"Same." Sambit nito habang nagpupunas ng sarili.

"E, bakit nag-exercise ka pa?" nagtataka niyang tanong. Sa pagkakaalam kasi niya ay ang workout dapat ginagawa pagkagising, hindi bago matulog.

"W-wala lang." bigla itong napatigil sa pagpupunas at napatingin sa kaniya. "Basta. Just a routine."

Saglit pang napaisip si Claire kung bakit parang bigla ay defensive ito. Pero dahil hindi niya mahanapan ng sagot ang sariling tanong ay hinayaan na lang niya ang binata. Kung sabagay, ano nga ba naman ang alam niya sa routine ng isang lalake. Kaya naman ibinalik na lang niya ang atensyon sa pagtulog dahil iyon ang isa sa malaking issue na kailangan niyang linawin rito. 

"Hindi tayo puwedeng magtabi sa pagtulog," pangungunang deklara niya. "Ayoko nang may katabi sa kama. Hindi ako nakakatulog ng maayos." Iniabot pa niya rito ang hawak na kontrata para ipakita rito na isa rin iyon sa mga kundisyones na ibinigay niya. "Nakalagay rin dito na hindi tayo kailanman magtatabi matulog. Basahin mo para malinaw sayo."

"I know every detail in that contract. Ako ang mismong gumawa at nag-print niya." Kinuha ni Vince ang listahan niya at basta na lang iyon inihagis sa nightstand. "And for your information, I am also not in favor of this honeymoon. Kaya wag kang mag-asam na parang excited ako." Pagkatapos ay hinila nito pababa ng kama ang isang comforter at dalawang unan at ibinagsak iyon sa sahig. "Ayoko rin nang may katabi matulog. Hindi ako sanay."

"Nagkaka-intindihan naman pala tayo, eh." Ngunit nagulat lang siya nang bigla itong mahiga ito sa kama. "What are you doing?" nakapamewang na sabi niya. "Hoy, umalis ka nga!" saway niya rito.

"What do you think?" patay-malisay nitong sagot sabay kuha ng unan at itinakip iyon sa mukha. "Gabi na. I'm tired at inaantok na ako kaya matutulog na ako."

Agad niyang hinila ang unan na iyon at inihataw rito. "Bakit dyan ka matutulog?" taas-kilay na pagtataray niyang tanong rito.

"You mean why I wasn't on the floor?" tila nagtataka pa si Vince sa tanong niya habang pinagmamasdan siya.

"Oo."

"Because I don't sleep on the floor." Nakakunot-noong sagot nito. And then a devilish smirk curved on his lips. "Inayos ko na nga yang higaan mo diba. Ikaw ang matutulog diyan."

"What?!" Lumapit siya rito at hinataw ulit ito ng unan nang akma itong pipikit na at matutulog. "Hoy, ang kapal talaga ng mukha mong lalake ka! kung ikaw ay hindi nakakatulog sa sahig, mas lalo na ako. Ikaw naman ang lalaki kaya ikaw ang matulog sa sahig o kaya doon sa sofa!"

"This is my family's rest house. Bakit ako magtitiyaga sa sahig?" pangangatwiran pa ni Vince habang isinasalag ang kamay sa bawat hataw na ginagawa niya.

"Ah, ganun?! Hinahamon mo talaga ako sa patigasan ng ulo ha!" Walang pakialam na nahiga na siya sa kama kahit pa nga naroroon din ang binata. Dahil nakabaling sa direksyon niya si Vince, magkaharap na sila sa kama nang mahiga siya. For a while there, ganon lang sila. Magkaharap, nagtititigan. Patagalan. Matira ang matibay. "Hindi ako aalis dito, Vince."

"Neither do I." pagmamatigas nito.

"Okay, let's see." Patuloy ring pagmamatigas ni Claire. Ngunit sa ilang segundo lang na lumipas ay mukhang pinagtatraydoran na siya ng kaniyang puso, matibay nga siya pero hindi na niya matagalan ang sitwasyon nila. Idagdag pa ang panggulong tibok ng kanyang puso at ang kung ano-anong isinisigaw ng kaniyang isip. Pero bago pa siya makakilos ay naunahan na siya ni Vince.

Mahinang pinitik nito ang kaniyang ilong, "Kung ako sa iyo, sa sahig ka na lang matulog, Misis. Alam mo naman na malikot akong matulog diba. Baka kung ano ang magawa ko sa iyo habang nasa kasarapan ako ng tulog. I mean, nasa honeymoon pa naman tayo baka kasi---"

Hindi na niya hinintay pang matapos nito ang sasabihin. Alam niyang tinatakot lang siya nito at hindi siya magpapasindak. "I know what you're doing, Mister. Gusto mo lang akong takutin para umalis ako dito sa kama." Matapang na sagot niya at sabay na tinalikuran na rin ito. "Sorry ka pero hinding-hindi mo ako mapapatulog sa sahig. Malikot din ako matulog kaya tignan natin sino ang unang susuko."

"Bahala ka. Basta wag mo sasabihin na hindi kita binalaan."

Naramdaman ni Claire na gumalaw ang kama. Ilang sandali pa, nagulat at kinabahan siya nang maramdaman ang pagdikit ng hita ni Vince sa hita niya. Bigla tuloy siyang napabalikwas ng bangon. 

Nilingon siya nito at mababasa sa ekspresyon ng mukha nito na talagang balak siyang asarin nito. "Oppss... Naistorbo ba kita, asawa ko? Nakatulog na kasi ako. Akala ko unan yung napatungan ko ng hita ko."

Ang kumag na to! Talagang sinusubukan ni Vince ang pasensiya niya. Hindi man lang din ito nag-sorry, tanda na sinadya nito ang nangyari.

Bumalik si Claire sa kama at nakipag-agawan para sa mas malaking parte ng kama. Kung kanina ay kama lang ang pinag-aawayan nilla, ngayon ay pati ang unan at kumot ay pinag-aagawan nila sa kakahila. Umurong siya nang umurong at ang balak sana niya ay ihulog si Vince sa kama. Ngunit gumanti ang walanghiyang lalake. Para itong bata na ayaw talagang magpatalo. At syempre pa dahil mas malaki at mas malaks ito sa kanya, nagawa nitong maitulak siya hanggang sa gilid ng kama. Mahuhulog na siya!

She tried her luck one more time ng itulak niya ng buong lakas si Vince para ito ang unang mahulog sa kama. But maybe luck isn't on her side tonight dahil gumanti na naman ito. Buong lakas nitong itinulak ang unan na nasa gitna nilang dalawa hanggang sa tuluyan siyang mahulog sa kama.

"Aray!" Sigaw niya ng tumama ang sahig. Mabuti na lang at carpeted iyon at wooden floor ang sahig kaya hindi masakit iyon sa katawan.

Nang subukan niyang bumalik at humiga sa kama ay nakita niyang sakop na ni Vince iyon. Nakadapa ito at nakabuka ang mga kamay at paa para masigurado na wala siyang space na babalikan. At mukhang nag-e-enjoy pa ang kumag sa mga nangyayari.

"Lalaban ka pa?" nakangisi nitong tanong.

"Bwisit!" gigil na hinataw niya ito ng unan sa mukha ngunit hindi iyon ininda ni Vince. "Lamunin ka sana ng kama na yan!" irap niya rito at saka naupo sa sahig kung saan nandoon ang inihanda nitong higaan niya.

"Goodnight, Mrs. Hendelson. Sweet dreams." Then he closed his eyes back to his bed.

"Sweed dreams mo mukha mo!" 

Nanatili naman si Claire sa sahig habang nag-iisip. Hindi pa rin siya makakapayag na matulog sa sahig. Pero wala naman siyang laban sa lalaking ito kung dadaanin niya sa palakasan ang pakikipagtunggali para lang mapaalis ito at siya ang makatulog sa kama. Kailangan dito, isang fair-and-square na agreement at pakikipag-ayos. Kaya nag-isip siya ng mga puwede niyang i-offer para makuha ang gusto niya sa gabing iyon. Ngunit inabot na siya ng ilang minuto sa pag-iisip hanggang sa dalawin na siya ng antok at doon na nga siya tuluyang nakatulog sa sahig.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now