I've found you

1.4K 78 2
                                    

Shadow's PoV

"Senon." Tawag ni Vienne dito na papalapit sa kaniya na seryoso ang mukha.

Matapos nitong manatili sa hospital ay nagkaroon na ito ng trauma na may humawak sa kaniya kaya naman iniiwasan naman nila Vienne na hawakan bigla ito.

"I'm ready." Nginitian naman ito ni Vienne dahil kita nitong unti-unti ng nawawala ang trauma niya at determinado naring iligtas si Yukki.

" Let's go."

••••••

Yukki's PoV

"Are you ready naba, Mahal?" Tinignan ko 'yung taong nasa likuran ko't inaamoy ang buhok ko. Napahigpit naman ako ng hawak sa kamay ko. Kahit anong takas ko ay nahuhuli ako ng taong ito. Kahit saan ako pumunta ay nakikita niya ako.

Gusto ko ng kumawala dito.

"Better be ready, mamaya na 'yung event at mamaya narin natin makikilala si Mr. VFJ." Si Mr. VFJ ang taong naging supporter ng kompanyang ipinatayo dito ni Dave. Hindi ko alam kung bakit may taong sumusuporta pa dito. Ang sakim niya at hindi na dapat sinusuportahan pa.

"I will dress myself na mahal, ikaw rin mag-ayos kana. Ayaw mo naman sigurong paghintayin si Mr. VFJ." Humarap ako dito at binigyan ng pekeng ngiti. Ginulo naman nito ang buhok ko bago hinalikan ako sa pisnge at umalis na.

Napaluhod naman ako bigla nang umalis na ito. Napayakap ako sa aking sarili at naiyak. Hinding-hindi talaga ako masasanay na manirahan at manatili dito sa piling niya.

Sa mga nakaraang buwan ay wala naman itong ginawang masama sa akin. Nakakulong lang ako noon sa kwarto ko at nakayakap sa tuhod ko, dinadalhan lang din ako nito ng pagkain.

Pero isang araw ay napagdesisyunan kong lumabas at mamasyal kaya naman nagpaalam ako dito at buti pumayag siya.

Napaka-fresh ng pakiramdam ko noon nung makalabas ako, feeling ko bagong laya ako sa kulungan. Gandang-ganda rin ako noon sa paligid at parang nasa medieval era ako dahil sa structures ng mga building dito sa country na ito. Sobrang peaceful at makakalimutan mo lahat ng problema, pero nasa isa akong problema kaya hindi ko rin masiyadong na-enjoy.

Matapos ko rin noon mag-ikot ikot ay nakakita ako noon ng mga bulaklak kaya tinignan ko ito at nilapitan. Halata sa mga ito na inaalagan silang mabuti. Matapos 'yon ay umalis na ako, habang naglalakad din ay nakarinig ako ng tumatawag sa akin. Nung una ay hindi ko ito pinansin dahil baka namali lang ako ng rinig pero nung paulit-ulit na ito ay lilingon sana ako pero dumating na noon si Dave at niyaya na akong umuwi.

Matapos din ang araw na iyon ay doon dumating si Mr. VFJ, siya ang taong malaki ang ambag sa kompanya ni Dave kaya naman galak na galak dito si Dave at laking pasasalamat nito kay Mr. VFJ, pero hindi ito nagpapakita at ngayon ang araw na magpapakita ito kaya naman excited ng makita ni Dave ang taong sumusuporta sa kaniya.

Nag-ayos na ako ng aking sarili at lumabas na, kita ko namang naghihintay si Dave sa labas kaya lumapit na ako dito.

"You look beautiful, mahal." Nabigla naman ako ng haplusin niya ang pisnge ko. Binigyan ko na lamang ito ng ngiti bago sumakay sa kaniyang sasakyan.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating narin kami sa lugar kung saan gaganapin ang event. Paglabas ko ng sasakyan ay sobrang garbo ng lugar. Pati narin ang mga bisita ay magagarbo rin, mahahalata mong mayayaman ang mga ito dahil narin sa mga suot.

"Let's go?" Rinig kong tanong sakin ni Dave kasama ng paglahad nito ng palad sa harap ko, tumango na lamang ako at tinanggap ang kamay niya.

Pagpasok ng event ay masasabi kong pinaghandaan talaga ito. Halata ring ginastusan ng malaki ito.

PretendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora