SEPTEM

6.1K 358 22
                                    

Hindi makagalaw si Snow. 'Am I hallucinating, or is a man really inside my mirror?' Kinusot niya ang kanyang mga mata at pasimpleng kinurot ang sarili pero hindi pa rin nawawala ang mukha ng lalaking nakatitig lang sa bawat galaw niya. If anything, he looks amused at her little antics.

"Why do you look surprised, Snow?"

Sinamaan niya ng tingin ang binata, "Sino ba naman ang hindi magugulat kung may lalaking lilitaw na lang bigla sa salamin? I don't even know you!" Maingat na lumapit si Snow White sa salamin at pinagmasdan ang anyo ng lalaki. His form slightly glowed violet, making him even more visible in the dark. Sa hitsura nito, para bang nakakulong lang siya sa loob ng isang glass.

"Pwede naman nating baguhin iyon."

"What are you talking about?" Bahagyang lumapit si Snow sa salamin at hinawakan ang frame nito. The man smirked and leaned closer---as close as the boundary between them allowed---and spoke in a hushed tone.

"My name is Chandresh. Ngayong kilala mo na ako, may kailangan akong sabi-----"

CRASH!

Before he could even finish his sentence, mabilis na kumilos ang dalaga at hinampas sa pader ang salamin. Nakabibinging ingay ang nilikha nito at tuluyan nang nabasag sa libu-libong maliliit na piraso. The shards of the broken mirror remained on the floor, some digging into the skin of her hands. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mapupulang labi ni Snow, kahit pa pumapatak ang kanyang dugo sa sahig.

"Too bad. I don't care who you are.. I've had enough drama in my life."

Ayaw na niyang isipin pa ang gulong hatid ng lalaking iyon sa buhay niya. Sa pitong magkakapatid pa lang, pakiramdam na kukulangin pa ang habambuhay upang manatili bilang alipin nila, paano pa kaya kung hahayaan niya pang dumagdag ang isang estrangherong sumulpot na lang bigla sa salamin? 'For all I care, maybe this is one of Pride's illusions again', pagpapakalma niya sa sarili at tinitigan ang mga sugat na natamo sa kamay.

Napasimangot ang dalaga.

Kung sinuman ang lalaking iyon, wala na siyang balak alamin.

*

Hindi na maalala ni Gabriel kung paano siya namatay. Of his thirty-five years of age, namalayan na lang niya ang sarili na kumakalas sa katawang lupang inabuso niya sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot pati na rin sa pagiging supplier ng mga ito sa buong Metro Manila. Sa nakalipas na tatlong taon, lumawak ang kanyang negosyo at kalaunan ay halos maligo na siya sa salapi.

'I had all the riches just by selling some candies.' Naaaliw niyang isip sa sarili.

Ang hindi niya lang talaga malaman ay kung paano siya napadpad sa lugar na ito.

Gabriel was seated on a black leather chair, maaliwalas ang kanyang paligid dahil sa chandelier na nakasalambitin sa kisame. Nang ilibot niya ang paningin, napansin niya ang pagiging magarbo ng silid kahit pa mukha itong sinauna. He hated old things. 'Why do anyone give a shit about old stuff? Nakakasuka ang hitsura ng lugar na ito'. Masyadong elegante, masyadong maayos at, higit sa lahat, masyadong tahimik. Ni hindi nga niya alam kung bakit siya kinakabahan.

Nang mga sandaling iyon, nagsalita ang isang boses.

"Gabriel Valencio, 34 years old. Isang notorious na drug lord at responsable sa pagpaslang sa apat na sibilyan. May records ka sa iba't ibang presinto at napasama sa most wanted noong 2015.."

Napalingon ang lalaki sa binatang nakaupo sa kanyang tapat. Napapagitnaan sila ng itim na mesang may kung anu-anong papales na maayos na nakasalansan dito. Sinamaan niya ng tingin ang kaharap, "Sino ka naman? At bakit mo ako kilala?"

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon