Baking Lessons

379 15 4
                                    

Eula

Yesterday when I woke up at six thirty, I felt agitated instead of well-rested. I finally understand why when I knocked at Albert's room and he didn't answered. A post-it note was left on the refrigerator saying that he went to Ricky's to stay until the end of his vacation.

I swallowed all my pride and mustered all courage to fetch him at ten-thirty.

Hindi na nga ako nakakain ng hapunan dahil sa kakaisip kung ano ang dapat kong gawin.

But luckily, I got to bring him home kahit alam kong babalik na naman siya sa pang-aasar sa akin.

But true to his words, Albert maintained a considerable distance from me everytime we talk. Even at the breakfast table, he insisted of making a cup of coffee on his own.

I felt sad not because he doesn't like my coffee anymore, but because he wanted to avoid me.

I know I should not be complaining pero gusto ko kasi siyang pagsilbihan. Hindi dahil sa libreng pagtira ko dito pero dahil iyon ang gusto ko. It felt nice kasi to have someone to take care of once in a while.

Hmmmnn..Alalay sa puso..

"May lakad ako ngayon. Baka abutin na ako ng gabi. Magsara ka na lang ng maaga. May susi naman ako." pagpapaalam niya habang nagbabasa ng diyaryo.

"Okay." tipid kong sagot.

"Anong plano mo ngayon araw?" tanong niya pero hindi pa rin tumitingin sa akin. Parang nakikipag-usap siya sa newspaper.

"Maghahanap ako ng pwedeng maging pwesto. Susubukan kong magtayo ng pangarap kong restaurant." sagot ko.

Sa wakas ibinaba na niya ang diyaryo at tiningnan ako. "That's good. Wow! Finally. Pero paano na ang pagiging doctor mo? Sayang naman ang galing mo."

Pinag-iisipan ko nga kung makikipag tie up doon sa isa kong kaibigan na magtayo ng sariling clinic.

"Hindi ko naman totally bibitawan iyon. Kung may mahanap lang sana akong for sale na lupa dito sa Kalye Patay ay dito na ako magpapatayo ng maliit na clinic."

"Dito na lang sa bahay. Malawak naman ang espasyo diyan." sabi nito.

"Ibebenta mo sa akin?"

Ang tinutukoy niyang espasyo ay ang bakanteng lupa na katabi ng bahay niya. Malawak actually at magandang lokasyon para sa iniisip kong maliit na klinika.

"Bakit ko ibebenta sa'yo? Later on, it will be a conjugal property."

"Are you proposing, Mr. Martinez?" ang pinakaayaw kong gawain niya ay ang magbitaw ng mga salitang hindi niya pinag-iisipan ng mabuti.

"Yes, I am proposing that you use that lot for free."

I squinted my eyes and frowned. "And what are expecting in return?"

"Hmmmnnn. Let me think about it." sabi niya ang kunwari ay nag-iisip.

Sinasabi ko na nga ba may ibang agenda ang lokong ito.

"Ikaw ang magluluto ng mga pagkain na kakainin ko."

"Are you serious?"

"Oo naman. Isulat pa sa papel e. At kung gusto mo ipanotaryo pa natin sa abodago. Andiyan naman si Hadji."

Ha? Si Hadji?

"Hadji is a lawyer?" maang na tanong ko. Ang weird na lalakeng iyon, isang abogado?

"Yep. The one and only. Our Very own Hadji Legaspi. One of the triplets."

"Hindi na kailangan. Alam ko namang papanindigan mo ang salita mo." wala sa loob na nasabi ko.

Ms. Prim And Mr. Improper [Completed]Where stories live. Discover now