Thinking of him

3.2K 131 4
                                    

Yukki's PoV

Nandito ako ngayon sa sofa hinihintay si Senon. Susunduin niya daw kasi ako, sabi ko ako nalang pupunta doon pero hindi siya pumayag dahil baka mapaano pa daw ako.

Nagbasa na lamang ako ng libro na bago kong bili sa bookstore katabi ng condominium. At habang nagbabasa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto, mukhang nandito na si Senon.

"Tara na?" Nakangiti niyang tanong at napatango nalang ako bilang sagot at ibinaba ang librong binabasa ko.

"Tapos mo naba yung story?" Napabuntong hininga nalang ako sa tanong niya.

"I need inspiration." Maikli kong sagot. Nawawalan na kasi ako ng gana sa story ko and sometimes I don't have the energy to continue it.

"I can be your inspiration."  Malokong sabi ni Senon kaya naman nahampas ko siya sa braso ng mahina.

"Sira." At tinawanan nalang ako.
Sumakay na kami ng kotse niya at pinagbuksan pa ako ng pinto even thought I can manage he still do it.

Tahimik lang ang biyahe namin kaya naman naisipan kong isalpak ang earphone ko sa tenga ko at nakinig nalang ng musika.

Ilang minuto din ang biyahe at nakarating na kami sa isang club.

"You know that I hate crowded place yet you still brought me here." Bigla niya naman akong inakbayan na mas lalong ikinainis ko.

"Ano kaba Ki! Minsan lang 'to eh ng mabawasan naman 'yang stress sa story mo. Baka makahanap kapa ng inspirasyon dito!" Naparolyo nalang ako ng mata ko. Para namang may mahahanap akong inspirasyon dito.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya sa loob. Amoy palang ayaw ko na, I hate the smell of the liquor and the smoke of the cigeratte.

Pagkapasok namin ay mga sumasayaw na babae ang tumambad sa akin. May mga naglalandian din sa dance floor na kung ano-ano ang ginagawa nakakadiring tignan.

"Ki, doon tayo!" Biglang sabi ni Senon sabay turo sa grupo ng kalalakihan na nag-iinuman.

"Senon!! Sino 'yan ha?" Tanong ng isa sa lalaki kay Senon sabay turo sa akin.

"Para kayong mga baliw, si Yukki 'to yung kapatid ni Yura." Sabi sa kanila ni Senon at Umupo ito katabi ng sa isa sa mga kaibigan niya at ako naman ay umupo sa tabi niya.

"Ay oo nga pala hindi ko nakilala." Sabi ng lalaki kanina sabay kuha ng baso na may laman na beer.

"Baliw ka Josh." At sabay batok ni Senon sa lalaking nagngangalang Josh. Napatingin naman ang Josh sa akin at inalok ako ng wine.

"Tagay?" sinamaan ko naman ng tingin ang wine na inaalok nya.

"Sorry I don't drink wine and alcohol." At napa 'Ohh' naman ang mga kaibigan ni Senon samantalang si Senon eh tawa ng tawa.

"Good girl pala 'tong kapatid ni Yura, Senon!" sabi ng isa sa kanila at nagtawanan.

"What? Girl?!" Tanong ko sabay tingin kay Senon na iniwasan ang tingin ko.

"Senon." Madiin kong sabi.

"Uhm...kasi mga pre, lalaki kasi 'tong si Yukki." Napatigil naman sila sa kung ano man ang ginagwa nila at napatingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"So, you really think of me as a girl huh?" Tanong ko sabay cross arm at tinignan sila isa-isa.

"S-Sorry hehe." Sabay kamot nung Josh. Nabasag ang ka-awkward-an ng may biglang sumulpot sa likod.

"Sorry mga pre kung late man ako!" I rolled my eyes ng mapagtanto ko kung sino 'yon.

"Vienne! Nandito kana pala!" napatayo naman ko.

PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon