Bookstore

4K 143 6
                                    

Vienne's PoV

Nandito ako ngayon sa isang bookstore para tignan kung may bagong release na 'yung favourite kong author na si Snow.

Tinignan ko ang isang bookshelf kung saan nakalagay ang mga published story ni Snow.

Habang naghahanap ako ay may nakita akong lalaki sa labas, napaka pamilyar ng itsura nito. Itim ang buhok niya na maikli.

Parang nakita ko na siya. Pumasok din siya sa bookstore at parang papunta siya dito. Hindi ko nalang siya pinansin at naghanap ng libro. May isang libro akong nagustuhan at kukunin ko na sana 'to ng may kamay din na kukuha nito, nagkadikit ang kamay namin at dahil doon ay para bang may kuryente. Dahil sa kagulatan ko ay tinanggal ko agad ang kamay ko at hinarap ang lalaki. Parang naramdaman ko na 'yon.

Siya yung lalaki kanina. Nakatingin din siya sa akin na gulat na gulat.

"Sorry." Paghingi niya ng tawad, siyempre nag-sorry din ako.

"You can get that if you want." Sabi niya sabay turo sa nag-iisang libro na kukunin ko sana kanina.

"Uhm..are you sure?" Tumango lang siya at umalis na. Tinignan ko ang likuran niya habang ito ay papalayo. Parang nakita ko na talaga siya.

Binili ko na ang libro at umuwi sa bahay namin ni Yura. Niregalo sa amin 'yon ng mga magulang namin at sabi niya ay bibisita din daw ang kapatid niya.

Pagka-uwi ko ay may nakita ako sa sofa namin na nakaupo, pero nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita kung sino.

"Vienne! Andito kana pala!" Sabi ni Yura sabay lapit sa akin at humalik sa pisnge ko.

"Halika! Papakilala kita sa kapatid ko ng maayos! Huwag mo ng sapakin ah?!" Pagbibiro niya pa sa huli niyang sabi kaya kinurot ko siya sa pisnge at nagtawanan.

"Yukki." Tawag nito sa taong naka-upo sa sofa. Tumayo naman ito at humarap sa amin. No way...

Siya 'yung kanina sa bookstore!

"Ikaw 'yung kanina sa bookstore!" Sabi ko at tinuro pa ito.

"Yeah, it was me." Sabi niya na blanko lang ang mukha. Nakita ko rin na may hawak siyang libro, tinignan ko ito at yun 'yong libro kanina na nag-iisa nalang! Paano siya nakakuha? Eh nag-iisa nalang yun kanina.

Yura's PoV

Akalain mo yun. Nagkita sila kanina ni kuya sa bookstore! Sigurado akong magkakasundo sila sa libro kasi naman napansin ko na ang librong mga binabasa ni kuya ay kay Snow din, ganun din naman si Vienne at sabi niya sa akin na crush niya pa iyon, nakakapagtampo man pero bayaan na kasi mysterious author daw si Snow at never pa itong nagpakita.

Tinry kong magbasa ng isa sa libro ni Snow at ang masasabi ko ay napakagaling niyang Author! Grabe sobrang unique ng mga libro niya. Hindi ka magsasawang ulit uliting basahin iyon.

Parang feeling ko mahahawa na ako kay Vienne at Kuya.

"W-well Nice to meet you uhmm.." mukhang ulyanin pa 'tong si Vienne.

"Yukki Jace." Dugtong ni Kuya.

"Yeah..uhh Yukki Jace." Myghad nakakahiya si Vienne.

"Nice to meet you also Vienne." Mukhang pangalan palang ang alam ni kuya. Totoong pangalan ni Vienne ay Vienne Ford. Jimsckon. Taray ng apelyido noh?

So ayun pagkatapos nilang magpakilala sa isa't isa ay kumain na kami.

"Yukki... Hindi ba Novelist ka?" Tanong ko kay kuya na kasalukuyang ngumunguya. Uminom siya ng tubig at tumango. Hindi ko muna siya ikukuya kasi gusto kong pagtripan si Vienne alam ko namang hanggang ngayon ay babae parin ang tingin niya kay kuya.

PretendWhere stories live. Discover now