Tanda ko noong nag-volleyball kami, 'yan ata 'yung part na nilagyan niya ng panyo, ano bang meron sa tattoo na 'yan?

"She made me pretend to be her again." Bigla naman akong napatingin kay Kuya Yukki.

"Again?" Ibig sabihin nagpanggap din siyang si Yura noon? Pero kailan?

"I-I mean She made me pretend to be her a-and it's a pain." Pero parang 'again' ang narinig ko kanina, nagkamali lang ba talaga ako?  Pero hindi ko muna inisip 'yun, ang iniisip ko ay ang nangyayari ngayon.

"Ayos lang naman sa akin 'yon, basta nagpaalam lang siya." Sabi ko sabay tungo.

"Pagbibigyan ko naman siya eh." Dagdag ko pa. Naiinis ako ng kaonti kay Yura dahil pinagpanggap niya pa si kuya Yukki para lang makasama 'yang si Mark pero hindi ko kayang magalit sa kanya, wala eh, mahal ko.

At naiinis din ako kay kuya Yukki, bakit ba kasi siya pumayag?

Napatingin ako kay kuya Yukki at hindi ko maiitangging magkamukha nga talaga sila ni Yura pero bakita ganon? Naiinis ako pero natutuwa din akong siya ang kasama ko dito? Hindi kaya...

"No, no, no..." sabi ko sabay iling ng ilang beses. Nagulat ako bigla at sabay tayo ng maramdaman ko ang kamay ni kuya Yukki sa balikat ko.

"Ayos kalang?" Hindu ko alam kung bakit ako hinihingal sa oras na ito pero tumango nalang ako sa tanong niya.

"Uhm, about sa damit mo.."  sabay kamot sa batok ko.

"Bibilhan nalang kita."

"No, huwag na." Agad akong napatingin sa kanya.

"Pero--" pero pinutol niya ang sasabihin ko.

"Ayos lang, 2 days nalang din naman eh."

"Hindi Kuya Yukki, bibilhan kita mamaya ng damit and I insist." Napatingin siya sa akin at tinignan ko siya ng seryoso at napabuntong hininga siya.

"Tell me, Gusto mo bang mag-pretend pa ako bilang si Yura?" Nabigla ako sa tanong niya, gusto ko ba? O tama na sa akin 'yang ganyan niyang ayos?

"Huwag na Kuya." Sabi ko sabay ngiti. Agad ko namang naalala ang binili kong breakfast kaya pinakain ko na iyon kay Kuya at ang couple shirt naman ay itatabi ko muna.

Makalipas ang ilang minuto ay nakapagbihis na si kuya Yukki kaya naman inaya ko siyang mag-shopping.

"Kuya pili kalang diyan" sabi ko sabay turo sa mga men's clothes.

"Sure kang ayos lang sa'yo?" tanong niya at pansin ko rin kung paano niya ibaba ang skirt na suot niya.

"Opo naman po!" Sabay ngiti ko dito.

"Sige kuya pili kalang diyan at mamimili narin ako." At namili narin ako ng gusto kong bilhin. Habang namimili ay naisip ko ang mga nangyari sa amin, now I know why kung kanina nagtataka ako bakit nagagawa ni Yura ang mga hindi niya nagagawa noon sapagkat si Kuya Yukki pala ang kasama ko buong magdamag. Thinking what happened, I blushed real hard since magkatabi kaming matulog ni Kuya Yukki a-and I kissed him!

PretendWhere stories live. Discover now