QUADRAGINTA QUINQUE

3.3K 239 4
                                    

Patuloy na lumalalim ang gabi sa bawat segundong lumilipas. Hanggang ngayon ay napapatingin pa rin ang mga taga-Eastwood sa dating pwesto ng Clockwork's Shop na ngayon ay puro abo na lang ang natira. People could hardly remember the shop, much less the young clockmaker who created it. Para bang unti-unti na rin nilang nakakalimutang nag-exist ito sa bayan nila---kahit pa ginagambala pa rin sila ng tunog ng mga orasan sa mga gabing tulad nito.

Huminga nang malalim si SPO2 Mercado at ipinapatuloy lang ang pagroronda. Minsan talaga, naiisip niyang kulang ang pinapasahod sa kanya ng local police department. 'Wala namang krimen. Bakit pa ba kailangang magronda? Tangina naman,' mahinang reklamo nito sa kanyang isip. Officer Mercado knows all too well that he can't say those words verbally. Kapag narinig ito ng hepe nila, malamang ay ilibing siya nito ng buhay.

"Kapag nangyari 'yon, dapat hulihin niya ang sarili niya." Officer Mercado laughed and stared up ahead. Wala namang bago sa Eastwood, maliban na lang sa pagdami ng mga patayan. Normal lang ang sanhi ng mga 'to: inatake sa puso, naaksidente sa motor, nahulog sa manhole, naluhod---the list goes on!

But recently, the death rate seems to hike up too much for his liking. Sa ilang taon na niya sa serbisyo, ngayon lang siya nakakarinig ng mga kaso ng patayang dumarating ng halos sampu araw-araw. Ang nakapagtataka pa, kapag nanonood siya ng balita, mukhang pareho sila ng kalagayan sa ibang lugar. It's like the whole world is suddenly dying. Slowly and surely. 'Baka naman nagkataon lang,' he reassured himself as he rounded a curve.

Hindi niya napansin ang malaking truck na humaharurot papunta sa direksyon niya.

"FUCK! ANONG-----?!"

Ang nakakasilaw na liwanag ng headlights ang huling naaalala ni Officer Mercado bago nahagilap ang sarili sa ibang lugar. O baka naman nandito pa rin siya sa gitna ng kalsada at naghihingalo? Maybe the monster standing before him is just a hallucination.

'Shit! Anong klaseng halimaw 'to?!'

Sinubukan niyang sumigaw. Sinubukan niyang igalaw ang katawan pero matapos ang ilang pagtatangka, napagtanto ng pulis na hindi na niya maigalaw ang sariling katawan. Hindi na niya maramdaman ito. Ganito ba ang pakiramdam ng mamamatay na? You feel paralyzed and helpless. Now, the hideous monster inched closer to him.

The silver apple pendant glowed.

*

Apat na araw na ang nakakalipas magmula nang isumpa si Snow. 'At wala pa rin kaming mahanap sa library na 'to..' Napabuntong-hininga na lang si Chandresh at marahas na isinara ang librong hawak niya. Parang tatlong beses na niya pinaulit-ulit ang pagbuklat ng mga libro dito, but all he found was some prophesies and history of the mortal world. "Kahit man lang 'Handbook on How to Defeat Boswell' sana, wala. How could that lazy sin call this a library?" Mahinang bulong ng binata sa sarili.

Nakaramdam na naman ng galit si Chandresh sa nilalang na 'yon. Hindi na niya namalayang nakakuyom na pala ang kanyang mga kamao. Chandresh wanted to blame himself---kung hindi lang sana siya nagpakabayani at pumunta sa kagubatan para hanapin ang mansyon, hindi sana siya maloloko ni Christina at makukulong sa salamin kapalit ni Boswell. But what else could he do? Nananalaytay sa mga ugat ng binata ang pagiging dugong-bughaw, at kinailangan niyang alamin ang misteryo sa kanilang kaharian. Moreover, hindi naman niya alam.

"Fate played it out for me that night.. There was nothing I could do."

Nang makarinig siya nga kaluskos, agad na nagtago sa likod ng isang bookshelf ang prinsipe. 'Tulog pa si Snow noong iniwan ko siya,' his violet eyes narrowed as he scanned the dim room. Nang wala siyang mahagilap na pinagmumulan ng tunog, he sighed in relief. Naupo muli si Chandresh sa makintab na sahig at pinalibutan ang sarili ng mga aklat.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon