Vienne Ford Jimsckon

1.7K 80 11
                                    

Vienne's PoV

"Na-trauma parin talaga si kuya." Malungkot na sabi ni Yura. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon at iniisip ang mga bagay-bagay.

"Hindi parin ba nakakamove-on si Yukki?" Tanong ko dito habang nakahawak sa baba ko na umano'y nag-iisip.

"Sa palagay ko'y hindi pa." At doon ko na alam ang gagawin para mawala ang trauma ni Yukki.

Nandito kami ngayon ni Yura sa waiting room at hinihintay ang balita tungkol kay Senon nang bigla nalang lumabas ang doctor na nagsuri dito.

"He's fine now, kailangan niya lang magpahinga para hindi na mabuksan ang sugat niya at huwag rin siyang masiyadong malikot dahil may tendency na ma-open ito." Laking ginhawa namin nang ibalita ng doctor iyon kaya nagpasalamat kami dito.

Sinabi ng doctor na pwede na kaming pumasok kaya naman agad kaming nagtungo ni Yura sa kwarto ni Senon at parang nagsisi akong pumasok sa kadahilanang ginawa ni Senon.

"Ang baboy mo Senon." Sabi ko at napatingin sa'kin si Senon na pinipigil ang tawa nito.

"Huwag kang maingay." Napabuntong hininga habang nakatingin sa likod ng nurse. Ang ginawa lamang niya ay naghalungkat siya sa ilong niya at ginawa itong catapult na saktong tumama sa batok ng nurse.

At eto namang si Senon ay nagpipigil ng tawa at si Yura ayon walang kamuwang muwang sa ginawa ni Senon.

Nakangiti namang humarap ang nurse at akmang aalis na ng pigilan ko ito.

"Wait." Napaharap naman ang nurse sa akin.

"Bakit po sir?" Takang tanong nito na nakangiti parin. Naaawa tuloy ako sa nurse na ito, hindi man lang niya alam kung anong bilog na malagkit ang nasa batok niya.

"Kung ako sa'yo lilinisan ko 'yang batok ko't lalagyan ito ng alcohol." Kahit hindi ma-gets ng nurse ay um-oo na lamang ito at umalis na.

"Ang KJ mo Vienne." Naka-pout na sabi ni Senon na akala niya kina-cute niya. Agad namang nakisali si Yura.

"Bakit? Anong nangyari?" Inosenteng tanong ni Yura sa amin, napasapo na lamang ako ng noo ko habang nailing-iling nalang sa nangyari.

Matapos ang ilang oras ay lumabas si Yura upang bumili ng makakain namin.

"Nahanap niyo na ba siya?" Tanong sa'kin ni Senon na may seryosong tono.

"Hindi pa." Napabuntong hininga naman si Senon sabay tingin sa labas ng bintana.

"Kailangan natin siyang makita, ipaparanas ko sa kaniya ang sinapit ni Ki o kung mas mabuti ay malala pa doon." Kita kong kinuyom niya ang kanyang palad, halata ko sa tono ni Senon ang galit. Kahit din naman ako ay gano'n ang mararamdaman. Sino ba naman ang hindi.

"Hindi tayo susuko sa kakahanap sa kaniya." Sabi ko dito sabay tapik sa balikat nito at lumabas.

Pagkalabas ko ay hinanap ko si Yura sapagkat masiyado na siyang matagal sa pagbili ng makakain. Pumunta ako sa canteen ng ospital at doon ko sya nakitang may kausap na lalaki at kung 'di ako nagkakamali ay bestfriend ni Yura ito.

Nilapitan ko sila na may seryosong pinaguusap.

Anong meron?

"Ikaw pala pre!" Sabi ko sabay tapik sa balikat ng bestfriend ni Yura. Kita ko ang pagkabigla sa kanilang mukha.

"V-Vienne." Nginitian ko na lamang si Yura.

"Anong meron? Ba't nandito 'yan?" Sa totoo lang nagseselos na ako sa pagkakaibigan nilang dalawa. Mas mukha pa nga silang mag-asawa kesa samin ni Yura eh.

PretendWhere stories live. Discover now