Suspicious Cousin

1.4K 69 4
                                    

Senon's PoV

"So, gusto mong magsalita sa harap ng media para sa issue about kay Snow?" Tumango ako ng sabihin ni Boss iyon. I don't want any news to spread regarding Snow's identity, gusto ko si Ki na ang magkusa para i-reveal na ang kaniyang sarili, all I need to do is support him.

" Okay, if that's what you think is the best for Snow, I'll let you handle this issue." Tumango ako't nagpaalam ng umalis. Kapag kumalat pa itong issue na ito about sa identity ni Ki, panigurading mapre-pressure iyon at baka hindi na umalis sa bahay nila. Pagkatapos ng mga nangyari sa kaniya ay hindi ko na alam kung ano na ang kahahantungan ni Ki.

Naisipan ko naman ngayon na pumunta sa Condo unit ni Ki at tignan kung nakita na ba niya ang kasalukuyang balita about sa kaniya, sana naman ay huwag siyang magpa-apekto sa mga ito, hindi pa naman malaki ang problema at kaya pa itong solusyunan.

Ilang minutong pagmamaneho ay nakarating narin ako sa Condo unit ni Ki, habang papasok sa loob ay iniisip ko kung papaano ko mahuhuli ang nagpasimuno ng lahat ng ito, ngunit iisang tao lang ang tanging naiisip ko na nagpasimuno. Alam kong siya iyon.

Nang makarating na ako sa harap ng unit ni Ki ay nag-doorbell ako at hindi rin nagtagal ay binuksan rin ni Ki ito.

"Ba't napaparito ka Senon?" Sa itsura ngayon ni Ki ay mukhang hindi pa niya alam, nagpapasalamat din ako't hindi ito mahilig manuod ng T.V o mag-cellphone kaya wala pa itong muwang sa kung ano bang nagaganap ngayon at ayaw ko rin namang malaman niya iyon. Sosolusyunan ko ito ng patago't ililigtas ko ang imahe ni Ki.

"Wala lang." At nag-kibit-balikat na lamang ako at naupo na sa isang sofa.

Pinagmasdan ko naman si Ki na pumunta sa refrigerator na may dalang baso at nagsalin ng juice mula roon at lumapit dito't inilapag sa harap ko.

"Thank you! The best ka talaga Ki!" Nakangiti kong sabi at ininom na ang juice na ibinigay niya sa akin.

"So, ano ang problema natin Mr. Torres?" Napahinto ako sa pag inom at napatingin kay Ki na nakatitig rin sa akin.

"Wala." Kita ko ang pagtaas ng kilay nito. Wala talaga akong takas dito kay Ki. Kabisado niya ako. Napabuntong hininga na lamang muna ako't ngumiti sa kaniya.

"Kaya ko 'to Ki, huwag kang mag-alala pero kapag hindi ko na kaya hihingi ako ng tulong sayo, okay?" At kumindat rito. Wala naman na itong nagawa pa kun'di ang tumango't ngumiti.

'Sorry Ki, ayaw kitang mapahamak, gagawin ko ito para sa 'yo.' nasambit ko na lamang sa aking isipan.

Yukki' PoV

"Gusto mo ba akong samahang mamili sa Mall?" Gusto ko rin naman kasing mawala ang stress ni Senon, alam kong busy ito sa mga gawain niya kaya naman niyaya ko itong mag-mall. Alam ko rin namang may itinatago 'tong si Senon na ayaw niyang sabihin sa akin, katulad nalang kanina, pero kahit gano'n ay hihintayin ko itong magkusang magsabi sa akin at huwag ng pilitin pa.

Habang nasa kotse kami ay pansin ko ang nagliliwanag sa drawer ng sasakyan ni Senon, sa curiosity ay bubuksan ko na sana ito ng tapikin ni Senon ang kamay ko na kinagulat ko.

"Sorry Ki, flashlight lang 'yan." Kahit nag-aalinlangan akong maniwala ay binalewala ko na lamang iyon at tinutok na lang ang mata ko sa daan.

"Ay sakto Ki, nasabi ng pinsan ko nga pala kanina na magma-mall din sila at kakarating lang ng Pilipinas nitong isang linggo kaya ipapakilala kita mamaya." Abot tenga niyang ngiti sa akin kaya naman na-excite akong makita ang pinsan niyang ipapakilala. Nakilala ko rin naman ibang pinsan ni Senon pero may isa kasi siyang pinsan na nasa ibang bansa daw at nakarating na nung isang linggo dito.

PretendWhere stories live. Discover now