Mistaken Identity

341 17 6
                                    

Eula

Sinasabi ko na nga ba at si Tristan ang unknown sender kaninang umaga maging ngayong gabi.

Naalala ko noon, nagprank din siya ng ganito sa akin. Hindi pa rin pala siya nagmamature, maloko pa rin.

Doon sa ikalawang message niya na I love you. And I know you love me too nayabangan ako doon kasi ang kapal naman ng mukha niyang magsabi na mahal ko siya samantalang matagal nang tapos ang lahat sa amin. Kahit pa sabihin na umaasa siyang magkakabalikan kami ay hindi pa rin siya dapat ganun ka confident na mahal ko siya.

Dahil sa konting inis na naramdaman konay medyo nawala ang kirot ng coldness ni Albert sa akin kanina.

Nabigla talaga ako sa naging attitude niya towards me. Pero inisip ko na lang na defense mechanism niya iyon dahil sa pagreject ko sa mga advances niya.

Siguro iyon na ang sign para tuluyan ko na rin isara ang puso ko para sa kanya.

Pero pagpikit ko ng aking mga mata ay ang seryosong mukha ni Albert ang nakikita ko.

Arrgghh.

Mula ngayon talagang hindi ko na siya iintidihin. Bahala na siya sa buhay niya. Wala na akong pakialam kung nagseselos siya kapag nakikipag-usap ako sa sinumang tao.

Hala, sure ka ba kasi na nagseselos talaga siya noon? Baka naman katawan mo lang talaga ang habol niya.

No! I refuse to believe na ganun si Albert.

Bahala ka. Good night, ghorl.

....

Lumipas ang limang araw na hindi kami nag-usap ni Albert. Syempre ako balik sa dati, maagang umaalis para magtungo sa ospital, minsan doon na rin ako natutulog. Pero ngayong araw ng sabado ay nagdesisyon akong umuwi sa Kalye Patay kasi ilang gabi ding walang tao doon baka maalikabok na naman.

"Eula!" boses babae.

Paglingon ko ay si Lea ang nakita kong kumakaway sa akin.

"Ang tagal mong nawala a." komento niya.

"Ilang araw lang naman. May kailangan ka ba?" tanong ko.

Imbes ma sagutin ako ay may iniabot siya sa aking isang manipis na libro.

Romance novel?

Nakakunot ang noo ko habang binabasa ang konting synopsis sa likod ng libro.

"Sineryoso mo talaga na gumawa ng nobela na kami ni Yuji ang bida?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"For me mas may chemistry kayo ni Yuji but don't tell Albert. Kasi tingin ko mas bagay sila ng kaibigan kong si Agot."

Nasaktan ako sa sinabi ni Lea pero hindi ko ipinahalata. Nasabi lang siguro niya iyon dahil alam niyang hindi kami totoong magkasintahan ni Albert.

"Ah, sige. Salamat, Lea. Babasahin ko ito." sabi ko.


"That's three hundred fifty pesos."


Ha? Akala ko ba libre ito?


"Pero dahil ikaw ang bida, fifty percent off, bigyan mo na lang ako ng one hundred seventy five."


Napangiti ako sabay iling.

Ibang klase ang taong ito. But I like her.


After kong mabayaran ang book ay tumalikod na rin si Lea dahil magbebenta muna siya sa cafe ni Yuji.



Pagdating ko sa tarangkahan ng bahay ay napansin kong nakabukas ang main door. Nagmadali akong pumanhik ng bahay sa pag-aakalang may magnanakaw.


Ms. Prim And Mr. Improper [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon