Ano itong nangyayari sa akin? Hindi ko na rin randam ang pagtibok ng puso ko. Is this the end of me?

(Xiang Qin POV)

Hindi na ako mapakali. Sumisilay na ang liwanag at hanggang ngayon hindi ko alam kung nasaan sila Jun Ya. Sino ang pwedeng kumuha sa kanila? Tumawag na ng rescue team ang mga namumuno at tinipon na ang lahat ng estudyante sa kani-kanilang bus at doon sinabihan sila na hindi sila pwedeng lumabas. Dumating na ang mga rescue team at may kasama silang ambulansya, sakay sa ambulansya sila Chuan Jin na may kasamang dalawa pang nurse at ang mga magulang ni Lin Xia.

Tinanong ng rescue team kung saan huling nakita yung tatlo. Sinamahan ko sila at pinuntahan namin yung lugar na kung saan ko nakitang kinuha yung tatlo at mula dun ay may nakita silang bakas ng sasakyan. Sa likod sila ng campsite dumaan kaya hindi ito napansin ng kahit na sino man.

Muli nila akong pinabalik sa may camp site tapos may isang sasakyan na familiar sa akin ang dumadating.

Si Zhi Shu!

Kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya pagkababa niya sa sasakyan.

"Zhi Shu!! Buti dumating ka na, sila Jun Ya..." Umiyak na ako. Naramdaman ko naman na hinigpitan niya yung pagkakayakap niya sa akin.

"Sshhh! Tahan na Xiang Qin, mahahanap din natin sila." Pinahid ko na ang mga luha ko at nakita kong bumaba si Yu Shu mula sa sasakyan.

"Yu Shu? Bakit ka naandito?" Pagtataka kong tanong.

"May lead siya kung na saan sila Jun Ya." Paliwanag naman ni Zhi Shu.

"Huh? Papaano?" Pagtataka ko.

"Mas mabuting sila na ang makaalam sa nalaman namin ni Yu Shu."

Kahit naguguluhan ako at dinala ko silang dalawa sa pinuno ng rescue team. May ibinigay si Yu Shu na isang cellphone. Pakiwari ko iyon ang cellphone ni Hao Mei. Sinabi niya kagabi may nareceive si Hao Mei na text mula kay Jun Ya at iyon lahat ang lumabas. Kinuha niya yung cellphone at kinonek agad sa monitor nila. Lumabas ang isang picture ni Jun Ya na blurred, isang lalaki na may hawak na kutsilyo, dalawang links ng locations at isang audio recording. Marahil may sinet si Jun Ya sa kanyang cellphone na isang SOS sender. Binuksan din nila yung link ng location at doon nalaman nila kung na saan sila Jun Ya.

Agad na may inutos ito sa mga rescue team hinati niya ito sa tatlo tapos binigay na niya ang location. Sinabihan niya na as much as possible ay walang magpapaputok lalo na't tatlong estudyante ang naandun. Kapag may nag-insist saka lang.

Pagkatapos magbigay ng pinuno nila ng kautusan ay pumunta na sila sa kani-kanilang sasakyan. Si Chuan Jin ay nagrequest na ipapasunod ang ambulansya kaya naman ay sumakay na siya dun kasama ang dalawa pang nurse. Hindi na niya pinasunod si Nina dahil alam niyang wala pa itong tulog at tiyak na delikado. Sumunod din si Zhi Shu sa kanila. Noong una ay pinigilan ko siya pero sinabi niya na dalawang pasyente ang naandun. Ang isa ay si Lin Xia at ang isa ay si Jun Ya. Tiyak na hindi kakayanin ni Chuan Jin kung siya lang ang mag-isang pupunta. Sasama rin sana ako pero hindi na niya ako pinayagan dahil siguradong delikado.

"Kuya Zhi Shu, pwede po ba akong sumama." Biglang nagvolunteer si Ah Nou.

"Isa ka pa, alam mong ikaw ay pasyente ko rin."

"Kuya, ako na lang ang sasama." Nagvolunteer din si Yu Shu.

Hindi na nakatanggi si Zhi Shu dahil tinawag na siya ni Chuan Jin at kailangan na nilang umalis. Napaakbay naman sa akin si Nina habang tinatanaw sila papaalis.

(Hao Mei POV)

Nakakailang lakad na si Tita pabalik balik sa salas dahil din sa pag-aalala. Naandito ako ngayon sa kanilang bahay. Dito na kasi ako pinatuloy muna ni Tita para alam niyang safe din ako.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat