Games & Pranks

365 16 1
                                    

Albert




Isang buwan mula noong nabaril ako ay balik na naman ako sa pakikipagkulitan sa mga kaibigan ko. My wife already certified that I am fit to work kaya for sure ay fit to drink na rin. 😅



"Hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot si Ian sa mga tawag. Palagi pa ring nakabantay sa bestfriend ni Albert." imporma ni Ashton habang nag-iinuman kami dito sa bahay ni Jake.




"Syempre mahirap na kung totohanin ni Agot na ipalaglag nga ang anak nila." komento naman ni Bentong.

"Pero diba nga, sabi ni Agot na hindi anak ni Ian iyon. Hindi kaya nagmumukha nang tanga ang kaibigan natin kapag sunod ng sunod pa rin siya kay Agot?" sabi ni Saji.



"Paano nga kung anak naman talaga ni Ian iyon?" sabad naman ni Yuji.



Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Wala rin kasi akong maitulong kung sasabad ako sa usapan kaya tahimik ko na lang tinutungga itong alak na hawak ko.



"Alam niyo, nagtatalo talo dito pero iyong taong higit na nakakaalam sa takbo ng isip ni Agot ay hindi nagsasalita." sabi ni Aga. Alam kong ako ang pinaparinggan niya dahil ako lang naman ang close na kaibigan ni Agot.




"Oo nga naman, Albert. Baka naman may balak kang sumali sa usapan." sulsol ni Jake.



Napabuntong-hininga muna ako.



"Malalaki na sila. May mga sarili nang isip at may tiwala naman ako na pareho nilang gagawin kung ano ang tama." sabi ko.




"Alam niyo tama si Berting, sabi ko nga wag na siyang magsalita e." may himig pang-aasar na sabi ni Aga.


Pero dahil dito, mukhang sa akin naman na nabaling ang atensyon nila.



"Teka nga pala, hindi ka pa nagpapaliwanag sa amin a kung bakit nagmadali kayong magpakasal ni Eula." sabi ni Haji.




"Baka naman masyado kang na-threaten sa akin, pare." nakangising sabi ni Yuji.



Ako mate-threaten? Tss. Don't me!



"When you found the one, it doesn't matter how long the time you have known each other, seize the moment and don't ever let go." paliwanag ko.



"Seize the moment daw! Baka naman seize the person." nagbibirong sabi ni Yuji.




"Pero ang bilis ha, di mo naman siguro ako masisi kung magtataka ako ng labis kasi kung iisiping mabuti, hindi ka kilala ni Eula noong napadpad siya dito, I mean, based on your statements, nagkakilala lang kayo noong dumating ka from States. So ano iyon, love at first sight?" maang na tanong ni Saji.




"Love at first sight? E diba, hindi naniniwala si Albert sa ganon?" tanong ni Bentong.



Tama siya. Hindi talaga ako naniniwala sa mga ganoong bagay pero noong nakita ko si Eula, alam kong siya na ang gusto kong mapangasawa.




"Pareng Albert, wag mo sanang masamain itong tanong ko na to, pero magkasama kasi kayo ni Eula sa iisang bahay....alam mo na.....hindi malabong may...."




"Walang nangyari sa amin." agad kong sagot kahit hindi pa natatapos ang tanong ni Ricky.



"Ah. Okay." sabi na lang ni Ricky at ininom ang laman ng baso nito.




Mga kaibigan ko sila kaya naniniwala akong maiintindihan nila ang sitwasyon ko kapag sinabi ko sa kanila at higit sa lahat ay kailangan kong burahin sa isipan nila na hindi ganoong uri ng babae ang asawa ko.




Ms. Prim And Mr. Improper [Completed]Where stories live. Discover now