His Best Friend

337 14 3
                                    

Eula

Agot and I decided to meet in a coffe shop in Makati since nandito na siya.

"Congratulations nga pala sa kasal niyo ni Albert. Sorry hindi ako nakadalo." she said when our cup of coffee arrived.


Sa loob ng mahigit isang buwan na hindi kami nagkita ay nangayayat ma siya. Stress in pregnancy probably taking its toll on her.


"Salamat. Kumusta ka? Mukhang may lagnat ka pa ata." I observed na kasi kanina pa na pinagpapawisan siya. Hindi naman mainit dito sa loob.


"Wala ito. Napagod lang ako kasi nagmamadali ako kanina." she answered.


"Siyanga pala, I want to apologize na kung hindi dahil sa akin ay natulungan ka sana ni Albert." ang tinutukoy ko ay ang pagpapakasal sana nila kung wala lang ako sa eksena. Matagal nang bumabagabag sa akin ito at marahil ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko pa lubusang maibigay kay Albert ang sarili ko.


"To tell you frankly, that time na tinanggihan ako ni Albert...for the very first time, nagalit ako. Hindi sa'yo kundi ang sarili ko. I regretted na tinulungan kita noon dahil kung hindi sana ginawa iyon, hindi sana kayo magkakakilala ni Albert." sinserong sabi niya. "Pero narealize ko na napakasama ko if I would continue to think that way. I mean, you are dear friend, Eula."



Napayuko ako sa tinuran niya. I can feel her jealousy na naagaw ko ang atensyon ng bestfriend niya.


Pero bestfriend nga ba talaga ang pagtingin niya kay Albert?


"Don't feel bad, Eula. I do not have anything against you. Siguro kayo talaga ni Albert ang itinadhana para sa isa't-isa at ayoko namang maging kontrabida sa love story niyo noh." wala akong maringgan na sarcasm sa tinig niya, bitterness meron kaunti. "Nasanay lang siguro ako na lagi niyang kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon."


I feel her. It must have been nice to be pampered by Albert.



"Agot...ano kaya kung... Ipa-annul ko na lang ang kasal namin?"


Nanlaki ang mga mata niya, "What?"



"You might not believe this but Albert and I do not have that kind of marriage that typical couples have."



Iyon ang totoo. Saan ba nagsimula ang lahat? Sa pagpapanggap. Until pumayag na lang ako bigla na ikasal kami despite the fact na wala namang namamagitan sa amin dalawa.



Ang rason ko noon ay para magkaroon ng panangga sa mga naghahabol sa akin. I mean, iyong mga taong gustong bumalik sa buhay ko pero ayaw ko na.


Like Tristan. And that freak, Christian. And now...Alejandro.



"What do you mean? Kindly explain this to me."

I took a deep breath first, "I married him for selfish reasons. Ano ba ang dahilan kung bakit ako nagtatago sa bahay niya in the first place? Upang makalayo sa mga taong gustong manggulo sa tahimik kong mundo. When Albert came, I didn't have the intention of making him the best escape. It just happened one day, I said, Okay, Let's get married. That happened after the incident with Christian."



Napanganga si Agot.



"Does Albert knew about this?"



"I think he already figured it out. Matalino siyang tao. And when I told him that I do not love him, I guess that said it all."


Napasandal si Agot sa kanyang kinauupuan at humigop sa kanyang tasa. "I think I have to write this. Pwede kong gawing screenplay."



"Agot, hindi ito telenobela. If you want somethinf for a screenplay, makipag-ugnayan ka na lang kay Lea. She also made a romance novel starring me and Yuji Legazpi, if you know him."



Ms. Prim And Mr. Improper [Completed]Where stories live. Discover now