QOS: QUINQUE

2.2K 155 3
                                    

Biglang naglaho ang isla sa harapan ni Snow. Greed smirked as he vanished like dust being swept away by the cool sea breeze. Nataranta si Snow sa mga pangyayari. Akmang tatakbo na sana siya papalayo nang bigla niyang maramdaman na para bang may humihila sa kanya pabalik sa reyalidad.

'Anong nangyayari?!'

Snow felt her body being pulled by an unknown force. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay at paa, hanggang sa tuluyan na siyang lamunin ng kadiliman.

Nang magising si Snow, agad niyang naramdaman ang pamilyar na sopa sa kanyang likuran. Her head hurts. A migraine, perhaps? Napansin rin niyang maliwanag na ang paligid---ang private study ni Pride.

'Paano ako nakabalik dito?'

"The next time you enter my private study without my permission, I'll have you punished, Princess."

Napadako ang mga mata ng dalaga sa binatang nakaupo sa likod ng kanyang mesa. Pride was busy reading a book, though his posture suggested that he was aware she was laying on his sofa. Inayos ni Pride ang kanyang salamin at panandaliang tiningnan ang dalaga. "My mansion, my rules. Do you understand, Princess?"

"Nasaan si Greed? Kanina lang nandoon kami sa---!"

"Do you understand, Princess?" He asked again, this time more demanding.

Napabuntong-hininga na lang si Snow. 'Manipulative jerk,' isip-isip niya. Nanghihina siyang tumango at naupo na sa sopa. Kalmado namamg tumango si Pride at ibinalik ang atensyon sa binabasa. "Makakaalis ka na."

Napasimangot si Snow. The first warmth sunlight usually makes her mood lighter, but now, she only feels irritated. Nasaan na ba si Greed? Bigla na lang siyang iniwan! "Pride, isang ilusyon lang ba 'yong kanina? I was at Greed's Treasure Island, sliding down a rainbow into his treasure chest! Tapos may leprechaun pa! And.. and..."

And now that she's saying these things, Snow White realized how unbelievable it sounds. Mahirap nga namang paniwalaan lalo pa't bigla na lang rin naglaho si Greed at ang isla niya. Ni hindi niya alam kung paano siya nakabalik sa mansyon.

Pride raised an eyebrow at her. "Reality and fiction are two different things that overlap here inside the mansion."

"Anong ibig mong sabihin?" She challenged.

Napabuntong-hininga si Pride. "Posibleng oo, posibleng hindi. Ang katotohanan ay nakabatay sa pananaw mo, Snow."

Sumasakit yata ang ulo ni Snow sa mga sinasabi ni Pride. She leaned back on the sofa. Nang mga sandaling 'yon, naalala niyang bigla ang rason kung bakit siya nandito. "Pride?"

"What?"

"May kalendaryo ka ba rito?"

Kumunot ang noo ng kasalanan. "If you're wondering if it's your birthday, it's not. Rest assured, I keep track of mortal time."

Napanganga si Snow. "P-Pero bakit ako binati nina Lust at Greed kanina?"

"It's in advance. Sa susunod na linggo pa ang kaarawan mo, Snow White. As you know, my brothers are crazy bastards. Malamang sinadya ka nilang lituhin." Pride smirked, "Baka na-bored na naman sila kanina."

Sumusuko na talaga si Snow sa kabaliwan ng mga kasalanan. Mahina siyang napamura. 'Damn those sins!' Naiinis siyang tumayo at akmang aalis na sana sa private study ni Pride nang may maalala ulit. She spun around and met his eyes. "Bakit pala wala ka kanina dito? Nakakalat ang mga papeles kanina sa mesa mo.. it's unlike you to leave a mess, knowing how meticulous you are. At isa pa, suot mo ang formal attire mo. You usually don't wear that unless you have to leave the mansion."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon