LOA S2 Part 62: Ang Kataas taasang Ama

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tama na Enki." ang wika ni Baal.

"Mga taksil. Itinakwil ninyo ang kalooban ng ating ama. Anong klase kayong mga anak." ang wika nito.

"Hindi namin itinakwil Enki, nag kataon lang na napamahal kami sa aming mga nilikha kaya't mas pinili namin na ipag tanggol ito. Noong mga bata tayo, parati mong sinasabi sa amin ni Baal na lumikha kami ng mga nilalang na naayon sa ating wangis dahil nais mong dumadami ang ating mga lahi. Habang nililikha ko ang mga planetang iyon ay parati kong inaalala ang mga bagay na itinuro at ipinag kaloob mo sa akin bilang nakakatanda kong kapatid. At maniwala ka man o sa hindi ay ikaw ang inspirasyon namin ni Baal para mahalin rin ang aming mga nilikha na katulad ng pag mamahal na ipinapakita mo sa amin noong tayo ay mga bata pa.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malilimot ang araw na namili si Ama kung sino sa ating walo ang gagawing taga paslang at taga hukom ng kalawakan. Ang nais ni ama ay kami ay Baal ang maging taga paslang ngunit sinuway mo ito at hindi ka pumayag sa kanyang nais dahil ayaw mong madungisan ng dugo ang aming kamay. Kaya't sa halip na kami ang maging kriminal ay ikaw ang gumawa noon para sa amin. At sa halip na ipasa mo sa amin ang iyong abilidad sa pag patay ay ibinigay mo ito kina Senbon at Yukzi." ang wika ni Rashida

"Enki, huwag mong isipin na kalaban kami. Ikaw pa rin ang aming kapatid at kahit ano ang mangyari ay hinding hindi mag babago iyon. Kami ni Rashida, tayong tatlo ay mag kasama samang muli sa iisang paraiso. Pangako." ang wika ni Baal at dito marahan niyang inalalagyan ang kamay ni Enki para ibaba ang espada nito.

"Sinusunod ang kagustuhan ni ama. Ang kanyang utos ang mahalaga sa lahat. Kaya't galit ako sa inyong dalawa dahil hindi niyo sinunod ang aking kalooban." ang galit niyang sagot.

"Dahil ginusto naming maging masaya at maging malaya. Iyon ang mga bagay na pinangarap namin na kasama ka ngunit si Ama, masyado niyang binulag ang iyong isipan kaya hindi mo na nakita at naramdaman na ikaw ay nabuhay ng masaya." tugon ni Rashida.

"Hindi totoo ang mga sinasabi ninyo! Nilalason niyo ang aking isipan!" sigaw ni Enki.

"Hindi namin magagawa iyon! Enki, kailangan ka huling ngumiti? Kailan ka huling beses na naging masaya?!" tanong ni Baal.

Hindi naka sagot si Enki..

Maya maya ay nag wika siya "noong gumawa tayo ng maliit na bituin, noong sama sama tayong nag kulay ng kalangitan. Iyon lang ang natatandaan ko. Ngunit ang kaligayahan na iyon ay nawala dahil tumalikod kayo sa kalooban ni Ama!" ang sagot niya.

"Tumalikod kami hindi para iwan ka o kalabanin. Tumalikod kami sa kanyang kalooban dahil gusto naming mabuhay ng malaya." ang tugon ni Baal.

"At ngayon lahat tayo ay nabigo! Sina Senbon, Yukzi at Ugigi ay wala na rin! Tayo ay ang mga anak ng kataas taasang ama na bumigo sa kanya!" ang galit na sigaw nito.

"Hindi ko masasabing pag kabigo ang aking ginawang pag lisan o ang aking pag kamatay dahil ginawa ko ito para sa aking sariling kagustuhan. Masasabi lamang na bigo ang isang bagay kung hindi mo nakamtam ang kaligayahan na nais mo." wika ni Rashida.

"Hindi kami nabigo Enki, dahil hanggang ngayon ay nandito pa rin ang Earth at ang Sumerya (Dating pangalan ng Iranya, Araknia at Sarangia noon isang lupain palang ito at hindi pa nahahati sa tatlo). At ang papasalamat kami naging instrumento ang dalawang lalaking ito na ngayon ay nag aagaw buhay para lamang mapanatiling maayos ang aming nilikhang lupain." ang wika ni Baal.

"Oo nga't nakakalungkot na patay na sila Senbon at iba pa. Pero ang lahat ng ito ay parte lamang ng plano ni ama." ang tugon ni Rashida.

"Parte ng plano? Anong ibig mong sabihin?" pag tataka ni Enki.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon