Gaya ng nakasanayan nila ay hindi pa rin sila iyong tipo na magbebeso o magyayapos tuwing magkikita. Not like any other couple na kilala niya na sobrang showy. Sila ni Vince, ito, parang tropa lang na nagkita at nag-uusap.

"Just checking out the place." Kaswal rin nitong sagot habang matamang pinagmamasdan ang kabuuan ng dining area. "I'm really amazed. Isang araw pa lang ang nakakalipas, malaki na agad ang naging progress nitong lugar, ah." He said with an approving smile on his handsome face.

And that's the confirmation she never knew she needed. Ang marinig mula kay Vince na maganda ang kaniyang ginawa ay mas lalong nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na ituloy ang kaniyang sinimulan.

"Oo, talagang hindi ko tinigilan hanggat wala akong nakikitang magandang resulta." Isa-isa niyang itinuro ang mga natapos ng bahagi ng restaurant. "Ito ang magiging Service counter. Dito naman yung cashier area. Naisip ko kasi na mas maganda siguro kung isi-serve ang mga pagkain para hindi masyadong crowded ang dating, parang yung sa mga fast food ban a pagkatapos magbayad ay maghihintay na lang sila. Meron din sa second floor pero hindi mo pa makikita iyon dahil hindi pa namin nauumpisahan ang renovations sa taas at—"

Ngunit hindi na natapos ni Claire ang kaniyang sasabihin dahil biglang sumabat si Vince. "Gabi na, Misis. Hindi ka pa ba uuwi?"

"Maya-maya na siguro ng kaunti, Mister. Naglilinis pa kami."

Kinuha ni Vince ang hawak niyang basahan at basta na lang iyon inihagis sa bakanteng silya doon. Pagkatapos ay hinawakan nito sa kamay niya at hinila na siya palabas ng gusali.

"Vince, what the heck are you doing? Hindi pa tapos ang ginagawa ko." Gulat niyang reaksyon habang pilit na binabawi ang kamay mula sa pagkakahaw nito.

"Kaya nga naimbento ang gabi para makapagpahinga ang mga tao. At kaya rin may bukas pa."

Hindi na siya nakapalag pa nang ideposito siya nito sa passenger seat ng kotse nito. "Paano ang mga kapatid ko?"

"Binayaran ko na sila ng extra para tapusin kung ano man ang kailangan pa tapusin." Nakangisi nitong tugon ng lingunin siya.

Kaya naman pala ng lumabas siya kanina ay nakita niya ang laki ng ngiti ng mga mokong niyang kapatid. Mga sira ulo talaga! Kanino ba nagmana ang mga iyon?

"Teka, Sina Ella pala, hindi pa ako nakakapagpaalam."

"Don't worry. Malapit na si Daniel para sunduin si Erika. Siya na din ang bahala na maghatid sa lahat."

"Yung kotse ko?"

"Aly will take care of it." Sinimulan na nito paandarin ang sasakyan. "Ngayon ka lang ba nakahawak ng negosyo kaya sinagad-sagad mo na?"

"Oo." Inilabas niya ang mga baong papeles at kung ano-anong resibo sa kanyang bag. "Sayang kasi ang oras. Marami na akong naaksayang pagkakataon noon kaya ngayon, hindi na ako magpapa-easy lang." Isa-isa niyang tiningnan ang mga resibo nang hindi ito umimik. "Hindi ko akalaing mahal na pala ngayon ang mga gamit sa pagtatayo ng karinderya. Mabuti na lang at marami akong alam na bilihan kaya nakakuha ako ng mga mas murang kagamitan. Alam mo bang halos doble ang nakuha kong discount doon sa tatlong tindahan na napuntahan naming kanina? Nakakatuwa. Bukas, maaayos na namin ang mga gamit sa restaurant at siguro sa susunod na week, magiging fully-operational na iyon. Nae-excite na ako magsimula." Patuloy niyang pagkukwento habang tahimik lang na nagmamaneho si Vince. "Magsalita ka naman diyan. Nakakaantok na ang katahimikan dito sa kotse mo."

"Ano naman ang sasabihin ko?"

"Kahit ano..." Naghikab na siya. "Basta magkuwento ka at nang hindi ako makatulog."

"Wala akong maisip ikwento."

"Ikaw, kamusta ang araw mo?"

"Bakit mo tinatanong?"

"Wala lang." kibit-balikat na tugon ni Claire. Wala naman din kasi talaga siyang ibang maitanong kaya iyon ang unang pumasok sa isip niya. "Sa bagay, wala nga pala tayong pakialamanan, diba. Kahit makipag-date ka pa jan kahit kanino, wala nga pala dapat akong pakialam."

"Iniisip mo bang nambababae ako?" kunot-noong tanong nito ng lingunin siya. Base sa ekspresyon ng mukha ni Vince ay mukhang hindi nito nagustuhan ang kaniyang huling sinabi.

"Ewan ko." Patay-malisya niyang tugon. "Pakialam ko din naman."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng binata bago ito nagsalita. "Kung iniisip mo nab aka nambababae ako, mali ka. I'm not gonna cheat on you hangga't kasal tayo. That's one of the things that I can assure you Claire."

And with that reassuring words, pakiramdam niya ay parang nagrigodon bigla ang kaniyang puso. Hindi rin niya alam paano magre-react sa sinabi nito pero deep inside her ay masaya siyang marinig na faithful sa kaniya ang asawa habang kasal sila.

O, kumalma ka! Inhale, Exhale... utos ng kaniyang isipan habang pilit niyang ikinukubli ang ngiti na gustong kumawala sa kaniyang mga labi.

"I had lunch with my Sales and Marketing team. Trineat ko na din sila ng pagkain dahil naging successful namain yung opening ng malaking supermarket namin kanina." Panimulang pagkukwento ni Vince habang naka-focus ito sa pagmamaneho.

"Well, congratulations!" abot-tinga ang ngiti ni Claire ng batiin si Vince. "Ang galling talaga ng Mister ko." Aniya sabay thumbs up sign.

"Wala man lang ba kahit congratulatory kiss sa pisngi?" pilyong tugon ng lalaki ng bahagyang ilapit pa sa kanya ang mukha nito at ituro ang kanang pisngi.

"O, ayan!" imbes na halikan ay pabirong sinampal na lang ni Claire ang pisngi ni Vince. "Neknek mo! Manigas ka!" sabay dila at irap dito.

Akala mo talaga mauuto mo ko? Hindi 'no! Di ka makaka-tsansing sa akin! Proud na pamamayabang ng isang bahagi ng kaniyang isipan. Sus! Talaga ba?! Naku, girl, kunwari ka pa! Deep inside gustong-gusto mo naman talaga. Wag mo na itanggi. Kontra naman na sabi ng kaniyang puso.

"Dinala ko din sina Lucho at Dreico kina Mommy and Daddy, sinundo ko na din ang Mama mo kaninang umaga. Naisip kasi nina Mommy na bumisita sa Hacienda Cassarina and they suggested na isama ang kambal pati ang Mama mo para makabisita naman din siya doon."

"Hala, paano ang mga kapatid ko? Wala pa naman silang susi ng bahay, baka hindi nila alam na wala si Mama at---"

"Doon na rin sila ihahatid ni Aly." Mabilis na tugon ni Vince sa kaniyang pag-aalala.

Muli siyang naghikab. "Hmm, sige..."

Kinusot ni Claire ang mga nanlalabo at namumungay niyang mga mata. Masyado yata talaga siyang napagod kanina kaya ngayong nakakuha ng pagkakataon na makapagpahinga ang katawan niya ay nagtutuloy-tuloy na ang paghila sa kanya ng antok. Kapipikit lang niya ng kanyang mga mata nang maramdaman niya ang dahan-dahan pagbaba ng sandalan ng kaniyang upuan.

"Matulog ka lang diyan, Misis."

"Salamat, Mister..."

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant