TRIGINTA SEPTEM

3.5K 229 35
                                    

Nang marinig ni Christina ang pagsabog, ilang kanto lang ang layo mula sa kanyang munting tahanan, kinutuban na siya nang masama. 'Hindi naman siguro,' pagpapakalma ng ginang sa sarili at nagpatuloy sa pag-inom mula sa bote ng alak. Nangangalahati na ito pero mukhang kahit ilang inumin pa ang tunggain niya ngayong gabi, hindi pa rin siya mapapakali. Sinipat niya ang maliit na espasyo ng tinutuluyan---marumi at halos walang ilaw. May sapot na nang gagamba sa mga sulok ng bahay at mukhang kasingkapal na ng alikabok sa sala ang alikabok ng picture frame sa kanyang tabi.

She tried to ignore everything.

Bumalik sa kanya ang mga alaalang pinipilit na niyang kalimutan. Nagkamali ba siya noon? Hindi niya alam. Wala na rin naman na siyang magagawa.

"Tangina. Mas malupit pa pala ang buhay kaysa sa inaakala ko."

Nagsindi siya ng sigarilyo at sinimulan nang hithitin ito. She dragged in the toxic chemicals, her lungs filling with pain. Napaubo siya at mahinang napamura. Aksidente niyang natabig ang picture frame na naging dahilan para mabasag ito. Ipinukol ni Christina ang galit na mga mata sa batang nasa larawan at sa dating asawang mukhang nauna na sa impyerno.

"Mula nang ipinanganak kita, puro kamalasan na ang nangyari sa buhay ko."

Nanginginig na kinuha ng ginang ang larawan at tiningnang maigi. Kahit pa magalit siya rito, alam niyang wala itong kasalanan sa mga nangyayari ngayon. And that's the worst part of all. In Christina's world, her anger is just a defense mechanism to cover up her own mistakes. Ayaw na niyang balikan pa ang malaking pagkakamaling nagawa niya noon na naging sanhi ng paghihirap niya---paghihirap nila.

Guilt clawed her from inside.

'Matagal na dapat akong patay..' Mapait niyang isip. Pero magmula nang tinulungan niya ang nilalang na iyon para makalabas sa salamin, wala nang nangyaring tama sa magulo niyang buhay.

Dumako ang mga mata ni Christina sa kutsilyong nasa lamesa. Matagal na niyang gustong gawin ito sa sarili. Wala naman sigurong masama, hindi ba?

Nothing's holding her back.

She has nothing to lose.

Her daughter is dammed anyway.

*
"Princess?"

Kumikirot pa rin ang mga sentido ni Snow. Hindi na niya halos maigalaw ang katawan na tila ba tinakasan na ng lakas. Her neck stinged with the dull pain of a burning sensation. Sinubukan niyang huminga nang maayos ngunit hindi niya ito magawa. Naramdaman na lang niya ang pagbuhat sa kanya ng isang lalaki. She can hear voices talking, but unfortunately, she couldn't comprehend anything. Magulo pa ang kanyang isip at ayaw pang makisama ng kanyang diwa. 'What the heck is happening to me?'

"Princess?"

Agad niyang nakilala ang tinig na 'yon. Hindi siya pwedeng magkamali. 'Pride?' Bahagya niyang iminulat ang mga mata. The first thing Snow White saw is the empty night sky. Walang bituin, walang buwan. O baka naman natatakpan lang ito ng mga ulap?

Doon niya lang napagtantong buhat pala siya ng panganay sa magkakapatid. His eyes stared straight ahead as he walked towards the mansion. Napansin ni Snow ang ilang galos sa gilid ng pisngi ng binata. 'Anong nangyari?' Gusto sana niyang magsalita pero walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig. Her eyelids grew heavy again as she noticed Wrath walking behind them. Pero hindi rin siya napansin nito dahil mukhang malalim ang kanyang iniisip. He's preoccupied about something.

Pero ano?

"B-Bakit----?"

"Rest. We'll talk about it in the morning."

Pride's voice drifted in the cold night breeze. Hindi pa rin ito makatingin sa kanya. His attention was still focused on walking towards the dark mansion, their black shoes tapping against the circular cobblestone driveway. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya at ngumingiwi paminsan-minsan. Noon lang napansin ni Snow na para bang nanghihina na rin ang prinsipe ng pagiging mapagmataas. Like he was drained of energy. Inatake rin ba sila ni Boswell?

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon