Sudden Marriage

7.5K 241 11
                                    

Yukki's PoV

My name is Yukki Jace Velamore, 23 years old.

"Kuya!! Tawag ka ni Mama!" Ang sumigaw kanina ay ang kambal ko na si Yura Christine, minuto lang ang tanda ko sa kaniya pero kahit ganoon eh nagkukuya parin siya.

Bumaba na ako at umupo sa tapat ni Mama, katabi naman nito si Papa at sa kabilang upuan naman eh si Yura.

"Magpapakasal na ang kapatid mo." Hindi na ako na-surprise sa sinabi ni Mama kasi simula una palang alam ko naman yun, pero parang may gusto pa silang sabihin.

"Spill it." Napayuko naman agad sila at parang hindi magandang balita ito para sa'kin.

"Next week na sila ikakasal at.." napatigil ng saglit si mama sa pagsasalita na para ba itong naga-alinlangan.

"Ayun nga lang nagkasakit naman 'tong kapatid mo." Tinignan ko si Yura at mukhang okay naman siya.

"Normal naman siya ah." Sabi ko habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Narinig ko namang bumuntong hininga si Papa.

"She has Dengue." Dengue? Edi dapat nasa hospital bed na ito at may dextrose.

"Hindi halata." Sabi ko sabay taas ng kilay.

"Warning signs palang. Kaya baka hindi pa siya magaling sa araw ng kasal nila. Kaya naman Yukki...ikaw muna ang papalit sa kaniya sa pagiging bride." Lumaki ang mata ko sa nasabi ni mama sa akin. Lalaki ako bakit naman naisipan ni mama 'yon.

"Pwede niyo naman ipostponed." Pagdadahilan ko pa.

"Ayaw nila eh. Sinabi na namin na baka pwedeng ipostponed ang kasal pero hindi sila payag dapat daw mapakasal na sila." Hindi ko alam ang sasabihin, bakit gusto agad nila magpakasal, may sakit pa ang kambal ko bakit hindi nila pwede ipostpone.

"Wala na bang ibang paraan ma? I'm a guy at si Yura mismo ang dapat na nasa mismong kasal nila at hindi ako kaya no ma, I won't, and never." I said as I stand up to go upstair but stop when my father said something.

"Hindi ba sinabi mo na gusto mo na bumukod sa amin at magkaroon ng sariling buhay, at maliban doon hindi ka na namin papakialaman sa mga desisyon mo." Sa sinabi ni papa ay tama ang mga 'yon. Ever since that person died ay nagkulong lang ako sa kwarto ko at hindi na masiyadong lumalabas.

"Just the Wedding day?" I ask para sure na sa Wedding day lang ako magpapanggap.

"Just on the Wedding day, we promise! And after that kambal mo na ang bahala. You can do whatever you want." My Papa said as he smiled. I think for a while. Just on the wedding day at malaya na ako. Wala ng sesermon sa akin.

"Deal." At umakyat na ako sa kwarto. Just on the wedding day.

Pagkatapos ng araw na 'yon ay na-confined na si Yura sa hospital. Hindi namin alam kung mga ilang araw siya doon.

Halos binibisita ko rin siya araw-araw. Bringing her some fruits and drinks.

"Kuya. Nakita mo naba ang magiging asawa ko?" Laking ngiti niyang tanong. Come to think of it. Never ko pang nakikita ang magiging asawa nito. Nung mga nakaraan ko nga lang nalaman na engage na sila nito.

Umiling ako sa kanya na nagsasabing 'no' at masaya niyang kinuha ang cellphone nya at may parang hinahanap.

"Eto--" naputol ang sasabihin ni Yura ng pumasok ang bestfriend niyang si Mark.

"Akalain mo yun, nagkakasakit karin pala."sabay tawa nito kaya sinamaan naman siya ng tingin ni Yura kaya hindi na niya tuloy napakita ang picture sa'kin.

"Kung mang-aasar kalang lumayas kana!"

"Eto di mabiro!" nag-asaran pa sila lalo. Habang tinitignan ko sila ay para silang aso't pusa. Hindi ko nga alam kung bakit hindi sila nagkatuluyan.

PretendDär berättelser lever. Upptäck nu