Separate Lives

336 16 5
                                    

Eula


Gising na gising na ako nang marinig ko ang tunog ng sasakyan ni Albert pero hindi na ako nag-abalang bumangon at mag-antay hanggang makaalis siya.

Kahit noong marinig ko na papalayo na ang tunog ay hindi pa rin ako natinag sa kinahihigaan ko. Good manners dictate na dapat lumabas ako at antayin man lang na makaalis siya pero hindi ko pa rin magawa.


For another hour, I spend turning and twisting on my bed because I can't catch sleep anymore, I decided to get up and face the new day.


Kahit sabihing alas kwatro pa lang nang madaling araw.

Sa loob ng dalawang linggo na magkasama kami ni Albert, nakasanayan ko na ang ipagtimpla siya ng kape at hindi ko namalayan, dalawang tasa na pala ang inihanda kong kape.

Napabuntong hininga na lang ako nang itapon ko sa sink ang laman ng isang tasa.

Hindi ko maipagkakaila na ngayon pa lang ay namimiss ko na ang presensya niya. Namimiss ko na ang mga simpleng panunukson niya at higit sa lahat ang mga morning talls namin.

And even those comfortable silence we shared.

Get ready na, may trabaho ka din na kailangang atupagin. Says a voice in my head.

Oo nga naman, kung may trabahong hindi maiwan si Albert, ganun din ako. At ngayong araw pala ako makikipagtagpo doon sa kaibigan ko na gustong mag-expand ng clinic.

Si Dr. Cecilia Soriano.

She is a pediatrician pero makikipag tie-up ako sa kanya.

According sa last na SMS niya ay andito daw siya sa Kalye Patay. Siguro may kakilala din dito.

What a small world.

...

I was about to lock the gate when I heard my phone beep.

Message from an unknown number. I frowned when I read the content, "Let me kiss your tears goodbye and teach you to spread your wings and fly."

Wala akong maisip na tao na pwedeng magsend sa akin ng ganito. Si Albert?

But Albert's number is already in my contact list.

Duh? Hindi ba pwedeng dalawa ang contact number niya?

Nagkibit-balikat na lang ako at ibinalik ang cellphone sa aking bag.

"Hi, Eula!" may bumati sa akin mula sa aking likuran. Paglingon ko, nakangiting mukha ni Yuji ang tumambad sa akin. Hawak nito sa kanang kamay ang cellphone.

Baka si Yuji.

"Nagtext ka ba sa akin?" diretsang tanong ko.

"Huh? Hindi ko nga alam number mo e. Pwedeng makuha?"

Ibinigay ko naman ang aking contact number.

"Sige, mauna na ako."

"Pupunta ka sa bayan? Sabay na tayo." alok niya at nakisabay sa paglakad. Wala na akong nagawa dahil alangan naman pagbawalan ko siya.

"Nagsara ka ng coffee shop mo today?" tanong ko para mabawasan ang awkwardness.

"Hindi. May mga tao naman ako at saka nagtatambay doon ngayon si Hadji."

"Diba lawyer si Hadji? Wala ba siyang law firm?" curious kong tanong.

"Wala. Parang...freelance, ganun." hindi siguradong sagot niya.

Pambihira namang magkapatid, hindi alam ang tungkol sa isa't-isa.

Nag-aabang na kami ng jeep patungo sa bayan ng Morguena nang biglang may humintong itim na kotse sa harapan namin.

Ms. Prim And Mr. Improper [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon