LOA S3 Part 67: Masayang Araw

Start from the beginning
                                    

"Wow, sarap!" ang wika ni Ace sabay abot ng pera kay Cookie, puro barya pa ito at naka lagay sa kanyang coin purse. Isa isa pa itong binilang hanggang sa makabili ng apat na pirasong manok.

"Alam mo ang cute cute mo pero ang kuripot mo. Ang yaman yaman niyo tapos puro baryang piso ang pera mo?" hirit ni Cookie.

"May kanin kayo? Eh ayaw ni kuya Sam na humahawak ako ng pera dahil madumi daw iyon." ang sagot nito.

"Madumi ang pera pero masarap ito lalo na kapag marami. Kung nadudumihan kayo sa pera ay itapon niyo sa akin para maging isang Aluguryon na ako." ang hirit ni Cookie. "Teka ikukuha kita ng kanin."

Napansin ng mga tao sa paligid ang pag dating ni Jorel kaya lahat sila ay nag panic at pinag kaguluhan na ito. At dahil dito ay siya na rin ang nag benta sa aming mga tinda. Ang lahat ay may hawak na camera at nag papakuha ng larawan sa kanya. Halos kanina ay puno pa ang aming mga lalagyan, pero makalipas ang 2 oras ay ubos na ito at may humahabol pa na mga estudyante.

"Ubos na! Ayos. Maaari ko na bang sabihin ang aking pakay?" tanong ni Jorel.

"Pakay? Nais mo akong yayaing makipag date sa iyo? Hindi maaari baka magalit si Hideo." ang wika ni Cookie

"Hideo? Sino naman iyon?" tanong ko.

"Edi yung karibal ko sa pagiging Aluguryon." sagot ni Cookie.

"Hindi ka yayayain ni kuya Jorel makipag date. Pinapasundo kayo nina kuya Sam." ang wika ni Ace habang nag titinga.

"Ano to? Misyon nanaman? May portal? Groupings nanaman? Match making? Ayaw na namin niyan. Pass muna, may pilay si Narding at na virgin ulit siya kagabi ni papa Bart. Hindi siya makakapag lakad ng maayos!" ang hirit ni Cookie.

Natawa si Jorel. "Ayaw ko na rin ng ganoon. Nakaka trauma diba? Pero masaya! Nag handa ng isang salo salo sina Gun upang ipag diwang ang tagumpay ng ating misyon at lahat tayo ay naka uwi ng ligtas. Saka may meeting tayo, diba member ka ng liga?" ang naka ngiting tanong ni Jorel.

"Hindi na ako member kasi nga Aluguryon na ako." ang pag tanggi ni Cookie.

"Okay sige maiwanan kana. Siguro si Tibur nalang ang magiging star doon dahil wala kana." ang hirit ni Ace dahilan para mag bago ang hangin. "Narding, gumayak kana, bakit ba kasi nag iinarte ka pa? Lets go!!" ang wika nito kaya napailing nalang kami.

At iyon nga ang set up, agad kaming sumama ni Cookie kina Jorel at Ace. Dinaanan na rin namin si Bart sa kanyang trabaho at pati ang kapatid ni Jorel na si Jonas na noon ay nag retreat sa kabilang bayan. Tumulak kami sa paliparan

kung saan naroon ang helicopter nila Nai kasama ang kanyang kapatid na si Rui bilang aming piloto, ito ang sasakyan upang makarating sa lab nila Gun.

Habang kami ay tahimik na nakamasid sa bintana ay wala namang kasing ingay sina Ace, Nai at Jonas sa likod. Lahat ay nakatutok sa cellphone at nag lalaro.

"Mag kaka kilala ba kayong tatlo?" tanong ni Cookie sa mga ito.

"Oo naman kuya. Nag kakila-kilala kami sa meeting ng Natchakal company. Si kuya Jorel ay endoser at ang kuya naman ni Ace ang supplier ng produkto." ang naka ngiting sagot ni Jonas.

"Eh bakit ikaw lang yung walang powers sa inyong tatlo? Sana powerpuff kayo diba?" tanong ni Cookie habang naka ngisi.

"Super naman si Kuya Jorel kaya okay lang. Saka bakit ikaw lang yung panget?" ang pang aasar ni Jonas.

"Aba e hindi ko alam." ang tugon ni Cookie.

"Edi hindi ko rin alam yung sagot." ang hirit ni Jonas.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSWhere stories live. Discover now