Special News

1.4K 71 0
                                    

Vienne's PoV

"Sir! Sir!" Nagising ako dahil sa ingay ng bunganga ng kasambahay namin at dahil narin sa pagkatok niya ng pagkalakas-lakas sa pinto na kulang nalang ay masira niya ito.

Wala ako sa mood na bumangon at binuksan ang pinto na kinabungad naman ng pawis na pawis na si Manang Yolly.

"Bakit po Manang?" Antok na antok ko pang tanong sabay hikab.

"Si Ma'am Yura po kasi.." Nang marinig ko ang pangalan ni Yura ay nagising ang kabuohan ko. Hindi ko na muna pinatapos si Manang sa pagsasalita at dali-daling pumunta sa kuwarto ni Yura at doon ko siya nadatnan sa toilet bowl, nakaluhod at nakahawak sa bibig nito. Lumapit ako dito at agad na hinimas -himas ang likod nito na may halong pag-alala sa aking mukha.

"Anong nangyari sa 'yo? Ayos ka lang ba?" Tanong ko dito habang patuloy paring hinihimas ang likod niya upang ito ay mahimasmasan.

"Manang pahanda po ng kotse!" Sigaw  ko kay Manang na nasa labas ng kwarto at rinig ko ang dali-daling pagbaba nito.

"Yura, ayos ka lang ba?" Tanong ko ulit dito ng masigurado.

"A-ayos na ako, nahilo lang." Kumuha ako ng bimpo at binasa ito at pinunasan ang mukha ni yura, niyakap ko rin ito upang iparamdam na nasa tabi niya lang ako.

Nang maihanda na ang kotse ay tinakbo ko kaagad si Yura sa Hospital.

"Doc, kumusta po ang kalagayan niya?" Tanong ko ng may pag-alaa habang yakap yakap si Yura.

Tinignan kami ng Doctor. Bakit ang tahimik niya?

"Doc?" Rinig ko ang pagbuntong hininga nito kaya kinabahan naman ako. Napahigpit ako ng yakap kay Yura at hinintay ang sasabihin ng Doctor.

"2 Months." Napa- 'Huh' naman ako sinabi ng doctor.

"Anong 2 Months po?" Tanong ko dito. Huwag mong sabihing 2 months ng may iniinda si Yura at hindi nagsasabi sa 'kin? Huwag naman sana Lord.

"Mrs. Jimsckon, you're 2 Months pregnant and congrats Mr. Jimsckon you're gonna be a father soon." Announce nito ng may malaking ngiti sa labi sabay kinamayan kami.

Anong sabi niya? Magiging tatay na ako? Totoo ba 'yon? Dahan-dahan akong napatingin kay Yura na lumuluha na, kinuha ko ang kamay nito at pinisil.

"Magiging Tatay na ako." Parang hindi ko pa makapaniwalang sinabi.

"Magiging Tatay na ako Ra!" Sigaw ko sabay yakap kay Yura ng hindi gano'n kahigpit dahil baka maipit si Baby.

Sobrang saya ko at niyakap ko lahat ng tao na nasa loob ng room.

"Thank you po Doc, kinabahan po ako kanina akala ko kung ano na!" Napatawa naman ang doctor sa nasabi ko.

"Pasensya na, gusto ko lang kasing makita ang expression ng taong magkakaroon na ng isang pamilya." Napangiti ako at niyakap ulit ang doctor at nagpasalamat.

Hindi rin kami nagtagal sa Hospital at umuwi narin kami ni Yura. Hindi ako makapaghintay na sabihin itong balitang ito sa Mama ko at sa Mama ni Yura. Ang agang regalo nito sa amin para sa pasko.

Nang makarating sa bahay ay pinatawag ko lahat ng kasambahay namin para maghanda at mag-celebrate para sa balita.

"Bakit mo po kami pinatawag lahat Sir?" Hindi ko mapigilang ngumiti kaya nakatingin sa akin ang mga kasambahay na para bang baliw ako dahil sa ngiti kong ito.

"Maghanda kayo ng marami at masasarap na pagkain para sa hapagkainan. May ice-celebrate tayo." Kahit nagtataka ang mga kasambahay ay sinunod nalang nila ang utos ko.

PretendWhere stories live. Discover now