Si Daniel din ang nag-alaga at umintindi sa kaniya sa mga panahong gulong-gulo siya kung papaano ang gagawin noong nagdadalang tao siya. He protected her. He loved her unconditionally kahit nga hindi niya nasuklian ang parehong pagmamahal na iyon. Ito rin ang tumulong na makabangon siya mula sa pagkakalugmok. Luckily for him, naka-recover ito at natagpuan ang babaeng minamahal nito ngayon ng sobra-sobra. Erika fixed every inch of his broken soul, and now they are happily engaged. Bagay na higit na higit na ipinagpapasalamat ni Claire. This guy deserves all the love and kindness in the world. Daniel is that one person na alam niyang kaya niyang ipagkatiwala ang buhay niya at buhay ng mga anak niya.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka. Thank you." Humihikbing saad niya habang nagpapasalamat rito.

"Shhh... don't cry, my dear" Kumawala ito sa pagkakapayos at kumuha ng tissue. "Masyado ka ng maraming luhang nasayang, tama na, importante ang araw na to para sayo. Para sa mga anak mo. Dapat maging masaya ka." Kinurot pa nito ang kaniyang pisngi habang marahang dinadampian ng tissue ang mamasamasa niyang mata. "Wag ka na umiyak at baka masira ang make-up mo. Baka imbes na mukhang Dyosa ang haharap sa altar, matakot ang mga tao sa itsura mo."

Nasa ganoon silang akto ng biglang dumating si Vince. He's standing there looking at them intently. Iyong tingin na akala mo ay handa itong makipag-away ano mang oras.

Nagseselos ba ang lalakeng to!? Tanong ni Claire sa sarili. Pero mabilis din sumabat ang kaniyang puso. Ambisyosa! Paano magseselos? DIba hindi ka nga mahal! May kailangan lang kaya ka pinakasalan!

"Hindi mo ba alam na hindi dapat nakikita ng groom ang kanyang bride before the wedding ceremony?" saad ni Daniel sa kapatid na si Vince.

"No." Humalukipkip ito at hindi pinansin ang kapatid. Sa halip ay mataman itong nakatingin sa kaniyang direksyon at patuloy lang siyang pinagmasdan.

Naiilang na talaga siya. "Bakit nandito ka? Anong kailangan mo? Uurong ka na ba sa kasal? Natatakot ka na ba?"

"Why would I do that?" preskong tugon ni Vince with that arrogant smirk curved on his lips. "Ikaw ang inaalala ko dahil baka takbuhan mo na naman ako. May habit ka pa naman na makipaglaro ng tagu-taguan." May bahid ng pang-iinsultong saad nito. But damn, the man looks so dashing and extraordinarily handsome lalo sa suot nitong White Tuxedo.

Kung tutuusin ay may punto naman ang sinabi nito. Ilang beses na nga ba siyang tumakbo at nagtago. Pero kahit na ganoon ay naiinis pa rin siya sa presenya nito ngayon. "Hindi ako aatras, wag kang mag-aalala. Nakabihis na nga ako diba?" she said sarcastically sabay irap ditto. But he keeps on watching her at naiilang na talaga siya sa tingin nito. "Bakit ganyan ka kung makatingin? Anong problema mo? Gusto mo ba ng suntukan?"

Nagkibit lang ito ng balikat. "Nagtataka lang naman ako. Isn't it a tradition na ang mga babaeng birhen lang dapat ang puwedeng magsuot ng putting belo at putting wedding dress?"

"So?"

"Cause as far as I know you're no longer--- hey, what the fvck!" hindi na natapos pa ni Vince ang sasabihin pa sana nito dahil mabilis na lumipad sa mukha nito ang hawak niyang ballpen.

"Manyakis!" gigil na gigil niyang sigaw at saka ito binato ng naabot na rolyo ng tissue na ibinato niya rito. "Lumabas ka rito bago pa kita mapatay!"

"Oh, well." Naglakad na ito palabas at patay malisya sa nangyari. "I'll see you at the altar."

Nanggigigil si Claire dahil pakiramdam niya ay nainsulto siya sa sinabi ng hinayupak na lalake. Itinaas niya ang laylayan ng kanyang gown at hinubad ang sapatos. Pagkatapos ay malakas niya iyong ibinato iyon kay Vince. Tumama ang sapatos sa likod ng lalaki.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now