LOA S4 Part 96: Madilim na Mundo

Magsimula sa umpisa
                                    

"Naku final battle na talaga to Narding! Na f-feel ko na ang pressure." hirit ni Cookie.

"At may malaking problema pa, sa ngayon ay mayroon daw hukbo na parating sa ating solar system. Iyon lang yung mga narinig ko sa report ni Kapitan Juho." ang dagdag pa nito.

"Kailan tayo pupunta?" tanong ko.

"Nandyan na ang sasakyan. Kailangan na tayo doon." sagot niya.

"Kumain na muna tayo. Nagugutom na ako. Ayokong mastress ng todo sa meeting na iyan." wika ni Bart sabay lagay ng kanin at ulam sa plato.

"Kumain muna, kailangan natin ng energy para sa bakbakan na to! Baka hindi nanaman ma disect ng utak ko yung pag uusapan ng meeting. Buti nalang shungaloo rin si Tibur no."

(Naubo si Tibur habang umiinom ng kape at naibuga ito sa katabi.)

Bandang alas 2 ng hapon noong sumakay kami sa helicopter nila Nai upang mag tungo sa Isla ni Duran. Habang nasa byahe ay natingin lang ako sa ibaba kung saan makikita ang payak na pamumuhay ng mga tao sa paligid. Mababa lamang ang aming lipad, delikado kung taas pa dahil napapadalas ang matatalim na pag kidlat. Halos hindi na rin ordinaryo ang karagatan, parang may mga delubyong parating na hindi ko maunawaan.

Nadadaanan rin namin ang mga islang may mga evacuees. Ang mga pamilya nag tayo nalang ng mga kubo at tent panlaban sa ulan at sikat ng araw. Nasa 30 pamilya ang naka tira sa mga isla at protekdo ito ng barrier upang makaiwas sila sa sakuna. "Sampung isla na iyan ay may mga shield, kung maka detect ito ng panganib katulad ng bagyo, tsunami o kahit ang pag salakay mula kalangitan ay kusang mag aactivate ito. Ang barrier ay katulad rin sa mga sasakyang pandigma ng mga dayuhan sa kalawakan. Lahat ay kinuha nila Gun Duran at inaral para magamit natin." ang paliwanag ni Nai habang pinag mamasdan ang ibaba.

"Parang ang saya saya dyan, feel ko pa namang maging si Moana ngayon." ang hirit ni Cookie sa likod.

"Nga pala, kuya Narding. Anong pag babago ang naganap sa iyong katawan noong mawala si Rashida?" tanong ni Nai

Tumingin ako sa bintana. "Wala naman. Nasa akin pa rin ang bato ni Nardo, pero wala ang gintong kalasag. Wala na rin ang tinig ni Rashida, wala na akong gabay ngayon. Ang lahat ay naka depende na sa akin." ang sagot ko.

"Lalong bumaba ang tiyansa nating manalo sa Alpha." sagot ni Nai.

"At bakit bababa? Malalakas kayo, basta ang laban ng isa ay laban ng lahat. Mananalo tayo. Last na to!" ang hirit ni Cookie.

Makalipas ang dalawang oras ay narating namin ang Isla ni Duran, dito ay agad naming nakita ang Barko ni Juho na nakaparada sa likod ng lab. Pag baba namin ay agad na sumalubong sina Jorel at Ace.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Jorel.

"Buti nga nag punta pa kami, like na nga namin ng peaceful life e. Pero pag naiisip kong namimiss ko ang kagwapuhan mo e ginaganahan ako." hirit ni Cookie.

"Talaga ba? Salamat pare ha."

"Pare talaga? Ikaw talaga papa Jorel." malanding tugon niya.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay lumabas naman sina Irano at kapitan Juho, nakipag kamay ito sa amin. Niyakap rin ako ni Juho at ginusot ang aking buhok. "Nabalitaan ko ang nangyari sa sagradong sandata ni Rashida. Huwag kang mag alala dahil gagabayan ka pa rin niya kahit anong mangyari." ang wika nito.

"Nandito naman ako, ako ang bahalang mag protekta kay Narding." ang sagot ni Bart sabay akbay sa akin.

Natawa ang kapitan at nakipag kamay siya kay Bart.

"Tayo na sa loob, mag sisimula na ang meeting. Nag dala pala ako ng mga seafoods, nandoon na kusinero, niluluto." naka ngiting bungad naman ni Irano.

Pag pasok namin sa loob ay agad nag kita sina Tibur at Cookie. Nag beso beso pa silang dalawa pero hindi naman nag dikit ang mga mukha pag katapos ay kapwa umirap sa isa't isa. "Kapaplastic naman nito. Ke papangit eh." ang bulong ni Nai tapos ay tumawa sila ni Ace ng palihim.

Naupo ulit kami sa harap ng monitor at dito ay lumabas sina Doc Sam at Gun Duran. "Patawad at inistorbo namin ang inyong pag papahinga. Alam kong hindi pa kayo nakakabawi ng lakas mula sa huling labanan ngunit ang mga bagay na ito ay hind na makapag hihintay pa." ang wika ni Gun at maya maya ay tumayo naman si kapitan Juho at kinuha ang mga data na nakasave sa kanyang suit.

"Una sa lahat nais ko ring manghingi ng tawad kung wala ako sa labanan doon sa Diyos na si Isayas. Ako kasi ang ipinadala ni Gun Duran at Doktor Sam upang mag patrolya at umikot sa kalawakan upang hanapin ang kinaroroonan ng Alpha.

Gamit ang advance na teknolohiya ng Planetang Murama, isa ito sa mga planetang tinirhan ko noon bago ito sumabog at gunawin ng Diyos na si Yukzi ay kinuha ko ang kanilang mga advance na sandata at kalasag na pandigma. Dito ay nadiskubre nina Doc Sam na may kakayahan ang teknolohiyang iyon na makagawa ng accurate ng guider counter o tracker upang makita ang kinalalagyan ng pinaka malakas na pwersa sa kalawakan. At ito ang ginamit ko upang matukoy ang kinalalagyan ng Diyos na Alpha. Halos malayo rin ang aking nilakbay upang makatuklas ng impormasyon at ang nakakatuwa ay hindi naman ako nabigo." ang wika niya.

"Kung ganoon ay gaano kalayo ang kinalalagyan ng Alpha?" ni Irano.

"Hindi malayo. Dahil nandito lamang siya sa ating paligid at naka masid!" ang seryosong sagot ng kapitan.

Maya maya ay tumayo si Cookie at sumeryoso ang mukha. "Sinasabi ko na nga! Isa sa atin si Xeno Alpha! At iyon ay IKAW!!" ang sigaw nito sabay turo kay Tibur. "Akala mo maloloko mo kami Sinon? Alam kong ikaw si Alpha at nag tatago ka lang sa anyo ng isang bortang bakla! Akala mo ba ay hindi ko nahahalata na sa tuwing labanan ay lagi kang nawawala! Katulad noong lumaban tayo sa mga asong halimaw, nawala ka sa aming paningin at pinabayaan kami! Sinasabi ko na nga ba! May spy tayo dito! Saan mang gubat ay may ahassssssshhh!!"

"Hala! Bakit ako? Kaya ako nawala noong huling labanan sa mga asong halimaw kasama ang sang kabaklaan ay dahil nag hanap ako ng tubig! Dry na dry ang costume ko at walang ka kisap kisap. Bakit hindi natin natungin si Kapitan Juho dahil SIYA si Xeno Alpha! Akala mo ba ay hindi ko napapansin na lagi kang wala sa mga fight scenes? At ikaw ang naka hanap kay Xeno Alpha dahil siya ay walang iba kundi IKAW!!" ang wika ni Tibur.

Pumalakpak sina Ace at Nai sa likod. "Galeng galeng!" ang natatawang hirit nila.

"Ofcourse, hindi niyo ba alam na ako ang tinaguriang Little Miss Detective noong elementary dahil nasolve ko ang case ng nawawalang panty ng teacher namin." pag mamalaki ni Tibur.

"Nawala ang panty ng teacher niyo dahil suot mo ito! Bakla ka, sige hulihin na si Tibur at Kapitan Juho, alin sa kanilang dalawa ay si Xeno Alpha!" ang sagot ni Cookie.

"Teka ano bang sinasabi ninyo? Siyempre ay hindi ako si Alpha. Hindi niyo ba alam na halos ilang system rin sa kalawakan ang aking nilakbay upang matagpuan siya. At dito ay napag alaman ko na siya ay malapit lamang atin. Ano mang oras ay maaari niyang pasabugin ang buong mundo. Dahil si Xeno Alpha ay nandito lang sa ating itaas. At nandito lang siya palagi, sa buong buhay natin ay naka tunghay siya, sa tuwing tayo ay matutulog ay naroon din siya! Sa tuwing tayo ay gumigising ay nakatanaw pa rin siya sa atin.

Dahil si Xeno Alpha na naroon sa buwan." ang wika ni kapitan Juho habang gumagapang ang kilabot sa kanyang balat.

Itutuloy..

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon