Reasons and arguments

337 14 9
                                    

Eula

May mali ba akong ginawa?

Yan ang paulit-ulit kong tanong sa aking sarili ng tuluyan nang nawala sa paningin ko si Albert.

Inalok ko lang naman ang new cake ni Yuji. At ang tanging intensyon ko ay matikman din niya kasi masarap naman talaga.

"Anong nangyari doon?" tanong ni Aga pagpasok sa coffee shop. Malamang nakasalubong niya si Albert sa labas. "Mukhang papatay ng tao e."

"Nagwalk-out!" sabad ni Hadji na kanina pa pala nakatunghay sa amin. "Nagselos ata."

Nalungkot ako and at the same time nainis ako sa ginawa ni Albert. Iniwan na lang niya ako basta. Sana sinabi niya na may pupuntahan pala siya.

"Uhm, Yuji, salamat ha. Susundan ko lang si Albert." sabi ko kay Yuji at tatayo na sana pero pinigilan niya ako.

"Stay, Eula. Kung susundan mo siya kapag nagmamaktol, you'll gonna spoil him." sabi niya.

Maaaring tama siya at maging ako ay kumbinsido na rin na parang ganun na nga ang mangyayari.

"Ooppsss! Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" tila gulat na gulat na tanong ng isang lalaki na ngayon ko lang nakita. "Magkakalablayf na ata ang ermitanyo!"

"Tumigil ka Ashton." sita ng isa pang lalaki na kasama nito. "Baka mamaya niyan, banned na naman tayo dito."

"Guys, this is Eula. Ang magiging reyna ng buhay ko." tila nagmamalaking wika ni Yuji.

At dahil sa sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko.

Bago pa ako makapagsalita para tutulan ang sinabi ni Yuji ay may sumingit na medyo may edad nang babae.

"Anong pinagsasabi mong reyna ng buhay mo? Asawa ni Albert kinakalantari mo!." sita ng matanda bago tuluyang nilisan ang shop.

Para kaming namatanda lahat dahil sa tinuran ng ale.

"Oh! I see, siya iyong pinakilalang asawa ni Albert noong rehearsal ng kasal nung isang kaibigan niya diba?" Sabi ni lalaking tinawag na Ashton.

"I have to go." sabi ko ulit pero sadyang pinagtutulungan ata ako ng mga lalaking ito dahil hinarang ako ng lalaking kasama nung Ashton.

"I'm Jake. Kababata ko at kaibigan sina Yuji and Albert." pagpapakilala ng lalaki sabay lahad sa kanang kamay nito.

Tumango lang ako bilang pag-acknowledge sa kanya pero hindi ko tinanggap ang pakikipagkamay niya. At parang hindi naman ito napahiya sa ginawa ko. Kaswal lang niyang binawi ang kamay at namaywang.

"It's been a while na mayroong rift sa barkada and I think the time has come for another feud." dagdag pa ni Jake.

"Hay naku! Ayoko na ng drama." sabi ni Aga na komportableng nakaupo sa tabi ni Lea. "Nakakasawa na."

At noon ko lang naalala na kasama pala namin si Lea. Pero ang tokwa, abala sa pagtipa sa kanyang laptop.

"Walang mangyayaring drama dahil kami ni Albert ay hindi katulad nina Ian at Aga." sagot ni Yuji.

Ano bang meron?

Si Lea hindi man lang nagreact. Baka si Lea ang dahilan ng away nina Ian and Aga dati.

Pwede.

"Wow, sumasagot na ang ermitanyo! Dati hindi nagsasalita at walang pakialam sa mga nangyayari pero tingnan niyo ngayon, hanep." nanlolokong sabi ni Ashton.

Nagtawanan ang mga magkakaibigan liban kay Yuji. Buti na lang wala si Bentong at Rick. Baka lalong maingay dito at magsialisan ang iba pang customer.

Ms. Prim And Mr. Improper [Completed]Where stories live. Discover now