Wedding Day~

4.7K 195 10
                                    

Yukki's PoV

Araw na ng kasal ni Yura pero ako ang nasa pwesto niya. Naka wedding gown na ako at minimake-up-an narin ako. Light make-up lang din ang ginawa nila dahil yun ang request ko pero inayos nila ang pagkakamake-up sa may bandang mata ko, may pagkamalaki din kasi ang mata ni Yura.

Nagulat ako ng may biglang humawak ng buhok ko at sabay sabing..

"Wow! Ang ganda naman ng buhok mo! Ang lambot-lambot at ang bango-bango!" Tinapik ko ang kamay nito sa buhok ko at sinamaan ng tingin.

"I don't like it when others touching my hair." I said with cold tone kaya natakot siguro ang make-up artist at lumayo na. I sigh at tinignan ang mukha ko sa salamin. I look like a girl even though I'm a guy, I really need to cut my hair.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko sa Mama.

"Oh! Bakit hindi pa ayos ang buhok mo?!" Lumapit naman ang humawak sa buhok ko at bumulong kay mama.

Nang matapos na ang binulong ay sinamaan agad ako ng tingin ni Mama, mukhang alam ko na ang mangyayari.

"Ikaw na bata ka, kailangan mong magpaayos ng buhok mo kasi hindi naman kasing haba 'yan ng buhok ng kambal mo!" Sabi nito sabay pingot sa tenga ko kaya naman napa 'aray' ako.

"Ah! Aray Ma, masakit!" Reklamo ko pero diniinan lang nito. Kaya lalo akong napa-aray.

"Magpaayos ka o hindi." Pagkatanong niya noon eh lalo niyang diniinan ang pagkakapingot sa akin.

"Opo na po Ma! Magpapaayos na po!" Sabi ko sabay taas ng dalawa kong kamay na para bang nagsu-surrender. Binitawan naman ni Mama ang tenga ko kaya agad kong hinawakan ang tenga kong pulang pula na.

"Lagyan niyo na 'yan ng Extension!" Agad namang nagsikilos ang mga magaayos, habang hinahawakan nila ang  buhok ko ay tinitignan ko sila ng masama sa salamin, kaya naman natigil sila. Agad naman akong pinitikan ni Mama sa noo.

"Ah!" Aray.

"Pagpatuloy niyo lang 'yan! Akong bahala dito." At dahil don ay matindi ng nakatingin sakin si Mama kaya nakayuko nalang ako.

Nang matapos na sila ay tinignan ko agad ang sarili ko sa salamin. Nakabraid ang buhok ng paikot at may bangs sa gilid, may konting kulot kulot naman at may bulaklak sa nakabraid.

"Yan! You look amazing!" Compliment pa ng Mama ko. I don't know what to feel since I'm a guy.

Nang matapos na ay nagpa-picture pa ang Mama ko. Ang tindi.

"M-ma'am, pwede rin po bang kaming magpa p-picture?" Tsk. Tanong ng isa sa make-up artist. Syempre masayang pumayag ang Mama ko.

Una ay isa lang hanggang sa nakisali narin ang iba.

"Oh! Malapit na magsimula!" Excited na sabi ni Mama. Bigla naman akong kinabahan, bakit ba ako kinakabahan? Dahil ba sa K-k-k-ki... bakit hindi ko masabi yun? Eh andali dali lang naman sabihin nun.

Huminga ako ng malalim at naglakad na palabas...

Vienne's PoV

The church's bell started to chime at dahan-dahan nagbukas na ang pintuan ng simbahan. Nakita ko siya, papalapit na nang papalapit sa akin pero habang naglalakad siya ay siya lang talaga ang nakikita ko at para bang nag slow mo ang paligid.

Pero parang may mali? Parang nagiba ang mukha niya... pero hindi rin eh siya 'yan. Mukha niya 'yan. Tumakangkad din ata siya. Baka sa heels lang. Basta, bahala na, basta ikakasal na kami. Masaya na ako doon.

Nang makalapit na siya ay yumakap na siya sa Papa niya at humarap na sa akin. I smiled at her at iniabot sa kanya ang kamay ko. Hindi ko alam pero parang hindi ata siya masaya? O Baka guni-guni ko lang 'yon.

Pretendजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें