Acceptance

322 13 0
                                    

Albert's POV


"Lilipat na ako ng matitirhan bago mo pa ako gapangin."

Shit! That's my line.

"Hindi nga pwede. Ilang linggo na lang, aalis na din ako. Napag-isipan ko na since wala rin lang naman nakatira dito ay ikaw na lang." Sabi ko. 

"At lalong madadagdag ang utang ko sa'yo? Na ayaw mo namang pabayaran ng pera dahil gusto mo ng in-kind. Una pa lang, sinabi ko na sa'yo na hindi ko ibibigay ang dangal ko bilang kabayaran sa pagtira ko dito."

Malumanay lang ang pagkakabigkas niya ng mga iyon. Walang halong panunumbat o anupaman. Habang tumatagal ay lalo akong napapahanga sa taglay niyang lakas at tapang. Akalain mo ba naman, dadalawa lang kaming nakatira dito pero parang wala siyang takot sa kung anong maaari kong gawin sa kanya.

"People already speculating that we are a couple. Kung sasabihin mo sa labas na hindi tayo magkasintahan ay iisipin nila na...."

"Na ano?" Panghahamon niya. "Mababang uri ng babae?"

Gusto kong tumango pero naging malamlam ang mga mata niya at para bang mabigat talaga sa loob niya na bigkasin ang mga salitang iyon. 

"Hindi naman sa ganoon."

"Youbare right, Albert. Kaya nga sabi ko sa'yo na aalis na ako at hayaan mo akong makabayad sa'yo sa pagkakautang ko. Kaya ko namang bayaran. Pati interes."

Nataranta na ako dahil mukhang seryoso na talaga siya. Dapat pala una palang ay hinayaan ko na siyang umalis pero nanaig kasi ang curiosity ko sa kanya.

I admit, unang kita ko palang sa kanya ay na-attract na ako. Gusto ko siyang makilala. At noong nag-usap na kami, alam kong gusto ko siyang makasama ng matagal.

I am not saying na gusto ko na agad siyang pakasalana because truth is, we are still strangers. And I will be defying logic if I will marry someone I only just met. And besides, Eula does not feel the same.

May mga babae din naman na naghahabol at proud din naman ako na naggagandahan ang mga babaeng iyon. I've been into relationships before. I got my heart broken but looking back now, it's just my ego that got hurt.

HIndi ko lang matanggap sa sarili ko na may babaeng makikipagbreak sa akin.

"Stay here, please." Wala na akong pakialam kung nagsusumamo na akong sa harap niya.

Tinitigan ko at hayaan na lang na mga mata ko ang makipag-usap sa puso niya. Tutal, magaling naman siyang mag-interpret.

Nagtitigan kami ng ilang sandali bago siya napabuntong-hininga.

"Sa isang kondisyon." 

Napangiti na ako dahil alam kong bumigay siya pagmamaakaawa ko.

"Ano iyon?"

"Aminin mo munang may gusto ka sa akin. Pinagnanasaan mo ako noh?" Pag-aakusa niya.

How right she is.

"Whoa! Paano kung hindi nga?" Tanong ko baka makalusot pa ako. "Para mo na ring sinasabi na magkagusto ako sa'yo para mag-stay ka."

Naningkit ang mga mata niya, "You're lying."

"O e, ano ngayon kung type kita? Masama bang mag-appreciate? Kasalanan ko ba kung maganda katawan mo at gusto kong halikan ang mapang-akit mong labi? Lalaki lang ako, Eula. Nakakaramdam din." sa wakas ay naamin ko rin. But I didn't know how that sounds like in her ears.

As expected, gulat na gulat siya. Nakanganga pa.

Patay. 

"This is higly improper, ang pagsasama natin na tayong dalawa lang sa iisang bubong. At sa rebelasyon mong yan, malaki ang tsansa na pagsasamantalahan mo ako." saad niya.

Ms. Prim And Mr. Improper [Completed]Where stories live. Discover now