Drag racer ba siya?

Feeling ko hindi na ako aabot pa sa hospital dahil aatakihin ako sa puso sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Nagulat na lang ako dahil nasa hospital na kami. Aba ay yung totoo? Lumipad ata kami.

Agad kaming bumaba ni Nina, naicharge ko kahit papaano ang cellphone ko sa sasakyan kaya kinuha ko iyon tapos muli kong tinawagan si Zhi Shu. Si Yu Shu ulit ang sumagot sinabi niya na nasa hospital na sila at dinala na nila si Jun Ya sa emergency room at diniretso ito sa operating room tapos yung isang kasama ni Jun Ya ay ginagamot na rin sa emergency room. Tumakbo na kami papunta sa kinaroroonan ni Yu Shu.

Dumating din sila Gan Gan at Zi Yi. Tinanong nila kung ano ang nangyari, si Nina na ang nagkuwento sa kanilang dalawa. Muli nilang tinanong kung na saan si Lin Xia pero wala kaming naisagot dahil wala pa rin kaming nakukuhang info mula kina Chuan Jin. Namatay na ang kulay pulang ilaw sa operating room ibig sabihin tapos na ang operation. Bumukas na ang pinto at lumabas na si Zhi Shu. Kasunod niya ang stretcher kasama si Jun Ya at ibang mga nurses na nag-assist sa kanya.

"Zhi Shu! Anong nangyari? Kumusta si Jun Ya?" Tinanggal na niya ang mask niya.

"She's stable for now." Sinenyasan na niya yung mga nurses at umalis na sila kasama si Jun Ya.

"Stable for now?"

"May malaking pasa siya sa kanyang balikat. Masyadong hindi kinaya ng puso niya ang sitwasyon kaya isa sa mga ugat nito ang pumutok." Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Zhi Shu. "Dadalhin na muna siya sa ICU, for some observation, if she became unstable we are going to need a new heart for her within 24 hours."

"New heart?" Hindi ko na napansin na naandito na si Ah Nou.

"Sige, maghahanap na ako if may magmamatch sa kanya." Saad ni Zi Yi, sinamahan naman siya ni Gan Gan at umalis na silang dalawa.

"Tabi!!" Lahat kami ay napatingin sa may pinto ng Emergency room. Sakay sa isang stretcher ang isang pasyente na halos wala ng buhay habang si Chuan Jin ay nasa itaas din at binibigyan niya ito ng CPR.

Lahat kami ay tumabi at pinadaan sila. Si Lin Xia ang sakay nung stretcher kaya sumunod na rin si Nina pagpasok sa operating room. Kasunod ng stretcher na yun ang mga magulang ni Lin Xia at bakas sa kanila ang sobrang takot. Hindi na namin sila pinapasok sa loob ng operating room.

"Magiging ayos lang po ang anak ko diba?" Iyak na sabi nung Mama niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Doc! Doc! Doc!" May isang nurse din ang lumapit kay Zhi Shu. "May isa pa pong sugatan na galing sa crime scene." Tumakbo na si Zhi Shu sa kinaroroonan nila. Pinaupo ko sa tabi ang mga magulang ni Lin Xia. Sinabihan ko sila Yu Shu at Ah Nou na sila na muna ang bahala sa kanila.

Sumunod na rin ako kay Zhi Shu, pumasok na rin kami sa operating room. Naghugas na ako ng kamay, nagsuot ng gloves, nagsuot ng mask, at operating gown. Pagpasok ko sa loob na kung saan dinala yung babae ay nanlaki ang mga mata ko.

Ang mama ni Jun Ya?

Totoo ba itong nakikita ko? Ang Mama ni Jun Ya? Bakit kasama nila ang Mama ni Jun Ya? Anong nangyari?

"Xiang Qin, tatayo ka lang ba diyan?" Narinig kong sabi ni Zhi Shu.

Lumapit na ako sa kanya at sinunod ko na lahat ng pinag-uutos niya. Ngayon nga lang pala ulit ako tumulong kay Zhi Shu sa operation kaya ang inutos niya sa akin ay ipump ko lang yung oxygen.

May sugat siya sa kaliwang bahagi ng kanyang tagiliran. Narinig kong sinabi ni Zhi Shu na mauubusan na siya ng dugo kaya kailangan pa ng maraming dugo. Yung iba naming kasamang nurse ay tumakbo na papalabas at maya maya pa ay bumalik sila na may bitbit na tatlong bag ng dugo. Pero sabi ni Zhi Shi mahihirapan ng operahan ito dahil kulang yung dugo na dala. Dirediretso pa rin ako sa pagpump ng oxygen.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now