Interpretations

333 14 1
                                    

Eula

Hindi ko talaga nasabi kay Badet ang eksaktong detalye kung bakit ako nakatira sa bahay nina Albert pero noong sinabi kong hindi kami magkasintahan ng kababata niya ay parang nalungkot siya.

I have a gut feeling na parang may gustong sabihin si Badet sa akin pero mukhang sekreto iyon at hindi ko dapat  malaman.

I contemplated going back to the Yuji's cafe para makausap si Badet. At this time of the day, malamang nagkukumpulan na naman ang mga naggagwapuhang binata ng Kalye Patay. Sa bakery kasi ni Yuji madalas tumambay ang mga ito.

"Albert!" tawag ko sa aking housemate. O baka mas maigi pa ngang tawagin kong landlord.

"Bakit?" humahangos na tanong niya. Galing sa veranda at parang may kausap sa phone noong tinawag ko.

"Pupunta lang ako sa coffee shop ni Yuji." paalam ko pero nangunot ang noo niya at para bang nagalit.

Base kasi sa itsura niya ay parang galit siya.

"Sorry ha. Did I caught you in a bad time?" nag-aalangan na tanong ko. "Sige, tawagan mo na ulit ang kausap mo. Mukhang nakaistorbo yata ako."

Iiwan ko na sana siya pero hinagip niya ang isa kong braso. Dahil sa biglaang galaw na iyon ay na-out balance ako at napasubsob ng bahagya kay Albert.

Dahil na rin siguro sa 'military training' kaya ganon na lang ang reflexes niya at nagawa niya akong saluhin.

Pero ang siste, nakapulupot ang dalawang malalakas na braso niya sa akin. At parang isang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

At sa pagdidikit ng mga katawan namin at naging mas mabilis ang tibok ng puso ko.

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. Amoy aftershave, combined with his natural manly scent.

Napalunok ako, biglang naging tuyo ang lalamunan ko.

"Sasama ako kapag pupunta ka sa shop ni Yuji at dapat kasama ako kapag kausap mo siya." madiing sabi niya.

Anong meron kay Yuji?

Nakatayo na akong maayos at handa na para lumabas ng bahay pero dahil sa sinabi ni Albert, naging curious ako kung anong meron kay Yuji at ganon na lamang kung makahadlang itong si Albert.

Nakaisip ako ng kalokohan. Baka naman may past sina Yuji at Albert.

Kaya?

"Di ba sabi mo, kaibigan niyo si Jerry na according to you ay isang gay. Hindi kaya maaaring isa ka ring--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pigil na pigil ang tawa ko dahil umasim lalo ang mukha ni Albert.

"I am not gay. At patutunayan ko ngayon iyon sa'yo." sabi niya sabay sakop sa aking labi.

Gulat na gulat ako sa bilis ng mga pangyayari, parang kanina lang umaga ay may deal kami tapos ngayon vina-violate na niya ako.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mahalikan ako dahil I've been into relationships before.

Pero the way na humalik si Albert, nakakaengganyo at nakakarelax. Kahit pa sabihing masyadong mapang-angkin ang paraan ng paghalik niya.

Unti unti akong nadadala dahil sa sensasyon na hatid ng paghalik niya sa akin. At huli na nang marealize ko na nakakapit na rin ang dalawang kamay ko sa batok niya at tumutugon sa maalab na paghalik niya sa akin.

Lalong lumalim ang ginagawa niyang pananakop sa mga labi ko. At lalong humihigpit ang mga bisig niya na kinakukulungan ko ngayon. Siguro kahit magpumiglas ako ay wala ring mangyayari.

Ms. Prim And Mr. Improper [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon