Talk

1.4K 79 1
                                    

Shadow's PoV

Nasa kwarto si Yukki at Senon ngayon upang pag-usapan ang isang importanteng bagay samantalang si Vienne naman ay nasa sala at kumakain.

"I'm telling you, I will help Vienne to resolve the conflict between them and Yura." Sabi rito ni Yukki na nakaupo sa gilid ng kama samantalang si Senon ay nakatayo sa harap nito ngayon.

"Pero madadamay ka sa away ng dalawa." Concern na sabi dito ni Senon.

Kaya naisipan ni Senon na bisitahin si Yukki at pag-usapan ito ay dahil nagkita si Senon at Yura. Nagmakaawa ito sa kaniya na tulungang makipag-ayos ito kay Vienne at handa niyang ipalaglag ang bata para lang mapatawad siya nito.

"Wala akong pake, kapatid ko si Yura kaya itatama ko ito." Seryosong niya itong sinabi kay Senon kaya napabuntong hininga naman si Senon at tinignan si Yukki.

"There's something that you need to know." Kinuwento naman ni Senon ang pagkikita nila ni Yura at napag-usapan nilang dalawa kaya naman nabigla si Yukki sa ipinagtapat nito.

"Is she out of her mind?! That's ridiculous!" Yukki exclaimed as he heard the truth.

"That's why I'm asking you if this is the right decision to punish her." Napayuko naman si Yukki sa nasabi ni Senon at inisip mabuti ito. Kung makakatulong ba ito sa kapatid niya o lalala lang ang mga mangyayari.

"I'll....think about it again." Matapos sahihin iyon ni Yukki ay tinapos na nila doon ang kanilang usapan. Paglabas nila ng kwarto ay ramdam nila ang tingin ni Vienne.

"Ano Vienne, masarap ba ang luto ni Ki?" Pagbasag ng seryosong mood ni Senon at nilapitan si Vienne sabay akbay. Kahit nagdududa ay pinalampas na lamang ito ni Vienne at tumugon sa tanong ni Senon.

"Luto ni Yukki ang pinakamasarap kong natikman." Sinabi iyon ni Vienne ng walang halong kasinungalingan at purong admiration lang kaya naman napataas ng kilay si Senon sa sinabi nito.

Samantala si Yukki naman ay nakatalikod at namumula ang tenga sa nasabi ni Vienne.

••••••

"Dito lang muna kayong dalawa, may pupuntahan lang ako." Tumango naman si Vienne at Senon kay Yukki at nagpatuloy sa pagkaing niluto ni Yukki.

'Hindi ko na maintindihan 'tong nangyayari, bakit naman naisipan ni Yura na magpalaglag? Mukhang kailangan ko siya ulit makausap.' Nasabi ni Yukki sa kaniyang isipan habang papunta sa kaniyang sasakyan.

Balak niyang puntahan si Yura upang kausapin ulit ito ng masinsinan at mapaliwanagan sa mga desisyon nito na hindi tama at delikado.

Kahit alam ni Yukki na mali si Yura ay hindi niya ito hahayaang mapahamak dahil kapatid niya parin ito at gusto niya lamang matuto ito sa mga ginawa niya.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating narin si Yukki sa bahay nila Yura at pinapasok na ito ng mga kasambahay.

"Kumusta na ang pakiramdam niya?" Tanong nito sa kasambahay na nakasunod sa kaniya.

"Mukhang matatagalan po bago bumalik sa dati si Ma'am, hindi parin niya po matanggap ang mga nangyari at ngayon ay nasa kuwarto parin ito at nakakulong." Kumawala naman ng malalim na buntong hininga si Yukki at nagpasalamat sa kasambahay. Nasa harap na ito ng kuwarto ni Yura at wala man lang siya marinig mula sa loob kaya naman kumatok ito upang makapasok.

"Yura, ako ito kuya mo." Nang masabi iyon ni Yukki ay bumukas bigla ang pinto kaya naman pumasok ito sa loob nang tahimik. Mas lalong magulo ang kuwarto nito kesa nung una siyang bumisita rito, yung kama nito ay yukot na at mga damit ay nakakalat sa sahig, mga lamesa at upuan ay nakatumba at kurtina na humaharang sa liwanag mula sa binta kaya madilim ang kuwarto nito. Ayaw naman buksan ni Yukki ang ilaw dahil mukhang ito ang comfort zone ni Yura.

PretendWhere stories live. Discover now