QOS: QUADRAGINTA SEPTEM

Magsimula sa umpisa
                                    

"And you believe him?"

"Yes."

Binuksan na ni Snow ang pinto.

"Paano ka nakakasiguradong hindi ito isang patibong para sa'yo ni Pestilence?"

Napahinto ang dalaga. Bumalik na naman ang bangungot na pilit na niyang kinakalimutan. A black ribbon, a pair of red eyes, and an arrow pierching through her heart.. 'Damn it. This isn't the time to remember that, Snow!' Mabilis siyang umiling at ngumiti nang pilit sa clockmaker.

"Wala akong kasiguraduhang hindi ito isang patibong, pero panghahawakan ko ang ipinangako ni Pestilence.. just this once, I want to put my faith in him. I  want to trust him, because I'm tired of always judging his intentions."

Dahil iyon ang totoo.

Tuwing aalalahanin ni Snow White ang sinseridad sa mga mata ng horseman, she can't help but feel a little guilty---okay, maybe a lot guilty. Ramdam niyang nagsasabi ng totoo ang binata at malinis ang intensyon niyang tulungan si Snow White. And after days of creating a barrier between them, just this once Snow wants to fully trust him.

"Survive and find happiness, my queen."

Ash gray eyes.

There's a small voice in the back of her head that's telling her it's worth it.

Anupaman ang koneksyong nararamdaman niya sa pagitan nila ni Pestilence, kailangan niya itong panghawakan.

Huminga nang malalim si Snow White. The doorway led her to a staircase that takes her out of the underground hideout. Namalayan na lang niyang tumatakbo na siya papalayo sa lungga ng Four Horsemen of the Apocalypse. Snow White, with her clockwork baby and Mr. Remi Boswell's spirit, fled to the nearby dead forest under the starless nightsky.

Hindi siya huminto.

Kinabisado na niya ang mapa ng Underworld. Alam niyang sa kabila ng kagubatang ito na napapalamutian ng mga patay na sanga at itim na mga bulaklak, mahahanap niya ang daan pabalik sa palasyo ni Hades.

"Malapit na ako.."

With every step she took, Snow White felt the gush of cold wind and the pounding of her heart against her chest. Malapit na niyang makasama muli ang deadly sins---at sa pagkakataong ito, handa na siya sa anumang sakit na maaari niyang maranasan kapag tuluyan na siyang nakalapit sa kanila.

'Because they are worth the pain.'

Minsan, kailangan nating magsakripsyo para sa mga taong mahalaga sa atin. Maisasawalang-bahala natin ang anumang sakit para lang sa kapakanan nila, because they are worth the sacrifice.

She smiled at that thought and stopped in front of a familiar bridge.

Ang tulay na yari sa mga kalansay.

Pero hindi lang iyon ang nakapukaw ng kanyang atensyon. Because a crystalline bottle laid still on the ground in front of her. Kumunot ang noo ni Snow at pinulot ang bote.

"Sino namang mag-iiwan nito dito?"

Napasimangot si Mr. Boswell at marahang itinuro ang kabilang bahagi ng tulay. "Whoever it is, he wants you to drink it, little Snow."

Agad na bumaling si Snow sa direksyong tinititigan ng clockmaker. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang lalaking nakatayo roon at naghihintay sa kanya. He was wearing a cloak, but she could recognize him anywhere. Ngumiti si Snow White at pinigilang maluha..

'H-He's here..'

And he was silently telling her to drink it.

Tumango ang dalaga at walang pagdadalawang-isip na ininom ang nilalaman ng bote. Ilang sandali pa, pumunit sa kanyang lalamunan ang mapakla nitong lasa. It burned her throat and she stumbled forward. Nabasag ang boteng aksidente niyang nabitiwan. Boswell tried to steady her, but Snow White managed to balance herself..

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon