LOA S3 Part 69: Pangamba

Mulai dari awal
                                    

Lumapit ako para usisain ang naturang kanaganapan iyon pero walang kahit ano dito maliban sa isang itim na batong lumutang sa ere.

Maya maya bumaba ako sa pag lipad at pinag masdan ang bato. Mula sa aking kinatatayuan ay nakita kong humaba ang aking sariling anino. Humiwalay ito sa aking katawan at dito ay nag karoon ito sariling hubog, katawan, at buhay.

Mula sa pagiging anino ay lumutang ang itim na bato at isinahod niya ito sa kanyang kamay.

Tahimik..

Ang mga sumunod na pangyayari ay labis kong ikinagulat. Hinawakan niya ang bato at nilunok niya ito..

Nag liyab ng itim ang kanyang katawan at saka lumipad patungo sa akin. Niyakap niya ako dahilan para mapa atras ako. "Nandito na ako Narding, akin ka lang ha. Ngayong dumating na ako ay pwede na tayong mag laro. Papatayin kita Narding. Dudurugin kita at hindi kita hahayaany mabuhay." ang wika niya.

Sa pag kabigla ay itinulak ko siya at agad akong dumistansiya. "Lumayo ka sa akin! Sino ka at saan ka galing?" sigaw ko.

"Narding, sayo ako galing. Nilikha ako para sa iyo." ang wika niya at maya maya nag tatakbo siya patungo sa akin. Nag liwanag ang kanyang kamay at sinakal ako ng todo. "Tamaaa naaaa! Lumayo kaaaaa!!" ang sigaw ko at sabay balikwas ng bangon..

Pati si Bart ay nagising..

Alas 7 na pala ng umaga. "Ano bang nangyari? Nanaginip ka ba? Shit! Late na pala ako!" ang wika niya tumayo ito sa aking harapan, naka hubot hubad at matigas ang ari. "Narding, ayos ka lang ba? Bakit ba balisa ka? Anong napanaginipan mo?" tanong niya.

Natahimik ako at umiling. "W-wala. Siguro ay nastress lang ako." ang sagot ko. Hinalikan niya ako sa labi at saka kinuha nag tuwalya sa pinto. "Darating naman sina Irano dito mamaya. Diba ay may lakad kayo? Mag enjoy ka at mag saya." ang wika niya.

"Huwag na kayong tumuloy? Dito nalang ako." ang sagot ko.

"Naka OO na sa kanila. Saka sino naman ang kasama mo dito? May pictorial ko doon sa kabilang siyudad. Dalawang araw kami doon sa site kasama ang ibang modelo. Alam mo kaya ka nananginip ng kung anu ano ay stress ka at masyado kang naka focus sa mga nangyari noong misyon. Tapos na iyon ay nag tagumpay tayo." wika niya habang nag tatapis ng tuwalya sa bewang.

"Bart, kailangan ba talaga ay umalis? Huwag kana kaya tumuloy doon?" tanong ko.

Natawa siya. "Sayang naman yung pera, saka malaki laki rin iyon. Pag nakuha ko iyon huwag na kayo mag tinda ni Cookie. Sawa yung mga tao sa pritong manok at ihinaw na hito." ang wika niya sabay pasok sa banyo. Ako naman lumabas ng silid, dito ay naabutan ko si Cookie na inihahanda ang aming mga gamit.

Noong nag karoon nag pag sasalo salo ang mga miyembro ng liga ay nag kayayaan na mag libot ang grupo sa malayong isla. Parang pinaka bonding na rin namin iyon, na akin namang tinanguan.

Nag tungo ako sa kusina at nag prito ng itlog at tocino. Tuwing umaga kasi nakasanayan kong ipinag luluto si Bart bago ito umalis. "Narding, pumili ka nga kung anong gown ang dadalhin, etong phoenix gown o lava gown?" ang tanong ni Cookie.

"Beach yung pupuntahan, bakit ka naman mag ggown?" tanong ko

"Para bonggabels ako. Pero sige na nga eto nalang swimsuit ni Catriona ang dadalhin ko." ang excited na wika niya sabay silid ng mga gamit sa bag.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay lumabas si Bart. Naka bihis na ito at may sukbit na bag sa likod. "Kumain ka muna."

Lumapit ito sa akin at humalik sa labi. "Late na ako. May tinapay ako dito sa bag, mag ingat kayo ha. Mag enjoy ka. Tatawag ako agad sa iyo pag dating namin sa site."

Tumingin ako sa kanya at tumango bilang tugon. '"Mag ingat ka. Tumawag ka agad." wika ko sabay halik ulit sa kanyang labi.

"Ano ba iyan, mga aabroad ba? Hello dyan lang sa kabilang bayan mag tutungo si Papa Bart. Ang OA mo Narding ha." ang pag basag ni Cookie.

"Ikandado niyo itong bahay, baka maya maya ay may pumasok na drug adik at looban tayo." bilin niya sabay para sa taxi at agad itong sumakay.

Alas 11 ng umaga noong dumaan sina Irano, Tibur, Nai at Ace. Nakasakay sila sa van na pag aari ng Natchakal. Agad naming isinakay ang aming gamit sa loob ng sasakyan. "Teka nasaan si Papa Jorel? At parang kulang ang powerpuff?" tanong ni Cookie.

"Waley ang mag kuya. Alam mo naman si Pogi (Jorel) hectic ang sked, kaliwa't kanan ang achuchu sa showbiz. Isinama niya si Jonas doon sa lakad niya. Si papa Cyan naman ay nag aalaga ng anak niya at nandoon sila ngayon sa Araknia." ang paliwanag ni Tibur nasa front seat ito, naka suot ng sumbrero at salaming kulay pink. Sa ikalawang hanay ay naroon si Nai at Irano na natutulog pa. Sa likod naman ay mag katabi kami ni Cookie.

"Hoy Astro, may lisensiya ka ba? Ang bata bata mo pa para mag drive! Jusko." ang hirit ni Cookie.

"Hindi naman ako nag ddrive kuya, hightech itong van. Bagong product ito ng Natchakal. Pinuslit lang namin ito ni Nai sa stock area ng kompanya. Automatic ito kaya kahit matulog ako o kumain kay kusa itong aandar." ang sagot ni Ace habang yakap ang isang malaking popcorn at kumakain ito. Nakataas pa ang paa sa manibela.

"Ang ibig sabihin ay pinuslit niyo itong sasakyan nf di nag papa alam kay Rui?" tanong ni Cookie.

"Oo. Sige Astro! Start mo na!!" ang wika ni Nai at pinindot ni Ace ang buton saka ito kusang umandar sa mabilis na takbo. Tuloy lang sa pag kain si Ace, paminsan minsan ay humaharap pa ito sa amin para mag alok.

"Pupunta tayo sa probinsya ng lola ko sa Balrik ang tahanan ni White Beki. May magandang beach doon kung saan ang mga kababalaghan ay nagaganap! Matulog muna kayo dahil 8 oras pa ang byahe patungo doon." sagot ni Nai.

"Saka wag kayo maingay dahil natutulog si Irano, pagod siya dahil nag wild sex sila ni papa Cyan kagabi." sagot ni Tibur sabay lagay ng foundation sa mukha. Naka spaghetti strap pa ito at putok na putok sa laki ang kanyang braso dahilan para mapa duwal si Cookie.

"Nakita ko iyon, duduwal duwal pa to e ang chaka mo naman." ang sagot ni Tibur, sasagot pa sana si Cookie pero binusalan ko nalang ang kanyang bibig para hindi na humaba ang pag tatalo.

Tatlong oras ang nakalipas..

Ang lahat ay nagising.. Nag inat pa si Ace sa front seat at icheneck ang aming destination. "Malayo pa, saka dadaan pa tayo matatarik na bangin." ang wika nito habang umaalog alog ang sasakyan.

"Bakit ba naman kasi hindi nalang tayo lumipad? May mga powers naman kayo diba?" ang tanong ni Cookie

"Syempre pa ordinaryong tao, pa anik anik na mingle mingle sa ordinary people. Ganun talaga ang mga superheroes, low profile, low life at low quality sila." ang wika ni Tibur dahilan para mapakunot ang noo ni Nai. "Parang na yata yung low life at low quality?"

"Huwag mo na pansinin, mema lang iyang si vakla." tugon ni Cookie.

Dumaan kami sa katakot takot na bundok, mga mataaas na bangin, hilong hilo ako, nais ko nalang bumaba at liparin ang bayan ng Balrik kung saan man iyon.

Oras ng hapunan ay bumaba kami sa isang fastfood at kumain. Syempre ay napalaki ang bill namin kay Ace dahil malakas itong kumain at lahat ay inorder. Mabuti nalang at kinupit rin ni Nai ang pitaka ng kuya niya kaya nalibre kami sa gastos.

Alas 2 ng umaga noong kami ay makarating sa tahanan ng lola ni Nai. Ito ang katahimikan na miss ko sa buhay probinsya. Kahit na madaling araw na ay masaya pa rin kaming sinalubong ng mga kasambay.

Sa balkuhane palang ng tahanan ay kapansin pansin na ang mga baso ng tubig naka hilera sa pintuan. May mga kandila pa, asin at bawang.

"Lola ano to? May aswang ba?" tanong ni Nai.

"Naku bilisan ninyong pumasok at delikado dito sa labas. Ang mga iyan ay pangontra sa mga banutok. Huwag kayong maingay dahil maririnig nila kayo. Pasok na, mabilis kayo." ang wika ng matanda at agad nitong sinara ng pinto.

Tumingin sa amin si Nai at ngumisi. "Sabi sa inyo, masaya dito."

Itutuloy..

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang