Telling The Truth

1.5K 93 2
                                    

Yukki's PoV

Habang papalapit kami sa mesa nila Yura at Mark ay ramdam ko ang paghigpit ng kapit ni Vienne sa kamay ko, alam kong ayaw niya munang makita ang dalawang ito pero kinakailangan na nilang magharap at ayusin ang problema na ito.

Matapos naming makalapit ay umupo na kami sa harap ng dalawa, kita ko namang hindi makatingin kay Vienne si Yura at tanging nakayuko lang ito samantalang si Mark naman ay parang handa ng harapin ang lahat.

"The both of you know the reason why I invited you here. As for you Vienne I'll explain it." Huminga ako ng malalim at inumpisahan na ang pagpapaliwanag sa magiging ganap dito.

"It's been 3 weeks since mangyari ang lahat and I think oras na upang maayos na ang lahat ng ito. You may be wondering kung bakit ba malaki 'tong ni-reserved kong lamesa. Well...you may join us now." Matapos kong sabihin ang huling salita ay pumasok na ang tatlong pamilya na dapat malaman ang katotohan at kita ko rin sa mukha nina Yura, Mark at Vienne ang gulat nang mapagtanto kung sino ba ang makikisali sa usapang ito.

"Thank you for Coming Here Mr. and Mrs. Jimsckon, Mr. and Mrs. Tariman and also to the both of you Ma and Pa." Pagbati ko sa kanilang anim at iginayad ko na sila paupo.

Ramdam ko naman ang kaba ng tatlong sangkot sa problema at kita ko narin ang pawis na tumatagaktak dito.

"Before discussing everything. I want the six of you to remain calm and think carefully, maintain your composure and avoid further scandalous act, for the topic that we will discuss is not to be underestimated." Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Mama at Papa samantalang ang pamilya naman ni Vienne at Mark ay tumango na lamang sa sinabi ko.

"Now, it is time to fix everything. Now, I will let Yura speak for the truth." At sabay na tinignan ko si Yura, naka yuko parin ito at walang kibo kaya naman tinawag ko ang pangalan nito.

"I..." Hindi pa ito nakakapagsalita ay umiyak na agad ito kaya naman nilapitan agad ito ni Mama at niyakap.

"Sweetie, why are you crying? Ano ba ang problema?" Nag-aalalang tanong dito ni Mama habang hinihimas ang likuran nito.

"I'm sorry po! H-hindi ko po talaga s-sinasadya!" Sinabi iyon ni Yura habang umiiyak, bumuntong hininga naman ako at nagsalita.

"It seems like Yura can't continue. If you don't mind explaining it Mark." Tumingin ako dito at kita ko sa mata nito ang pagsisisi pero nagsalita rin naman ito at nagpaliwanag.

"Nagsimula ito nung nasa Korea si Vienne kasama si Yukki." Simula nito sa kuwento.

"Anong ginagawa mo Yukki kasama si Vienne sa Korea?" Tanong ni Papa sa akin.

"Later you will know." Pagkasabi ko nito ay nakinig na ulit sila kay Mark.

"I invited Yura to hang out with me and that time may plano din sila ni Vienne na pumuntang Korea kaya naman humingi si Yura ng favor kay Yukki." Nagulat naman sila sa sinabi ni Mark at mukhang alam na nila ang nangyari.

"Don't tell me..." Hindi pa nasasabi ng tuluyan ni Mrs. Jimsckon ay sumabat na agad si Vienne.

"Yes, Yura asked Yukki to pretend to be her during our trip at nagpakasaya ito habang nasa Korea kami ni Yukki and that happiness of her during while I'm gone ended up--" pinutol ko ang sasabihin niti dahil alam kong hindi rin maa-accept ng kanilang pamilya kaya gusto ko munang unti-untiing pag-explain sa mga ito.

"Indeed, humingi ng favor sa akin si Yura upang magpanggap bilang siya at pumayag ako roon."

"Bakit ka naman pumayag?" Tanong ni Mrs. Tariman sa akin.

PretendWhere stories live. Discover now