VIGINTI TRES

4.8K 352 102
                                    

Matagal nang alam ni Snow na parang lungga ng mga kriminal ang mansyon tuwing sasapit ang gabi. Ngunit sa pagkakataong ito, tila ba dumoble ang pangambang nararamdaman niya habang tinatahak nila ang daan patungo sa kung saan. The darkness surrounded them, and the few torches in the area only intensified the fear she was trying to push aside. Pakiramdam niya may halimaw na bigla na lang hahablot sa kanya. 'Pero may mas nakakatakot pa ba sa mga alaga ni Sloth sa kwarto niya?' But that did little to ease her worry.

Huminga siya nang malalim at pilit itinuon kay Pride ang kanyang atensyon. Nangunguna ito sa paglalakad habang hawak ang isang gaserang mukhang kasing antigo na ng pamamahay na ito. The fire momentarily flickered as they passed some old portraits on the wall.

"Malapit na ba tayo?" Mahina niyang tanong sa binata. Kanina pa kasi sila naglalakad, Pride led her towards an unknown hallway on the first floor. Mukhang marami pang kababalaghan sa mansyong ito at pakiramdam ni Snow, kahit gugulin niya ang habambuhay, hindi niya matutuklasan ang laman ng bawat silid dito.

Pride's amused voice drifted through the emptiness, "Feeling scared? Too bad that won't save you tonight."

'Sadista!'

"Bitter ka lang dahil nabukulan kita dati."

Tumigil sa paglalakad si Pride at kalmadong lumingon sa kanya, his eyes assessing her very soul, "May sinasabi ka?"

Napalunok si Snow at pakiramdam niya tuluyan na siyang namutla. "W-Wala." Nakakaasar lang na kahit binulong lang niya ang mga salitang iyon, hindi ito nakalagpas sa pandinig ni Pride. 'Kaya takot ang mga kapatid niya sa kanya..' Nakahinga lang nang maluwag si Snow nang nagpatuloy na sila sa kanilang paglalakbay. Nadaanan nila ang ilang mga pintuang alam niyang nakalock.

Karamihan sa mga silid sa mansyon, nakalock ang mga pinto.

"We're here."

Nagulat si Snow nang mapansin ang malaking metal door sa dulo ng pasilyong ito. Luma na ito at may bakas ng natuyong dugo sa ilalim. Nanlamig ang kanyang katawan sa mabigat na pakiramdam na hatid ng lugar na ito. Mayamaya pa, naglabas ng mga susi si Pride mula sa bulsa ng kanyang coat. Snow's mouth fell open upon seing the set of keys. Sandamakmak ang mga susi na iba iba ang laki, hugis at kulay. It almost looked like a hundred or maybe a thousand keys jumbled up around one simple circular set. May kinuhang susi si Pride at nakita ni Snow sa liwanag ang hitsura nito.

Nangangalawang na ang susing ito na gawa sa itim na bakal. May ahas pang nakadisenyo rito at mukhang matagal na noong huling nagamit.

Pride used the peculiar key to open the heavy door. "Enjoy the night, princess." May narinig siyang mahinang 'click' kasabay ng maingay na pagbubukas ng pinto. Binati siya ng walang-hanggang kadiliman, an abyss within the room. Wala siyang makita at pakiramdam niya, gusto na niyang tumakbo pabalik ng kanyang silid. 'Hindi. Kailangan kong makaligtas ngayong gabi.. Or else Pride won't agree to train me.'

Snow White stepped closer to the edge, a boundary separating the darkness from the hallway. Kailangan niyang gawin ito. Kailangan niyang mapatunayan sa magkakapatid na mayroon rin siyang silbi bukod sa paglilinis ng mansyon.

Hindi niya man nakikita, pero alam niyang nakangisi sa kanya ang kasama.

"Good luck, princess."

Nataranta si Snow.

"H-Hoy! Hindi mo pa sinasabi sa'kin kung anong meron di-----AAAAAAAAAAAAHHH!"

Namalayan na lang ni Snow ang paggulong niya sa ibaba nang itulak siya ni Pride papasok ng piitan. Naramdaman ni Snow ang pagtama ng batong hagdan sa kanyang katawan habang nilalamon siya ng kadiliman. 'I'M GOING TO KILL THAT SIN!' Sigaw ng utak ng dalaga na hindi na rin makapag-isip nang matino sa bilis ng mga pangyayari. Nang sa wakas ay narating na niya ang ibaba, marahang hinimas ni Snow ang likuran at napadaing.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon