Officially Yours

384 15 10
                                    

Eula



Kanina pa tawag nang tawag si Trace pero wala akong time na sagutin dahil abala ako sa rounds ko sa ospital.




Pero ngayon ay free na ako kaya ako na mismo ang tumawag kay Trace.




Pag-angat pa lang niya ng phone ay wala man lang hello or hi, diretso na siya sa pagtatanong.




"Ate tumawag si Kuya Tristan, mukhang umiiyak at sinasabi niyang may asawa ka na daw?"



Napapakit ako ng mariin dahil hindi ko inanticipate na aabot agad kay Trace ang insidenteng iyon.



"Ate totoo ba? Albert daw ang pangalan ng asawa mo. Si Captain Albert Martinez ba iyon? Iyong sumundo po sa'yo sa hotel?"



"Trace..."


"Ate di ka man lang nagsabi para dumalo kami sa kasal mo. At saka noong nagkita tayo sa hotel, dumating pa ang asawa mo pero pakilala mo lang ay Capt. Martinez. Kailan po ba kayo kinasal ate?"


Dahil sa sunod sunod niyang tanong ay hindi ko na alam kung ano ang unang sasagutin.



"Calm down, okay? Don't tell anything kina Tita yet kasi---"



"Anong don't tell anything, Eula? Kailan mo balak sabihin sa amin?"



That's Tita Gertrude's voice.



"Am I on loud speaker?"




"Sorry, ate. Andito si mama nakikinig sa usapan natin. At alam na nila kasi tinawagan din sila ni Kuya Tristan."



Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko pwedeng sabihin na hindi totoo iyon dahil baka malaman na naman ni Tristan. Lalo pa ngayon dahil atat si Tita na ipakasal ako dahil lagpas trenta na raw ang edad ko at kailangan ko nang magka-anak.




Hindi ko alam kung saan nakasulat sa Bibliya na kailangan kong magkaasawa at magkaanak by the age of thirty.



"You better introduced that man to us, Eula."



"S-sige ho, Tita."



Anong gagawin ko ngayon? Kung bakit kasi nagsinungaling pa ako. Pwede ko namang sabihin boyfriend ko si Albert tapos kapag nalaman nina Tita, sasabihin ko na lang na break na kami.



Pagtapos kong putulin ang tawag na pasalampak ako sa upuan.



Lalo akong napagod at nastress dahil sa mga nagaganap. Bakit na nga ba ulit ako nasa ganitong sitwasyon?



Sinubukan kong pumikit at kalmahin ang aking sarili.



Wala pang limang minuto nang marinig ko ang Code Red kaya napatayo ako agad kahit gusto ko pa sanang maidlip muna.



Arrrgghhh!!! I love my job.

....



"Doctor Valdes, akala namin umuwi na po kayo." sabi ng nurse na nakaduty para sa night shift.


"Dito na ako matutulog. Mahirap nang maghintay ng masasakyan ngayon." sagot ko.



Buti na lang may Doctors' Lounge na pwedeng tulugan kapag naka night duty ang mga Doctor. At mukhang ako lang yata ang madalas gumamit doon.


"San po ba kayo umuuwi, Doc?" tanong ng isa pang nurse.



Kasalukuyan kasi akong nasa Nurse's Station at binabasa ang medical history ng isang pasyente ko.



Ms. Prim And Mr. Improper [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat