Cooking Lesson

1.5K 81 3
                                    

Shadow's PoV

"Yukki, turuan mo ako magluto." Napatigil naman si Yukki sa kaniyang binabasa at napatingin kay Vienne na nakatayo na ngayon sa harap niya at seryosong nakatingin sa kaniya ngayon.

"Anong naisipan mo at gusto mong matuto?" Tanong ni Yukki dito at tinitigan itong maigi.

"I just...want to learn for the future needed." Napataas naman ang isang kilay ni Yukki nang marinig ang sagot ni Vienne kaya namanbumuntong hininga si Vienne at nagsalita muli.

"I don't want to rely on others, that's why I wanted first to learn on how cook." Ilang segundong katahimikan ay sinarado ni Yukki ang aklat na hawak at ngumiti na tila ba ito ay satisfied sa sagot ni Vienne.

"Very well." Tumayo si Yukki at nagbihis. Matapos magbihis nito ay napatitig ito kay Vienne at nagtaka.

"Bakit hindi kapa nagbibihis?" Napakunot naman ang noo ni Vienne sa nasabi ni Yukki.

"Bakit? Saan ba tayo pupunta?" Napa-bungtong hininga naman si Yukki at tinulak si Vienne sa kuwarto upang makapagbihis ito.

"Bibili tayo ng mga ingredients upang masimulan na natin ang cooking lesson na gusto mo, kung kaya't magbihis kana diyan at mamimili tayo." Matapos niyang magpaliwanag ay nakuha naman ito ni Vienneat nagbihis na.

Matapos magbihis ay nagmaneho na si Yukki patungong grocery store upang mamili ng mga kinakailangang sangkap.

"Yukki, next time ako nalang mag-drive." Pinadaanan naman ng tingin ni Yukki ito at tumawa ng mahina.

"Don't feel guilty, you're a guest of mine so I should take care of you." Nang masabi ni Yukki iyon ay tumahimik na at hindi man makita ni Yukki dahil naka-focus ito sa pagmamaneho ay si Vienne naman ay namumula nang marinig ang sinabing iyon ni Yukki.

"Since beginner ka pa naman then let's start with the basic dishes." Hawak ang cart ay inosenteng sinusundan ni Vienne si Yukki habang naglalagay ng mga ingredients, taimtim niya itong sinusundan ng tingin habang nakikinig sa mga paliwanag patungkol sa mga lulutuin.

"Ito naman ay para sa--" Napatigil sa pagpapaliwanag si Yukki ng makita na nakatulala si Vienne at nakatingin lang ito sa kaniya, tinry niyang iwagayway ang kamay nito sa harap pero nanatili itong tulala.

"Nakikinig kaba Vienne?" Nang hindi tumugon sa tanong ay kinurot nito ang mga pisnge at doon na naalimpungatan.

"Ah- masakit." Kumawala naman ng buntong hininga si Yukki at pinitikan nito si Vienne sa noo ng mahina.

"Please listen very well, okay?" Humingi naman ng paumanhin si Vienne at nakinig na sa mga paliwanag ni Yukki.

"Yukki, Vienne, nandito rin pala kayo." Napatigil naman ang dalawa sa paglalakad at hinarap ang taong tumawag sa kanila.

"Ma." Lumapit si Yukki sa kaniyang Mama at hinagkan ito at niyakap matapos niyang gawin iyon ay napatingin ito kay Vienne na nag-aalinlangan sa gagawin pero sa huli ay yumakap ito at ngumiti.

"Bakit magkasama kayo?" Sumulyap si Yukki kay Vienne at kita nito na hindi ito makatingin ng diretso sa kaniyang Mama, muli namang binalik ni Yukki ang mga tingin sa kaniyang Mama bago sumagot.

"We're here to buy ingredients, I'm helping Vienne to learn on how to cook." Nagulat naman ang Mama ni Yukki at natuwa sa narinig.

"That's nice Vienne! I know Yura will be happy when she heard that news." Napayuko naman si Vienne ng marinig iyon at tumingin sa malayo, nang makita ni Yukki iyon ay sumabat na ito.

"I'm sorry Ma, pero we need to go now, I'll visit you next time." Nang makapagpaalam ay hinagkan niya ito sa pisnge bago umalis.

Nang makaalis na ang kaniyang Mama sa paningin nila ay huminga ng malalim si Yukki at humingi ng paumanhin.

PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon