Nakatitig naman si Yukki sa dalawa ng may ngiti sa kaniyang mukha.
'they're so lively.'

••••••

"Ano na ang balak mo ngayon?" Tanong ng babae kaharap ang pinsan nito ngayon na taimtim na nakatitig sa laptop na may larawan ni Yukki.

"We can still wait, mapapasa'kin din naman ang taong ito." At napangisi ang taong ito habang nakatingin lang ang babae sa kaniya.

••••••

"Mahal!" Sabay yakap ni Dean kay Dexter matapos mabuksan ang pinto. Pinapasok ito ni Dexter si Dean sa loob na kung saan naghihintay si Yukki at Vienne.

"Dean, ito nga pala si Yukki at Vienne. Sila ang tumulong sa akin." Pagpapakilala ni Dexter dito at nakipag-kamayan ang mga ito.

"Salamat sa inyo at tinulungan niyo 'tong si Dexter. Hindi ko alam ang gagawin kung sakaling magkahiwalay kami." Aniya. "Wala iyon, natural lang naman na tulungan ang isang kaibigan." Sabi ni Yukki nang nakangiti.

"Ano na pala ang plano niyong dalawa?" Hinawakan ni Dean ang kamay ni Dexter at ito ang nagsalita.

"I planned na maghahanap muna kami ni Dean ng matitirhan malayo dito and if worse cast happened, we will travel outside the country." Napatango na lamang si Yukki sa nasabi nito.

"If you want guys, may kaibigan ako sa Bataan, you can stay there." Pag-suggest ni Vienne sa mga ito.

"Thank you, Vienne."

"You're welcome. So, kailan niyo balak umalis?"

"Baka bukas narin."

"Okay, we will help you to buy things na kakailanganin niyo sa biyahe." Napangiti naman ang dalawa at pinasalamatan muli si Vienne.

Matapos ang pag-uusap nila ay umalis na si Dean. Dahil baka mahalata ang mga ito kung wala ito sa bahay at nag-iingat din dahil baka may sumunod dito.

"You're so lucky to have him by your side." Sabay tabi ni Yukki kay Dexter na nakakupo ngayon sa Sofa at kumakain ng ice cream.

"I know, and someday you will have that someone." Tinignan ito ni Dexter nang may ngiti.

"I don't know if I'm ready to be in relationship."

"You will be, kapag nakita mo na siya." Napangiti na lamang si Yukki dito.

••••••

"Mag-iingat kayong dalawa sa Bataan." Sabay bigay ni Yukki ng bag kay Dexter.

"We will, kayo rin, mag-ingat rin kayo dito. At ikaw, Vienne. Ingatan mo siya." Inakbayan naman ni Vienne si Yukki na kinatingin nito sa kaniya.

"I will. Goodbye." Sabay paalam sa dalawa na umalis.

Nakatingin naman ang dalawa sa kotseng pawala na at nagkaroon nang awkward silence sa pagitan nila.

"Uh.." hindi alam ni Vienne ang sasabihin dahil nakaakbay parin ito kay Yukki.

"Let's go inside?" Tumango na lamang si Vienne at tinanggal ang pagkakaakbay nito.

"Ay oo nga pala. Yukki, bukas wala ako dito. Baka sa isang linggo pa ako makabalik." Napatingin naman si Yukki dito ng may pagtataka sa mukha.

"Bakit?" Napabuntong-hininga naman si Vienne bago nagsalita muli.

"Aasikasuhin ko kasi ang annulment namin. Gusto ko bago lumabas ang bata ay annulled na kami ni Yura." Page-explain mi Vienne dito.

"Gano'n ba? Sige."

"Okay ka lang ba na mag-isa dito?" Tinaasan naman ito ng kilay ni Yukki si Vienne at napangiti.

PretendWhere stories live. Discover now