"Amanda asked me a favor to check if everything is well." kibit-balikat na sagot ni Vince sa kaniya.

Hindi alam ni Claire kung maniniwala siya sa sinasabing iyon ni Vince pero naisip rin naman niyang ano pa nga bang ibang maaaring reason para dumalaw ito roon? Wag kang feelingera, hindi ikaw ang ipinunta niyan! Hindi ka dyosa! Malaking event ang hawak mo kaya talagang pupunta yan para mag-check dahil pangalan ng Hendelson ang malilintikan pag nagkamali ka! Malakas na pangangatwiran ng isang bahagi ng utak ni Claire.

"Okay naman lahat, don't worry." simpleng tugon niya rito.

"I see, sounds good." tipid na tugon nito. At nang mapansin na mayroon ibang tao sa kanilang paligid ay saka nito binaling ang pansin doon. "Have you guys had lunch already?" tanong niya sa mga ito ng may ngiti sa labi.

Tignan mo tong hinayupak na to! Pag ako ang kausap akala mo parang tuod na walang ekspresyon sa katawan, tapos kapag ibang tao ang kausap akala mo Prince Charming na ubod ng sweet! Kaltukan ko kaya to ngayon?! Pigil na reklamo ni Claire sa sarili.

"Kakain pa lang po, Sir." magalang na tugon ni Lina.

"Inaantay lang po naman si Ms. Claire dahil sasama daw po siya." sagot naman ni Tin.

"Opo, ililibre daw po niya kasi kami." muling pag-uulit na sambit ni Ivan habang ang mata ay halatang di maalis sa labis na paghanga kay Vince. Nakakaaliw tuloy itong tignan ngayon.

"Can I join?" tanong ni Vince sa mga ito.

"Oo naman po, Sir!" sabay-sabay at labis ang excitement na tugon ng mga ito.

"Kahit buong taon pa tayo kumain Sir Vince, hindi kami magsasawa, diba Ivan?" baling ni Duki kay Ivan. Pareho kasing bakla ang dalawa kaya't halatang may bahid ng kaunting green joke ang sambit ng mga ito. Bagay na siguradong hindi naman mage-gets ni Vince.

"Yes, sis! Nakakagutom! Parang gusto ko nga ng hungarian sauge, yung malaki! Rawr!" sagot n Ivan na may halo pang malanding expression. Nagkatawanan tuloy silang lahat doon.

Sinabayan pa iyon ni Duki, "I want banana! Yung imported! Yung mabubulunan ako... ohhhh... tapos gatas na malapot... grrrrhhh!" 

"Wait, what?" inosenteng reaksyon ni Vince.

Nang masdan ni Claire ang mukha ni Vince ay halatang walang kamalay-malay ito sa sinasabi nina Duki at Ivan. Kaya tuloy pati siya ay hindi na napigilan ang pagtawa dahil sa mga sinasabing iyon ng dalawang kwelang staff.

"Hoy, tumigil kayo, baka mamaya maligwak tayo dito! Magets bigla yang mga kuda niyo." saway ni Pamela sa dalawa ng pasimpleng panlakihan ng mata ang mga ito.

"Baka mapahamak pa tayo, tara na nga sa labas muna, hayaan muna natin sila baka may pag-uusapan." pag-aaya ni Lina sa mga kasama.

Paglabas ng mga staff ay saka lang nakapag-usap sina Vince at Claire.

"Bakit narito ka?" ulit na tanong niya sa binata.

"Like I said, Amanda asked me to pay a visit." pag-uulit lang din nito sa naunang sagot.

"Nakita mo naman, maayos naman lahat. So, pwede mo na kami iwan." pormal pa ring sagot niya rito. Kung awkward silang dalawa kapag sila lang ang magkasama, mas naiilang pa sila lalo kapag ganoong nasa pampublikong lugar sila pareho.

"We're having lunch with your staff, aren't we?" paalala ni Vince sa paanyayang lunch out.

"I'm having lunch with them..." taas kilay na pagtatama niya rito, "Me and them. Hindi ka kasali doon."

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now