TRES

7.9K 454 26
                                    

"A-Anong gagawin niyo?"

Hindi alam ni Snow kung saan niya itutuon ang atensyon: kung kay Pride na kasalukuyang naglalakad papalapit sa kanya, o sa pentagram na kanina pa umiilaw sa kanyang paanan. Marahan siyang napalunok at tiningnan ang ekspresyon ng iba pang nasa silid. Ngumiti sa kanya ang kambal, may isang lalaking nakangisi sa kanya habang nakatitig sa dibdib niya, ang isa naman kumakain ng mansanas, habang ang isa ay galit na nakatitig sa kanya; si Sloth naman, mukhang mas gugustuhin pang pumunta sa ibang lugar kaysa dito. Snow turned her eyes to Pride who looked devilishly attractive as he neared her.

"Relax, Miss White. This will only hurt a bit."

Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan nang makita ang paglagablab ng apoy sa mga mata ni Pride. Sa mga sandaling iyon, para na siyang hindi makahinga. Darkness crept in the corner of her sight hanggang sa ang seryosong mukha ni Pride ang huli niyang nakita, bago siya lamunin ng kadiliman.

Snow White couldn't see anything for a few moments. Para siyang napadpad sa kawalan at hindi na niya alam ang daan pabalik sa mundo ng liwanag. Nagmulat siya ulit ng mata, at napakunot ang noo niya sa nakita.

Pride is still standing in front of her, only now, the surroundings are entirely different.

Ngumiti si Pride na ngayon ay nakasuot ng formal attire, an aristocratic style of black and white. Humakbang ito papalapit sa kanya at inilahad ang kanyang kamay. Ngayon lang din napansin ni Snow na nasa kalagitnaan sila ng isang ballroom, maraming mga bisita sa paligid na pawang elegante ang bihis. Kalmado ang ambiance ng lugar at nakapagbibigay-liwanag ang malaking crystal chandelier sa itaas. In the background, Niccolo Paganini's Carnival of Venice played soothingly by a violinist. Snow frowned when she saw that she was still wearing her black doll-styled dress.

"Bakit tayo nandito?"

Kinuha ni Pride ang kanyang kamay at hinila siya sa iba pang mga magkaparehang sumasayaw. Sa gitna ng mga katawang sumasabay sa ritmo ng tugtugin, bumulong ang lalaki sa kanya.

"You are beautiful and faded, like an old opera tune played upon a harpsichord; or like the sun-flooded silks of an eighteenth-century boudoir. In your eyes, smoulder the fallen roses of out-lived minutes.."

Napangiti si Snow at sumagot.

"And the perfume of your soul is vague and suffusing, with the pungence of sealed spice-jars."

Pride met her eyes, amusement flickering in those dark orbs. "Seems like someone's reading the right poetry." Tumango lamang si Snow sa kanyang sinabi. The lines they recited is from a poem written by Amy Lowell.

"Kasama ba ito sa ritwal?"

"Yes."

Iniikot siya ni Pride at nagpatuloy sa paliwanag, "This is just my way of being creative. Now, hurry off. Kailangan mo pang i-seal ang kaluluwa mo sa iba ko pang mga kapatid."

"Teka, paano niyo naman gagawi---?!"

Tuluyan nang naglaho si Pride sa karagatan ng mga sumasayaw. Naiwang mag-isa doon si Snow ngunit bago pa man siya makaalis, may biglang humawak sa kanyang kamay. Again, she was spun around as the violin played. Nagtama ang mga mata nila ng lalaking mukhang may personal na galit sa kanya kanina. Nakasuot rin ito ng kaparehong damit ni Pride, ang pinakaiba lang ay ang kulay abong bow tie nito.

"It is a pleasure to be your second dance, Snow. Anong masasabi mo sa lugar na 'to?"

Nag-iwas siya ng tingin. His eyes are too intense. Pakiramdam niya pilit na binabasa ang kanyang kaluluwa ng lalaking ito, "Kailangan mo pa bang alamin ang opinyon ko? Ni hindi ko nga alam kung paano ako napadpad dito.." She wasn't only referring to the ballroom. Tumango naman ang lalaki, "The other slaves said that, too. Hindi ko alam kung anong ipinagkaiba mo sa kanila. You all look like worthless mortals to me. Sana tumagal ka sa mansyon."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon