Almost

522 15 19
                                    

Eula


Nagpaalam naman si Albert kanina na pupunta dito kina Jake pero mag-aalas onse na ay hindi pa siya umuuwi.


Kaya nagpasya akong pumunta na rito. Si Ashton ang nakita kong nakatayo sa ilalim ng puno ng acacia at mukhang may kinakausap.



Hindi niya ako nakita nang bumalik siya sa loob ng bahay. Pero bago siya tuluyang nakapasok ay napasulyap siya sa gate kaya nakita niya ako.



Binuksan ko ang gate at saka dahan dahan naglakad papasok sa malawak na bakuran.


Napahinto ako noong nakita kong nag-uunahan ang mga kaibigan ni Albert na lumabas.

"Kasama niyo ba si Albert?" tanong ko at medyo kinabahan ako kasi magkakaiba ang mga expressions nila.



Pansin ko na mukhang masaya sina Ricky, Saji at Haji. Gulat naman ang kina Yuji at Jake.



"Oo, andito siya." sabi ni Ashton. At lahat sila na nakaharang sa pinto ay tumabi.




Lumabas si Albert mula sa loob ng bahay at kumaway sa mga kaibigan habang naglalakad palapit sa kinatatayuan ko.



Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong hindi naman siya lasing.



Hinapit niya ako sa baywang at sabay na kaming lumabas ng bakuran ni Jake.



Pagdating namin sa bahay ay agad ko siyang hinarap. "Ang sabi mo sa akin, makikipagkwentuhan ka lang. Inuman pala ang pupuntahan mo e."



"Konti lang naman iyon. At hindi naman ako lasing." katwiran ko.



"Kahit na. Isang buwan pa lang mula noong naoperahan ka a."


"I'm fine. Tingnan mo naman, ang lakas ko. At saka totally healed naman na ang sugat ko. You even given permission for me to work." giit pa rin niya.



Hindi talaga siya papatalo. Bahala ka na nga sa buhay mo.



"Okay, wala na akong sinabi." sabi ko at tumalikod na. Walang lingon-lingon na tinungo ko ang aking silid at isinara ang pinto.



Paglipas ng ilang minuto, narinig kong nakabukas ang shower sa room niya kaya sigurado kong nasa kwarto niya siya.




Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at lumabas.




I poured myself a glass of water dahil uhaw na uhaw na ako kanina pa. Ayoko lang lumabas dahil baka andito pa si Albert.




Kahit hindi iyon lasing ay alam ko ang influence ng alak sa kanya kahit konti lang ang ininom niya.



Papaidlip na ang diwa ko nang marinig ko ang langitngit ng pinto dito sa kwarto ko at agad akong napabalikwas ng bangon.




"Albert! Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko.



"Makikitulog." tipid niyang sagot.


Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ito.


Without waiting for permission he already sprawled his large figure on the bed. Dahil double size lang ang kama, saktong sakto lang para sa aming dalawa.


Napalunok na lang ako dahil desidido na ata siyang dito talaga matutulog.



Tumalikod ako sa kanya dahil kinakabahan ako. This is different from the first time we slept together.


Ms. Prim And Mr. Improper [Completed]Where stories live. Discover now